embed embed2
May Kakayahan Ang Placenta Na Proteksyunan Ang Fetus Laban Sa COVID-19: Study
PHOTO BY Shutterstock
  • Rekomendado sa mga buntis na tumanggap ng COVID-19 vaccine bilang proteksyon hindi lamang sa kanilang sarili pero pati na rin sa kanilang ipinabubuntis. May lumabas kasing ebidensya na naipapasa ang antibodies panlaban sa virus mula sa bakunadong buntis hanggang sa sanggol (basahin dito).

    May isa pang posibleng dahilan kung bakit tila protektado ang sanggol sa sinapupunan kahit tamaan ng COVID-19 ang kanyang nanay. Ito ang taglay na kakayahan ng placenta na tanggalin ang proteins mula sa virus upang hindi makalusot ang mga ito papunta sa fetus.

    Base ang kaalamang ito sa pag-aaral na ginawa sa Boston Medical Center sa United States at ibinahagi sa The American Journal of Pathology nitong January 26, 2022.

    Lumahok sa pag-aaral ang 24 new moms na nanganak sa pagitan ng July 2020 at April 2021. Walo sa kanila ang nagpositibo sa COVID-19 at nakaramdam ng mga sintomas (symptomatic) noong kanilang second trimester. Walo pa ang nagkasakit naman noong kanilang third trimester. Ang huling walo naman ay hindi tinamaan ng virus.

    Napag-alaman ng mga researcher na kapag nangyari ang COVID-19 infection, lalo na sa third trimester, ang cells ng planceta ay tinatanggal ang protein sa ibabaw (surface protein) ng virus. Tinatawag ang surface protein bilang ACE2, na siyang ginagamit ng virus para makalusot sa cells ng tao at magdulot ng impeksyon.

    Dahil natatanggal ng placenta ang ACE2, bumababa ang tyansa ng virus na makapasok. Pinaniniwalaan ng mga researcher na dahil ito sa enzyme sa placenta na tinatawag bilang ADAM17.

    Mataas kasi ang level ng ADAM17 sa mga buntis na nagkasakit sa COVID-17 noong third trimester. Kilala raw ang ADAM17 sa kakayahan nitong tulungan ang ACE2 na makawala sa cell surface.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa tingin ng mga researcher, nararamdaman ng placenta ang panganib na dulot ng COVID-19 kaya nagpapakawala ito ng ADAM17 para matanggal ang ACE2. Sa ganitong paraan, mapipigilan ang pag-atake ng coronavirus sa placenta at sa fetus.

    May paliwanag si Dr. Elizabeth Taglauer, na pinangunahan ang grupo ng Boston Medical Center, at nasa ulat din ng Reuters.

    Aniya, nakita sa mga nauna ng mga pag-aaral na mula 7 percent hanggang 20 percent lamang sa mga buntis na tinamaan ng COVID-19 ang nagkakaroon ng pinsala sa placental cells. Kahit pa raw makalusot ang virus sa placenta, hindi na raw ito nakakarating sa fetus.

    Plano ni Dr. Taglauer at kanyang grupo na pag-aralan pang mabuti ang sinasabi nilang "protection pathways," na siyang tumataboy sa virus palayo sa placental walls nang hindi na makarating pa sa fetal blood vessels.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles