liver,Tagalog,greener,con-00370,hapatitis c,Hepatitis C | Smart Parenting,liver, hepatitis, liver disease, hepatitis C, sakit sa atay,Itinuturing na silent killer ang hepatitis C dahil sa hindi agad nararamdaman ang sintomas dala ng virus na ito.
HealthYour Health

Injection, Tattoo, Ear Piercing, At Iba Pang Posibleng Dahilan Ng Hepatitis C

Kadalasang walang sintomas ang sakit na ito, kaya mainam na sumailalim sa screening.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Itinuturing na silent killer ang sakit sa atay na hepatitis C dahil sa hindi agad nararamdaman ang sintomas dala ng virus na ito. Unti-unti nitong sinisira ang atay ng isang tao hanggang sa lumala ang sitwasyon na nauuwi sa liver cancer kapag napabayaan.

Ayon sa World Health Organization (WHO), isa sa dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino sa bansa ay liver cancer, at dulot ito ng hepatitis. Dagdag pa, anim sa 1,000 katao ang may chronic hepatitis C.

Sa tala naman ng Hepatology Society of the Philippines (HSP), tinatayang may 600,000 ang may sakit na hepatitis C sa bansa. Sa katunayan, malaking usapin sa bansa ang sakit na ito lalo na marami pa ring walang sapat na kaalaman hinggil dito. Kaya itinakda rin ang Hulyo 28 bilang World Hepatitis Day para sa adbokasiya ng pagpapalaganap ng kamalayan sa virus na ito.

Ano ang hepatitis C?

Ang hepatitis C ay isa sa limang uri ng sakit na may pamamaga ng atay (liver) at tinatawag na hepatitis. Ang iba pa ay hepatitis A, B, D, at E. Sanhi ang mga ito ng tig-isang partikular na virus:

  • Hepatitis A virus (HAV)
  • Hepatitis B virus (HVC)
  • Hepatitis C virus (HCV)
  • Hepatitis D virus (HDV)
  • Hepatitis E virus (HEV)

May kanya-kanyang katangian ang bawat isa.

Ang hepatitis C ay impeksyon sa atay na nakakahawa. Kadalasan walang nararamdamang sintomas kapag may ganitong sakit, lalo na kapag nasa acute stage. Tumatagal ang impeksyon ng anim na buwan, ayon sa National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Disease (NIDDK). Kung minsan, nagagawa ng katawan na labanan ang impeksyon at nawawala rin ang virus kalaunan.

Sa kabilang banda, ang chronic hepatitis C ay malalang impeksyon na hindi na nakakayanan ng katawan na labanan ang virus. Kapag may ganitong sakit, maaaring mauwi sa cirrhosis, liver failure, at liver cancer. Pero kung maaga ang magiging gamutan, maaaring maagapan ito dahil kung hindi maaaring ikamatay kapag napabayaan.

watch now

Paano nakahahawa ang hepatitis C?

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang hepatitis C ay naipapasa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kontak sa dugo ng taong may dala ng virus na ito gaya ng pagsasalin ng dugo.

Bukod pa rito, maaari ding maikalat ang virus sa pamamagitan ng:

  • Paghihiraman ng hindi sterilized na karayom, gaya ng mga karayom na ginagamit sa pag-inject ng mga gamot
  • Hindi sterilized na gamit sa pagta-tattoo at pagpapahikaw sa tenga o iba pang parte ng katawan
  • Paghihiraman ng pang-ahit o razors, sepilyo, at nail cutter
  • Hindi protektadong pakikipagtalik (sa taong may sakit nito)
  • Naipapasa rin ito ng isang ina infected sa kaniyang sanggol na ipinagbubuntis

Paano mo malalaman na may hepatitis C?

Gaya ng unang nabanggit, hindi gaanong napapansin ang mga sintomas ng hepatitis C maliban na lamang kung talagang matindi na ang pinsala sa atay. Kaya maraming taong may ganitong sakit pero hindi nila agad nalalaman dahil sa katulad na sintomas din nito sa ibang sakit.

Ilan sa mga sintomas nito ay:

  • Gaya ng sa may flu, tulad ng pananakit ng mga kasu-kasuan at mataas na lagnat
  • Pakiramdam na laging pagod
  • Kawalan ng gawa sa pagkain
  • Pananakit ng sikmura
  • Pakiramdam na may sakit o nanghihina

Kaya kapag may nararamdaman na ganito ang isang tao, inaakala rin nila na ibang sakit ito. Pero may iba pang sintomas na dapat bantayan, tulad ng:

  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Pag-ihi ng dark yellow urine
  • Pagdumi ng gray o clay-colored stool
  • Paninilaw mata at balat (jaundice)

Bukod sa mga sintomas na nararanasan, nagsasagawa rin ang mga doktor ng medical history gaya sa pag-alam kung nasalinan ng dugo o gumamit ng karayom sa pag-inject ng gamot, at ang physical examination gaya sa pagtingin kung may pagbabago sa kulay ng balat, pagmamanas binti, paa, o bukong-bukong, at pagkapa ng tiyan.  

Ang tanging paraan para matiyak kung may hepatitis C kasama ang mga sintomas na ito ay ang magpa-test. Inirerekomenda ng mga doktor ang pagsusuri sa dugo ng sinususpetsahang may ganitong sakit.

Inirerekomenda naman ng CDC na magpatest nang isang beses ang mga nasa edad 18 hanggang 79. Inirerekomenda rin ang mga buntis at pasyente na anumang edad na may mataas na tsansa na impeksyon ng hepatitis C.

Sa mga pasyente na may banta na magkaroon nito, ipinapayo ang periodic screening hanggang patuloy ang paglabas ng mga sintomas.

Ayon sa CDC, walang proteksyon para sa hepatitis C. Samantala, merong bakuna laban sa hepatitis A at B. Mabisa ring gamitin ang hepatitis B vaccine para sa hepatitis D. Limitado naman ang bakuna laban sa hepatitis E.

Kaya ang mabisang paraan para hindi magkaroon ng hepatitis C ay iwasan ang posibleng mapagkuhanan ng sakit na ito. Pinakamainam naman ang magpa-screening ng dugo para sa hepatitis C. Dahil maaaring magamot ang mga hepatitis C sa loob ng 8 hanggang 12 linggo. (Basahin dito ang mga dapat kainin ng may sakit sa atay.)

May gamot ba para sa hepatitis C?

Batay sa mga paga-aaral, gumagaling ang nada-diagnose ng hepatitis C basta may maaga at tamang gamutan. Tulad sa iba pang gamot sa atay, may inirereseta ang mga doktor para mahinto ang pagdami at pagkalat ng hepatitis C virus sa katawan. Iniinom ito ng ilang linggo.

Pero ipinapaalala rin na hindi ka magiging ligtas na sa impeksyon pagkaraan kaya dapat na alagaan ang sarili at iwasan ang mga salik na maaaring mapagkuhan mo ng sakit na hepatitis C.

--

Mga pinagkunan ng impormasyon:

Viral Hepatitis: Hepatitis C

https://www.cdc.gov/hepatitis/hcv/index.htm

PH must act to eliminate hepatitis

https://www.who.int/philippines/news/commentaries/detail/ph-must-act-to-eliminate-hepatitis

Hepatitis C

https://www.niddk.nih.gov/health-information/liver-disease/viral-hepatitis/hepatitis-c

Read also: Bakit Kailangan ang Hepatitis B Vaccine ni Baby Bago Lumabas ng Ospital

View More Stories About

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close