atopic dermatitis,Tagalog,skin asthma,greener,con-00370,nakakahawa ba ang skin asthma,Nakakahawa Ba Ang Skin Asthma | Smart Parenting,Health, Health Conditions, Skin Conditions, allergy home remedy, allergies type, asthma, allergy, nakakahawa ba ang skin asthma, skin asthma, atopic dermatitis, eczema,Maraming nagtatanong kung nakakahawa ba ang skin asthma, lalo na kapag nakakasalamuha ang mga taong merong sakit sa balat na ito na atopic dermatitis.
HealthYour Health

Nakakahawa Ba Ang Skin Asthma? Ito Ang Dapat Mong Malaman

Labis na pangangati ng balat ang isa sa mga sintomas nito.
PHOTO BYFreepik

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Para sa karamihan, ang eczema at atopic dermatitis (AD) ay iisa lamang. Ang totoo, isa ang AD sa mga pangkaraniwang uri o types of eczema. Tinatawag din ang AD bilang asthma of the skin, o skin asthma.

Ayon sa United States National Eczema Association (NEA), ang eczema ay ang iba't ibang mga sakit sa balat na nagdudulot ng pangangati, pamamaga, at pagkakaroon ng rash-like appearance.

Sa datos na kanilang nakalap, nasa 32 milyong katao sa Estados Unidos ang mayroong eczema. Sinasabi ring mas karaniwan ito sa mga babae kaysa sa mga lalaki. Nakasaad din sa pag-aaral na ito na 13% ng Asians ang nakatanggap ng definitive diagnosis sa loob ng labindalawang buwan na una silang nakaranas ng sintomas.

Sa artikulong ito, ating alamin kung nakakahawa ba ang skin asthma.

Ano ang atopic dermatitis o skin asthma?

Ang atopy ay salitang Griyego,o Greek, na nangangahulugang "out of place." Tinutukoy naman ng atopic ang tendency ng balat na magkaroon ng allergies, ayon sa Asthma and Allergy Foundation of America. Samantala, ang dermatitis ay ang inflammation ng balat.

May allergic features ang skin asthma ngunit naiiba pa rin ito sa karaniwang skin allergies dahil maaaring makaranas nito kahit walang exposure sa irritants.

Sa anong mga bahagi ng katawan maaaring makita ang kondisyong ito ng balat?

  • Mga kamay at daliri
  • Mga paa
  • Braso
  • Binti
  • Talukap ng mata (eyelids)
  • Labi

Mga sanhi ng skin asthma

Reduced humidity at labis na pagpapawis ang ilan sa mga sanhi nito. Isa rin ang abnormal immune responses o mga pagkakataong nagkakamali ang immune system sa pagkilala sa substances sa katawan ng tao kung kaya’t inaatake ang mga ito.

Mayroon ding environmental triggers katulad ng pagkain, airborne allergens, at ang colonization ng bakteryang Staph aureus sa balat.

watch now

Mahalaga ring malaman na nasa 80% ng kaso ng ganitong kondisyon sa balat ay hereditary. Dahil mayroon itong genetic component, maraming kaso ang hindi talaga maiiwasan.

Mga sintomas

  • Pagkatuyot ng balat
  • Pamamaga o inflammation ng balat
  • Pamumula at pangangaliskis ng balat
  • May nakaumbok na spots
  • Mamasa-masa at nangangati
  • Kumakapal ang balat
  • May crusting at cracked skin

Kung maputi ang taong may atopic dermatitis o skin asthma, nagmumukhang red rashes ang nasa balat. Kung mas kayumanggi o maitim naman, kulay tsokolate, lila, o abo ang rashes. Mayroon ding mga pagkakataong labis ang pangangating nararanasan.

Epekto ng skin asthma sa mga bata at adults

Dahil sa pangangati at iba pang mga sintomas, nasa 67% ng mga batang may skin asthma ang hirap sa pagtulog. Nagkakaroon din ng iba't ibang skin lesions, lalo kung madalas ang pagkakamot at pagkuskos sa erya ng balat na apektado.

Kahit mga sanggol na tatlong buwan pa lamang ang edad ay maaaring magkaroon ng skin asthma. May epekto rin ito sa kanilang mga magulang.

Paliwanag ni Dr. Natasha Balbas sa artikulo na isinulat niya sa Smart Parenting, karamihan ng kaso ng skin asthma o AD ay humuhupa sa edad 5 ngunit may ibang tumatagal hanggang sa pagtanda ng isang tao. Maaari ring magkaroon ng exacerbations at remissions hanggang sa edad 20s at 30s.

Nakakahawa ba ang skin asthma?

Tandaang namamana o hereditary ang skin asthma, ayon sa mga eksperto, ngunit hindi ito nakakahawa. Sa kabila nito, kailangan pa ring maging maingat at iwasan ang skin-to-skin contact sa pagitan ng pasyente at ng ibang tao sa kanyang paligid.

Sabi pa ng mga eksperto, walang espisipikong test para matukoy ang eczema. Tulad ng iba ring medical conditions, mainam ang magpa-check up upang masuri ng doktor ang mga rashes sa balat at mas malaman ang mga sintomas ng pasyente.

Makabubuti kung sasabihin sa doktor ang kumpletong family history, lalo ang tungkol sa atopic conditions. Maaari din nitong irekomenda ang pagpapatingin sa dermatologist o sa allergist.

Bukod sa paglilinaw kung nakakahawa ba ang skin asthma, nilinaw na rin ng mga eksperto na walang gamot para dito. Mayroon lamang mga over-the-counter remedies at prescription medications na nakapagbibigay lunas sa mga sintomas nito. Kasama rin sa gamot sa eczema at skin asthma ang corticosteroid creams at antihistamines.

May iba pang treatment options para maibsan ang mga sintomas ng skin asthma na inirereseta ng mga doktor, ayon sa National Eczema Association. Kaya mahalagang agad na komunsulta sa doktor kung mayroong nararamdamang pangangati at iba pang sintomas na maoobserbahan sa iyong balat.

Paano maiiwasan ang skin asthma?

Sa pagkonsulta sa doktor, posibleng irekomenda ang pag-iwas sa ilang mga pagkain na nakaka-trigger ng allergies at ng skin asthma. Kasama kasi sa food allergens na maaaring dahilan ng flare-ups ng AD ang sumusunod:

  • Mani
  • Soy
  • Itlog
  • Dairy products
  • Wheat
  • Isda

Makatutulong kung babasahin ang food labels upang maiwasan ang pag-atake ng AD o skin asthma. Ilan pa sa posibleng rekomendasyon ang pagpapalit ng detergents o sabon at pagsusuri sa lifestyle upang makita kung may mga pagbabagong dapat ding gawin. Mahalaga ring mapanatiling malakas ang immune system at maiwasan ang triggers.

Kasama rin ang sumusunod sa ilang paraang inirerekomenda ng mga eksperto sakaling mayroon ka nang sintomas nito:

1. Maligo gamit ang maligamgam (lukewarm) na tubig.

2. Iwasan ang labis at matagal na pagligo.

3. Malaking ginhawa ang maidudulot ng colloidal oatmeal bath.

4. Gumamit ng moisturizer katulad ng body oils at emollients.

5. Gumamit ng coconut oil at olive oil.

Mahalaga ring tandaan na hindi man nakakahawa ang skin asthma, iwasan pa rin ang skin-to-skin contact lalo kung may flare-ups o pag-atake ng sakit sa balat na ito.

Basahin dito ang tungkol sa mga produktong makatutulong sa iyo kung mayroon kang skin asthma.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close