-
Bukod Sa Potassium, 5 Klase Ng Sustansya Mula Sa Saging Na Kailangan Ng Pamilya Ngayon
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Hindi kataka-taka kung bakit kinagigiliwan ang pagkain ng saging. Bukod kasi sa masarap, masustansya pa ito. Maraming health benefits ang makukuha, halimbawa, sa nilagang saging na saba.
Varieties of banana
Ang saging (banana) ang prutas ng genus Musa mula sa Musaceae family ng flowering tropical plants. Katutubo itong pananim sa mga bansa sa Asia hanggang nakarating sa iba pang parte ng mundo at makikilala bilang isa sa “most important fruits crops.”
Maraming uri ang saging, at nahahati ito sa dalawang grupo. Ang una ay iyong karaniwang kinakain nang sariwa, tulad ng Cavendish. Ang ikalawa naman, kadalasang niluluto muna at tinatawag na plantain.
Isang “major producer of bananas” ang Pilipinas, ayon sa Department of Agriculture (DA). Ang karamihan ng ani mula sa Cavendish ay dinadala sa ibang bansa bilang export product. Para naman sa domestic market ang iba pang local varieties, tulad ng Lakatan, Latundan, Senorita, Saba, at iba pa.
Kilala ang saba sa Ilocos region bilang dippig at plantain sa labas ng bansa. Kadalasan itong nilalaga pang almusal o merienda. Puwede rin itong matamisin, haluan ng gatas at yelo bilang panghimagas na saba con hielo.
Pero mas patok ito sa mga lutuing banana cue (binubudburan ng brown sugar habang piniprito), turon (binabalot sa lumpia wrapper bago iprito) at maruya (sinasawsaw muna sa batter na arina bago iprito). Isa pang paborito ang banana chips.
Nutritional value
Pinakamainam na paraan ang nilagang saging na saba para lubusang makuha ang health benefits. Wala kasi itong cooking oil, processed sugar, at iba pang sangkap na ginagamit sa pagluluto ng banana cue, maruya, at turon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNoon pa mang early 20th century, binansagan ng "superfood” ang saging ng American Medical Association. Isa raw itong health food para sa mga bata at gamot para sa mga taong may celiac disease.
Mayaman ang saging sa mga ganitong sustanya:
- Vitamin B6
- Fiber
- Potassium
- Magnesium
- Vitamin C
- Manganese
Ang isang medium ripe banana ay nagbibigay ng:
- 0 fat
- 110 calories
- 1 gram protein
- 28 grams carbohydrates
- 15 grams sugar
- 3 grams fiber
- 450 mg potassium
Health benefits
Maraming benepisyo ang makukuha sa regular na pagkain ng saging, ayon sa Harvard School of Public Health. Sang-ayon naman diyan ang mga researcher mula sa Brazil na naglabas ng academic paper noong 2019.
Gastrointestinal problems
Lahad ng mga Brazilian researcher, nalaman nila sa kanilang paga-aral na nakakatulong ang green banana products na maibsan ang mga sintomas ng gastrointestinal diseases. Ang mga bata raw kasi na lumahok sa research ay nakaramdam ng ginhawa mula sa diarrhea at constipation.
May taglay ang unripe o green banana na resistant starch, isang uri ng carbohydrate na nilalabanan ang digestion sa small intestine. Kaya matagal itong sinisipsip ng digestive system at naiiwasan ang biglang pagtaas ng blood sugar.
Gumaganap din ang starch bilang pagkain sa paglago ng beneficial microbes sa digestive tract na siya namang tumutulong sa pagpigil ng chronic diseases. Kabilang diyan ang ulcerative colitis, Crohn’s disease, at antibiotic-related diarrhea.
Weight management
May positibong epekto ang saging sa mga lumahok sa research na may problema sa timbang. Nakaramdam daw sila ng pagkabusog mula sa saging, kaya dumalang ang kanilang pagkagutom at gumanda ang kanilang weight and body composition.
CONTINUE READING BELOWwatch nowCardiovascular issues
Dahil mayaman sa potassium ang saging, malaking tulong ito sa may problema sa puso. Ang potassium kasi ang mineral at electrolyte na nagdadala ng signal mula sa nerve cells para tumibok nang tama ang puso at mag-contract ang muscles.
Kailangan din ang potassium para mamintina ang malusog na balanse ng tubig sa cells ng katawan at makontra ang masamang epekto ng sobrang sodium. Kapag mataas kasi ang sodium, maaaring magresulta sa high blood pressure. Diyan makakatulong ang pagkain ng nilagang saba ng saging.

- Shares
- Comments