;
embed embed2
  • Stroke, Tremors, Dementia, At Iba Pang Mga Uri Ng Sakit Sa Utak Na Dapat Malaman

    Mahalaga ang early detection.
    by Anna G. Miranda .
Stroke, Tremors, Dementia, At Iba Pang Mga Uri Ng Sakit Sa Utak Na Dapat Malaman
PHOTO BY Pexels/Daniel Reche
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Hindi maikakailang malala ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa mental health ng mga tao. Ilan lamang ang anxiety at depression sa mga isyu na higit na dapat pag-usapan sa kasalukuyang panahon. Sinasabing ang dalawang medical conditions na ito ay ang simula ng iba pang mas seryosong kalagayan ng kalusugan ng ating pagi-isip.

    Tinatayang isa sa anim na tao sa buong mundo ang apektado ng iba-ibang mga uri ng sakit sa utak, ayon sa World Health Organization (WHO). Mula sa stroke, Alzheimer's disease, at multiple sclerosis, hanggang sa epilepsy, traumatic brain injury, at iba pa, ang mga sakit sa utak ay nabibilang sa tinatawag na neurological disorders. Ito ang mga sakit na may epekto sa ating central at peripheral nervous system.

    Mga dapat malaman sa nervous system

    Bukod sa ating utak o brain, kasama sa central at peripheral nervous system  ang spinal cord, cranial nerves, peripheral nerves, nerve roots, autonomic nervous system, neuromuscular junction, at ang ating muscles. Gaano nga ba kaimportante ang ating utak? Bakit dapat itong ingatan?

    Ang utak ang control center ng ating katawan. Napakahalaga ng papel nito sa ating pag-unlad bilang tao, kasama rito ang pisikal na development at bodily functions. Nagsisimula sa utak ang lahat ng ating naiisip, nararamdaman, at kinikilos. Bahagi ito ng nervous system. May network ng nerves na nagdadala ng signals mula sa ating katawan at sa ating kapaligiran patungo sa spinal cord at sa utak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pinoproseso ito ng utak at nagpapadala rin ng responses o tugon sa pamamagitan ng spinal cord at nerves. Napakaraming mga uri ng sakit sa utak ang nakapagpapabago sa behavior, personalidad, at kakayahan ng isang tao upang magproseso ng impormasyon at makakilos nang inaasahan. Karamihan sa mga ito ay malaki ang epekto sa kakayahang magpasya at magpatuloy ng pang-araw-araw na mga gawain.

    Narito ang ilang common symptoms ng mga uri ng sakit sa utak:

    • Pananakit ng ulo at iba pang bahaging malapit dito
    • Mabilis at madalas makalimot
    • Nakalilimutan ang mga salitang dati nang alam
    • Natatagalan bago magawa ang dapat gawin
    • Naliligaw sa mga lugar na dati namang kabisado ang daan

    Marami pang ibang mga sintomas, depende sa uri ng sakit.

    Pagkakaiba ng Alzheimer’s disease at dementia

    Kapag sinabing nagkakaproblema sa pagi-isip, lalo na kung nagkakaedad, madalas nababanggit ang Alzheimer's disease at dementia. Maraming medical conditions ang nasa ilalim ng dementia, at lahat ng ito ay may kinalaman sa impaired memory, language, at iba pang cognitive functions. Tipikal ding nakaaapekto sa pang-araw-araw na buhay ang dementia. Pinakakaraniwang uri nito ang Alzheimer’s disease.

    Ang vascular dementia ay isa pang karaniwang uri ng dementia. Resulta ito ng huminang supply ng dugo sa utak. Posible ring dulot ito ng serye ng strokes na dinanas ng pasyente. Kumpara sa vascular dementia, ang Alzheimer’s disease ay isang progressive degenerative disease.

    Ibig sabihin, sa oras na may mga sintomas na, palala na lamang ito nang palala. Sa mga pasyenteng may vascular dementia, nagkakaroon naman ng small stroke ang pasyente na nakaaapekto sa kanyang isip bago ang plateau period kung saan stable na ulit ito. Lalala naman ito kung magkakaroon ulit ng stroke.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Early detection sa mga uri ng sakit sa utak 

    Isa sa pinagtutuunan ng pansin sa brain disease research sa kasalukuyan ay ang oras sa pagitan ng unang sintomas na naranasan ng pasyente at ng diagnosis na ibinibigay ng doktor sa kanyang kondisyon.

