breastfeeding,depression,Tagalog,breastfeeding difficulties,post-partum depression,ask the doctor,greener,sanhi ng depresyon,Sanhi Ng Depresyon | Smart Parenting,sanhi ng depresyon, depression, post-partum depression, breastfeeding, breastfeeding difficulties,Ayon sa mga pag-aaral at karanasan ng mga nanay, isa sa mga sanhi ng depresyon ang hirap sa pagpapadede.
PregnancyHealth & Nutrition

Isang Sanhi Ng Depresyon Para Sa New Mom Ang Hirap Na Dinadanas Sa Breastfeeding

Pang-unawa at suporta ang kailangan para maiwasan ang postpartum depression, ayon sa mga eksperto.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

May mga pag-aaral na nagsasabing ang mga nanay na hindi nakakapagpadede sa kanilang mga sanggol ay mas mataas ang tyansang makaranas ng depresyon kumpara sa iyong mga nagpapadede. Isa sa sanhi ng depresyon ang malakas na pressure para sa kanila na maging ganap a breastfeeding mom.

Noong December 2020, ipinagtapat ni Ryza Cenon sa kanyang vlog na naging malaking challenge at frustration sa kanya na padedehin ang kanyang unico hijo na si Night. Ipinanganak ni Ryza ang sanggol noong October 31 sa parehong taon (basahin dito ang kanyang birthing story).

Kwento ng aktres, “Actually, naiiyak ako that time pag mag-isa lang ako kasi di ko siya maibigay. Naiiyak ako now…Hindi ko rin alam kung may postpartum ako or something. Kasi minsan, nafi-feel ko na parang… hindi ko naibibigay ang kailangan ng anak ko. Ewan ko."

Sanhi ng depresyon

Ayon sa 2015 study, maaaring pangkaraniwan ang postpartum depression sa mga nanay na sumubok pero nahirapan nang husto sa pagpapadede. Sa pag-aaral na iyon, lumahok ang 217 na mga nanay na sinimulan ang breastfeeding pero tumigil pagkaraan ng anim na buwan.

Mula sa mga sinagutang questionnaire ng mga kalahok na nanay, napag-alaman ng mga researcher na ang pagtigil sa pagpapadede ay maaaring maging mista ng depression. Pero mas mataas daw ang tyansa na tumuloy ito sa kung ano ang postpartum depression sa mga nanay na nagkaroon ng problema sa breastfeeding, tulad ng:

  • Lubhang pagkirot
  • Impeksyon sa suso
  • Kaunting gatas
  • Hirap sa pagdede si baby

Bagamat maliit lang ang pag-aaral, posible pa rin na nagdudulot o di kaya nakakadagdag ang breastfeeding problems sa pagkakaroon ng postpartum depression meaning. Ito ang paliwanag ni Ruta Nonacs, MD PhD sa Massachusetts General Hospital (MGH) Center for Women's Mental Health.

Sabi ni Dr. Nonacs, tugma ang resulta ng pag-aaral sa mga nakikita nilang mga doktor sa kanilang mga pasyente. Sa panahon daw kasi ng postpartum, ang pagpapakain ang isa sa mga pangunahing pangangalaga ng sanggol. Kaya kapag hindi ito naibibigay ng nanay, nakakaramdam siya ng pagiging incompetent o ineffective sa kanyang bagong papel bilang new mom.

watch now

Lahad pa ni Dr. Nonacs, binibigyan diin sa pag-aaral ang halaga ng pagbibigay suporta sa mga nanay na pinipiling ang breastfeeding. Kapag daw kaagad tinulungan at inalalayan silang makapagsimulang magpadede, maaaring mas magtagumpay at tumagal ang pagpapadede nila. Mababawasan din daw ang stress nila habang tumataas naman ang kanilang kumpiyansa sa sarili at makaiwas sa postpartum depression.

Sabi pa ni Dr. Nonacs, naniniwala siyang kasama sa pagsuporta sa pagpapadede ang pagbibigay ng pag-unawa sakaling piliin ng mga nanay na itigil ang breastfeeding dahil sa hirap ng kanilang pinagdadaanan. Madalas daw kasing nakakaramdam sila ng hiya at pagkukulang kapag hindi sila nakapagpadede. Mainam daw na huwag nang dagdagan ang stress na kanilang nararanasan.

Pag-unawa sa depresyon ng hirap magpadede

Tulad ni Dr. Nonacs, marami pang mga eksperto sa United States ang nanghihingi ng mas marami at malawak na pag-aaral sa epekto ng stress mula sa pressure na makapagpadede. Malaking tulong daw ang mga ito na maging maliwanag ang papel nito sa postpartum depression. Hindi kasi lahat ng mga nanay ay nagiging matagumpay sa pagpapadede, kahit pa nais nilang maibigay ang mga hatid na benepisyo ng breastfeeding.

Isa ang aktres na si Sophie Albert sa mga nakaramdam ng hiya nang hindi siya naging matagumpay sa breastfeeding sa unica hija niyang si Avianna. Ipinanganak niya ang panganay nila ng partner na si Vin Abrenica noong March 2021. Naranasan pa niyang masita ng ilan sa kanyang social media followers dahil formula milk ang binibigay niya kay Avianna (basahin dito).

Kaya paalala ng American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG) na hindi dapat husgahan ang mga nanay na hindi makapagpadede. Masyadong mataas na daw ang stress at distress na kanilang nararamdaman. Hindi rin kasi sila nakakakuha ng benepisyo ng oxytocin, na kilala bilang “love hormone” o” “cuddle hormone,” na siyang nakakapagkalma at nagpoprotekta laban sa sa stress, pati na bilang postpartum depression treatment.

Diin ng mga eksperto na malaki ang tulong na hatid ng suporta mula sa mga taong nakapaligid sa nanay na hirap sa breastfeeding. Makakaiwas siya sa sanhi ng depresyon at magiging mas mabuti pa siyang nanay.

Para makahanap ng tulong tungkol sa depresyon, basahin dito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close