healthy,celebrity,Tagalog,Vicki Belo,Scarlet Snow Belo,Korina Sanchez,Korina Sanchez-Roxas,Pepe and Pilar Roxas,Dr. Vicki Belo's Dream Is To Live Long Enough To Be With Scarlet,vicki belo,korina,routine tests,healthy,healthy living,mom's health,check-up,hmo,health insurance,Plus, mga tests na dapat ginagawa ng mga magulang para mapanatiling malusog ang katawan.
HealthYour Health

'Kaya Natin 'Yan!' Korina Sanchez, Vicki Belo Want To Live 'Til 120 Years Old For Their Kids

Paano nga ba natin maaalagaan ang ating kalusugan para mas matagal pa nating makasama ang ating mga anak?
PHOTO BYINSTAGRAM /KORINA /VICTORIA_BELO

Naka-relate sa isa't isa ang mga celebrity moms na sina Korina Sanchez, 58, at Dra. Vicki Belo, 65, sa pangarap nila - ang mabuhay pa ng mas matagal para makasama ang kanilang mga anak.

Ang kambal na anak ni Korina kay dating DILG Secretary Mar Roxas na sina Pepe at Pilar ay tatlong taong gulang pa lamang, habang si Scarlet naman na anak ni Vicki kay Hayden Kho ay pitong taong gulang pa lamang. 

Sa ulat ng PEP.ph, pinag-usapan ng dalawa sa bagong show ni Korina sa NET 25 na Korina Interviews na sila ay mayroong bagong goal sa buhay.

Kuwento ni Vicki, si Scarlet ang isa sa mga dahilan kung paano niya napagtagumpayan ang sakit na breast cancer.

“Prayers, of course. Family. Love. Support, and you know of course, the number one secret is Scarlet. Kasi, I really… look at her, I wanna be with her. I don’t wanna leave her naman so young. So, I pray, 'Lord, please give me time,'" sabi niya.

READ ALSO: Dr. Belo: 'I Had So Much Love To Give That I Really Wanted A Baby'

View this post on Instagram

A post shared by Scarlet Snow Belo (@scarletsnowbelo)

watch now

READ ALSO: Scarlet Snow Belo Is The Youngest Fashionista In Asia

Kaya naman sinabi ni Korina, "Naiiyak na rin ako. Kasi ganun din yung mga anak ko ang liliit pa. Kaya, all I can think of is how to live to be 120 years old."

"Kaya natin iyan," sabi ni Dra. Vicki.

Nauna nang kinwento ni Korina na ang kanyang inspirasyon sa pagwoworkout at pagda-diet ay ang kanyang mga anak. Kahapon, nagdiwang siya ng kanyang ika-58 birthday.

View this post on Instagram

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina)

READ ALSO: Korina At 57 Shares Her True Fitspiration, 'My Kids Are Very Young So I Have To Stay Healthy'

Mga routine tests na dapat gawin ng mga nanay para mapanatili ang kalusugan

Sa isang article ng Smart Parenting, tinalakay ng mga nanay at mga doktor na sina Karla Gae Torio, M.D at Romeo C. Castillo, M.D., ang isa sa pinakamainam na gawin ng mga magulang para panatilihing malusog ang kanilang katawan ay ang routinary check-up.

Narito ang mga tests na dapat taun-taon ginagawa ng mga magulang, ayon sa mga eksperto.

- Blood pressure - indicator ng hypertension o low blood pressure

- Complete blood count - sinusuri ang composition ng dugo gaya ng platelet, white and red cells upang matukoy kung may anemia o infection

- Blood chemistry - maraming test ang pwedeng magawa dito

- Lipid profile - nachecheck ang iba't ibang uri ng cholesterol, lalo na sa mga may family history ng hypertension, heart disease, at diabetes, at sa mga malakas uminom ng alak at manigarilyo

READ ALSO: How a Happy Marriage Can Shield You From Heart Disease

- Blood sugar - para sa may mga family history ng diabetes

- Uric acid - nadedetect ang gout

- HbsAg - screening para sa hepatitis B

- Breast examination - para matukoy kung may mga kakaibang bukol. Dito malalaman kung kailangan ng breast ultrasound at mammography

- Mammography - para sa mga may nanay o tiyahin na diagnosed ng breast cancer lalo na kung ito ay namamana

- Pap smear - rekomendado na gawin ito taun-taon hanggang sa edad na 30. Nagpapakita ito kung may infection o iba pang problema sa vagina

- Bone density test - upang matukoy ang osteoporosis, isang sakit kung saan nagiging marupok ang buto

Basahin naman dito ang mga tests para kay mister.

Bukod dito, mahalaga rin na bigyang pansin ang mental health ng mga nanay. Payo ni Dr. Joseph Regalado, isang pediatrician at psychologist, mahalaga na mayroong support system ang mga nanay. Mahalaga rin ang wastong pahinga at tulog.

Sumali sa Smart Parenting Village, ang aming online community para sa mga magulang.

Maaari kang manalo ng P5,000 Lazada vouchers kung sasagutin mo ang survey na ito tungkol sa iyong pamilya sa 'now normal.' Click here!

Dr. Joseph Regalado, a pediatrician and psychologist,

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close