    Halimbawa, ang mga taong mayroong Parkinson’s disease ay posible palang sampung taon na nakararanas ng inisyal na mga sintomas. Tinatawag na prodromal phase ang panahong naroon na ang sakit ngunit hindi pa kapansin-pansin ang mga sintomas. Kung mas maaga ang epektibong deteksyon sa prodromal phase, mas makabubuo ang mga doktor at researchers ng mas maayos at maaasahang treatment plans.

    May paliwanag si David Dodick, MD, FAAN, ang board chair ng American Brain Foundation. Aniya, “It’s all about early detection because if we know that someone has the disease or will develop the disease…

    "There’s just a range of lifestyle changes patients can make to prevent a worsening of symptoms. And eventually, new therapeutics, when they become available, will have the ability to prevent or significantly delay the onset of these diseases."

    Mga uri ng sakit sa utak

    Ano-ano nga ba ang mga uri ng sakit sa utak? Paano natin maiiwasan ang mga ito? Narito ang isang komprehensibong listahan mula sa American Brain Foundation:

    • Aphasia
    • Autism
    • Amyotrophic Lateral Sclerosis (ALS)
    • Alzheimer’s Disease
    • Ataxia
    • ALS and neuromuscular diseases
    • Autism and neurodevelopment
    • Brain and nerve tumors
    • Brain and spine trauma
    • Cerebral palsy
    • Chronic Traumatic Encephalopathy (CTE)
    • Concussion
    • Dystonia
    • Dyslexia
    • Dementia–Alzheimer’s disease and LBD
    • Encephalitis
    • Epilepsy
    • Guillain-Barre Syndrome
    • Headache
    • Huntington’s Disease
    • Headache and pain
    • Lewy Body Dementia
    • Meningitis
    • Migraine
    • Myasthenia Gravis
    • Multiple Sclerosis
    • Muscular Dystrophy
    • Movement disorders
    • Neurogenetic diseases
    • Neuroinfectious diseases
    • Neurorehabilitation
    • Parkinson’s Disease
    • Sleep disorders
    • Spinal Muscular Atrophy
    • Stroke
    • Sleep disorders
    • Tremors
    • Traumatic brain injury
    • Tourette Syndrome
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Napakalaking tulong kung maagang napapansin ang mga sintomas ng mga sakit sa utak. Karamihan sa medical conditions na ito ay magkakatulad ang mga sintomas at mga bahagi ng utak na naaapektuhan. Ibig sabihin, ang lunas sa isang karamdaman ay posibleng maging lunas na rin sa iba pa.

    May iba pang mga sintomas ang mga uri ng sakit sa utak. Halimbawa, ang Amyotrophic lateral sclerosis (ALS), na kilala rin bilang Lou Gehrig’s disease, ay isang neuromuscular disorder na dulot ng by degeneration ng motor neurons sa ating utak at spinal cord.

    Karaniwang sintomas ng ALS ang muscle twitching. Nagkakaroon ng panghihina o pagliit ng muscles at tinatawag itong atrophy. Ang ibang uri ng ALS ay nakaaapekto rin sa muscles sa paligid ng bibig at dila. Dahil dito, nahihirapan magsalita ang pasyente. Ang mga nakararanas nito ay mayroon ding twitching o atrophy ng tongue muscles.

    Kailan dapat komunsulta sa doktor

    Mahalagang i-monitor ang anomang senyales at sintomas ng early stages ng mga uri ng sakit sa utak. Ayon sa mga datos ng WHO, mahigit sa 6 na milyong tao ang namamatay dahil sa stroke taon-taon. Mahigit sa 50 milyon naman ang mayroong epilepsy.

    Tinatayang nasa 47.5 milyon naman ang mayroong dementia. Umaabot din sa 7.7 milyong bagong kaso ng Alzheimer’s disease kada taon ang naitatala. Mahigit sa 10% ng populasyon ang nagkakaroon ng migraine sa buong mundo.

    Kung nag-aalala ka para sa sarili o sa kapamilyang posibleng mayroong ganitong mga medical conditions, pinakamainam na gawin ang pagpapatingin sa inyong doktor. Tandaan ding maraming pagbabago sa kognitibong aspekto ang normal ding nararanasan ng mga tao kapag nagkakaedad. Ngunit upang mas makasiguro, komunsulta agad sa iyong doktor upang masuri ang inyong kalagayan at malaman kung kabilang ito sa mga uri ng sakit sa utak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Basahin dito ang mga sintomas ng anxiety attack.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles