embed embed2
  • Paano Gumawa Ng No-Sew Face Mask

    Dahil nagkakaubusan na sa mga botika at online shops, bakit hindi ka na lang gumawa?
    by Ana Gonzales .
Paano Gumawa Ng No-Sew Face Mask
PHOTO BY Ray Gonzales
  • Bata pa lang ako, hikain na talaga ako. Ang kalimitang trigger nito ay lamig, pollen, alikabok, tsokolate, at labis na pagtawa (totoo!).

    Nang pumutok ang bulkang Taal Enero ngayong taon, kabilang kami ng asawa ko sa mga nagkumahog makabili ng face masks. Ngunit dahil malayo ang inabot ng ashfall na dulot ng pagsabog ng bulkan, hindi maiwasang magkaubusan ng masks.

    Bago matapos ang unang buwan ng taon, pumutok naman ang balita tungkol sa isang bagong virus na ngayon ay kilala natin bilang COVID-19. Hindi pa man nakakapagrestock ang mga pangunahing botika at pamilihan, mayroon nanamang bagong demand para sa mga face masks.

    Mabuti na lang at naka-order na kami online bago pa maubusan ng paninda maging ang mga online sellers.

    Sa ngayon, bagaman may mangilan-ngilang online stores na nagbebenta ng face masks, pahirapan pa ring makabili at makapagpadeliver dahil naman sa community quarantine.

    Kaya naman mas makabubuti kung mananatili na lamang tayo sa loob ng ating mga tahanan.

    Ngunit kung hindi mo maiiwasang lumabas at wala kayong magagamit na face mask, pwede kayong gumawa gamit lamang ang mga ordinaryong bagay mula sa loob ng bahay.

    Ang no-sew face mask na ito ay hango sa bersyong gawa ng blog na Japanese Creations. Hindi gumana sa akin ang hair tie o ponytail dahil masyado itong masikip kaya naman gumawa kami ng sarili naming bersyon.

    Mga kakailanganin mo para sa iyong no-sew face mask:

    • Makapal na panyo
    • Tali ng sapatos
    • Gunting

    Paalala! Linising mabuti ang sintas ng sapatos o shoelace kung gagamit ka ng luma. Tandaan! Ilalagay mo ito malapit sa iyong mukha kaya kailangan malinis na malinis ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Tatlong bagay lang ang kailangan mo.
    PHOTO BY Ray Gonzales
    What other parents are reading

    Mga hakbang sa paggawa:

    1. Ilatag ang makapal na panyo sa isang malinis na lamesa.

    2. Tiklupin ang kalahating bahagi papunta sa gitna. Gawin ito sa magkabilang dulo.

    Itiklop papunta sa gitna.
    PHOTO BY Ray Gonzales

    Ulitin sa magkabilang dulo.
    PHOTO BY Ray Gonzales
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    3. Baligtarin.

    Baligtarin.
    PHOTO BY Ray Gonzales

    4. Tiklupin ang kalahating bahagi papunta sa gitna. Gawin ito sa magkabilang dulo.

    Tiklupin muli papunta sa gitna ang magkabilang dulo.
    PHOTO BY Ray Gonzales
    Mas maliit na ngayon ang panyo—sakto nang pantakip sa iyong ilong at bibig.
    PHOTO BY Ray Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    5. Gupitin ang sintas ng sapatos ayon sa haba na kasya sa iyong mukha.

    Pwede ka ring gumamit ng ibang tali kung wala kang extra na sintas ng sapatos.
    PHOTO BY Ray Gonzales

    6. Itali ito para maging bilog. Gawin sa magkabilang dulo.

     

     

    I-adjust ang laki ayon sa hugis ng inyong mukha.
    PHOTO BY Ray Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    7. Itiklop ang panyo papunta sa gitna para matakpan at maipit ang mga bilog na tali.

     

     

     

    Depende ang laki nito sa hugis ng iyong mukha.
    PHOTO BY Ray Gonzales
    Pwede ka ring gumamit ng elastic band. Sinubukan ko ito pero naaalis ito sa tenga ko kaya malambot na tali ang ginamit ko.
    PHOTO BY Ray Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Itiklop mo papunta sa gitna ang dalawang dulo.
    PHOTO BY Ray Gonzales
    8. Binatin at i-adjust ayon sa laki ng iyong mukha. Pwede mo nang isuot ang iyong DIY no-sew face mask!

     

     

    Narito na ang finished product! Siguraduhin mong nakalapat ito sa iyong ilong, bibig, at baba, para walang makapasok na droplets.
    PHOTO BY Ray Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

     

    Epektibo ba itong panlaban sa COVID-19?

    Ipinaliwanag ni Professor Ivan Hung ng Li Ka Shing Faculty of Medicine sa isang video na ang mga DIY masks ay nakakatulong para mabawasan ang mga microbes na kumakalat mula sa pagbahing at pagubo. Ngunit, hindi ito kasing bisa ng mga surgical masks.

    Nakakatulong naman ang mga panyo, twalya, at scarves para pigilan ang direktang pagtama ng mga droplets sa iyong ilong at bibig, ngunit, hindi sila isang daang porsyento na makakapigil sa COVID-19.

    Sabi nga ng mga eksperto, hindi porke nakasuot ka ng masks at gloves ay hindi ka na tatamaan ng virus. Isa lamang ito sa mga maaari mong gawin—kailangan mo itong samahan ng social distancing at frequent and correct hand washing.

    Nasubukan mo na bang gumawa ng face masks? Paano ang ginawa mo? Anu-ano ang mga materials na ginamit mo? I-share mo lang sa comments section.

    Pwede mong panooring ang video ng paggawa dito:

    Para sa iba pang mga kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles