Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Kinumpirma kamakailan ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng monkeypox sa Pilipinas. Ang 31-year-old na pasyente, ayon sa DOH spokesperson na si Dr. Beverly Ho, ay bumiyahe mula sa bansa na hindi naman talamak ang ganoong sakit.
Sabi pa ni Dr. Ho, 10 ang naging close contact ng pasyente, at lahat sila ay natira sa isang pamamahay. Kaya magkakasama rin sila sa bahay na sumasailalim ng "strict isolation and monitoring." Nagbigay din ng paalala ang doktora sa publiko na pairalin ang ibayong pagi-ingat.
Ano ang monkeypox?
Ang monkeypox ay isang sakit na viral zoonois. Ibig sabihin, ayon sa World Health Organization (WHO), nakukuha ito ng tao mula sa hayop. May mga katulad na sintomas ang monkeypox sa bulutong (smallpox), na mas malala pa sa bulutong tubig (chickenpox).
Naging pangunahing sakit ang monkeypox mula sa grupo ng orthopoxvirus nang matigil ang pagbabakuna laban sa smallpox dahil nawala na ang banta ng smallpox noong 1980.
Pero umaatake lang ito sa central at west Africa, kung saan malapit sa kagubatan, o tropical rainforests. Nakukuha ng tao ang sakit mula sa iba-ibang uri rodents, tulad ng daga, at primates, gaya ng unggoy at kalaunan sa kapwa tao na rin.
Noong 2003, nagkaroon ng unang monkeypox outbreak sa labas ng Africa, at nangyari ito sa United States. Nagsimula ang infection mula sa mga alagang prairie dogs, na hindi aso bagkus squirrel. Nakasama kasi ng prairie dogs sa kanilang tirahan ang Gambian pouched rats at dormice na nanggaling naman sa Ghana.
Pagkaraan ng 15 taon, naiulat ang ilang kaso ng monkeypox sa nga byahero mula Nigeria papunta sa Israel (September 2018); United Kingdom (September 2018, December 2019, May 2021 at May 2022); Singapore (May 2019); at U.S. (July at November 2021).
Pagdating ng May 2022, dumami pa ang mga kaso ng monkeypox sa mga bansa na hindi naman talaga inaatake nito, hanggang nakarating na nga sa Pilipinas.
Ayon sa DOH, maaaring mahawa ng monkeypox mula sa tao o hayop na infected kapag nagkaroon ng close contact sa sugat (open wounds), body fluids, at respiratory droplets, pati na exposure sa mga kontaminadong bagay.
Mga sintomas ng monkeypox
Kapag nagkaroon ng exposure sa virus mula sa infected na tao o hayop, hindi kaagad lumalabas ang mga sintomas. Ang incubation period kasi ay karaniwang mula 6 hanggang 13 days, pero puwede ring tumakbo mula 5 hanggang 21 days.
Ayon sa WHO, nahahati ang pag-atake ng infection sa dalawang yugto:
Invasion period
Tumatagal ito ng hanggang limang araw na may ganitong mga sintomas:
- Lagnat
- Matinding pananakit ng ulo
- Pamamaga ng mga kulani (lymph nodes), na tinatawag na lymphadenopathy (hindi ito nangyayari sa bulutong at bihira naman sa tigdas)
- Pananakit ng likod
- Pananakit ng muscles (myalgia)
- Matinding pagkawala ng energy
Skin eruption
Sa yugtong ito lumalabas ang pamamantal o rashes sa loob ng isa hanggang tatlong araw nag pagkakaroon ng lagnat. Ang rashes ay kadalasang lumalabas sa mukha, at sumunod sa mga palad at talampakan.
Puwede ring maapektuhan ang oral mucous membranes (tulad ng balat sa loob ng bibig, pisngi, at labi), pati na ang ari at mga mata. Pero hindi sa dibdib, likuran, at mga katabing mga parte ng katawan. Sa ganitong mga lugar naman lumalabas ang rashes na dulot ng bulutong tubig (chickenpox) at tigdas (measles).
Itsura ng rashes:
1. Sugat-sugat sa balat na patag o flat (macules)
2. Sugat-sugat sa balat na nakaumbok (papules)
3. Sugat-sugat sa balat na matubig o may clear fluid (vesicles)
4. Sugat-sugat sa balat na may lamang madilaw o yellow fluid (pustules)
5. Panunuyo ng mga sugat-sugat hanggang matutong at kusang matanggal
Paano nagagamot ang monkeypox?
Wala pang partikular na gamot para sa monkeypox, ayon sa mga eksperto, pero nalalapatan ng lunas ang mga sintomas na nararanasan ng pasyete. Kailangan lang mag-isolate nang hindi na makahawa sa ibang tao at kumalat pa ang virus.
Pero kung humantong sa malala o severe disease, ipinapayo ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang pagpapagamot sa ospital.
Tumataas ang panganib ng pagkakaroon ng severe disease kung:
- Immunocompromised dahil meron nang iniindang sakit, tulad ng human immunodeficiency virus/acquired immune deficiency syndrome (HIV/AIDS), leukemia, at iba pa na nangangailagan ng matagal na gamutan
- Mas bata sa 8 years old
- Buntis at breastfeeding
- May sakit sa balat (eczema, psoriasis, impetigo)
- Kung nakakaranas ng mga kumplikasyon (secondary bacterial skin infection, gastroenteritis with severe nausea/vomiting, diarrhea, or dehydration; bronchopneumonia)
Kailangan ding dalhin sa ospital para magamot ang pasyente ng monkeypox kung aksidenteng nagkaroon ng impeksyon ang mga mata, bibig, ari, o tumbong.
Mga paraan para makaiwas sa monkeypox
Nirerekomenda ng DOH ang health protocols na ginagawa na simula nang pumutok ang COVID-19 epidemic noong March 2020 para makaiwas din sa monkeypox:
- Pagsusuot ng tamang face mask
- Siguraduhin na maayos ang daloy ng hangin kung nasa loob ng publikong lugar
- Panatiliing malinis ang mga kamay
- Iwasan ang mataong lugar at sundin ang social distancing
Dagdag pang pag-iwas sa monkeypox ang pagsunod sa safe sex practices, ayon sa DOH spokesperson. Rekomendado naman ng CDC ang bakuna na unang ginamit sa smallpox para sa mga taong nagkaroon ng exposure sa monkeypox at mataas ang posibilidad na magkaroon ng sakit na ito.
Read also: WHO List Of Urgent Health Challenges For The Next Decade