cluster,sipon,sakit ng ulo,greener,con-00370,cluster creation,paano mawala ang sakit ng ulo dahil sa sipon,Paano Mawala Ang Sakit Ng Ulo Dahil Sa Sipon | Smart Parenting,Health, Health Conditions, Pain Management, migraine, symptoms, headache, paano mawala ang sakit ng ulo dahil sa sipon, sakit ng ulo, sipon,Paano mawala ang sakit ng ulo dahil sa sipon ang tanong ng karamihan lalo na ngayong pabago-bago ang panahon.
HealthYour Health

6 Puwedeng Gawin Kung Paano Mawala Ang Sakit Ng Ulo Dahil Sa Sipon

Virus man o allergen ang sanhi, tiyak na makararanas ng pananakit ng ulo.
PHOTO BYFreepik

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Mayroong dalawang pangunahing uri ng sakit sa ulo: ang primary at secondary headaches. Ang primary headaches ay resulta ng maliliit at panandaliang mga pagbabago sa nerves, blood vessels at muscles sa iyong ulo. Migraines at tension headaches ang ilan sa halimbawa nito.

Iba naman ang trigger sa secondary headaches. Karaniwang dulot ito ng mga karamdaman tulad ng sipon (common cold) at trangkaso (flu). Kilala ito bilang congestion at/o sinus headaches.

Talaga namang hindi maganda sa pakiramdam ang pananakit ng ulo, lalo kung may kasabay itong sipon. Apektado rin kasi ang iyong kakayahang mag-focus o concentrate. Sa artikulong ito, aalamin natin kung paano mawala ang sakit ng ulo dahil sa sipon.

Mga sanhi

Mucus na tumutulo palabas ng ilong ang sipon ang isa sa mga sanhi ng sakit ng ulo. Dulot ito ng mas malamig na temperatura, colds, trangkaso, o allergies. Rhinorrhea at rhinitis ang ilan pang terminong ginagamit sa runny nose. Ang rhinitis naman ang tumutukoy sa pamamaga ng nasal tissues o membranes na nasa nasal passages.

Kapag nakapapasok kasi ang cold virus o allergen tulad ng pollen o alikabok sa katawan, naiirita ang lining ng ilong at sinuses (ang air-filled pockets sa paligid ng mukha) at dito nagsisimulang mag-produce ng mas maraming mucus ang ilong. Nata-trap ng mucus ang bakterya, virus o allergens at tumutulong na mapalabas ang anomang iritasyon sa ilong at sinuses.

Matapos ng ilang araw, maaaring magbago ang kulay ng mucus at maging puti o dilaw. Kung minsan nagiging berde din ito. Normal ang pagbabago sa kulay at hindi naman nangangahulugang mayroong iba pang mga impeksyon. Kasama rin sa automatic na reaksyon ng iyong immune system ang sore throat, ubo, sneezing, pananakit ng ulo, at pananakit ng katawan.

watch now

Ayon sa mga eksperto, dalawa hanggang tatlong beses nagkakaroon ng colds ang mga adults kada taon. Madaling matukoy ang head colds at sinus headaches kahit walang daraanang pagsusuri o lab tests ngunit kung gustong mas makasiguro, wala rin namang mawawala kung kokonsulta sa doktor.

Mga sintomas

  • Sipon
  • Pananakit ng ulo
  • Pananakit ng katawan
  • Fatigue o labis na pagod
  • Pagbahing (sneezing)
  • Lagnat

Virus man o allergen ang sanhi, tiyak na makararanas ng pananakit ng noo, sa ilalim ng mga mata, at sa itaas na bahagi ng ngipin ang may sinus headaches. Mas sumasakit pa nga ito kapag nakahiga o naka-bend ang posisyon ng may sakit. 

Ilan pa sa posibleng mga sanhi ang sumusunod:

  • Dehydration
  • Poor sleep

Paano nada-diagnose ang sinus headache?

Madalas na inaakalang sinus headache ang migraine. Upang mabigyan ng wastong diagnosis, magpa-check up sa iyong doktor upang masuri ang iyong pisikal na kondisyon at mga sintomas. Kapag malala ang mga sintomas at hindi naiibsan sa tulong ng decongestants, maaari ding sumailalim sa imaging tests.

Makatutulong ang magnetic resonance imaging (MRI) test para makita rin ang kondisyon ng utak ng pasyente. Maaari ding makita dito ang sinus blockages. Nakatutulong din ang X-rays, computed tomography (CT) scan, at nasal endoscopy (o ang paggamit ng manipis at flexible tubena mayroong maliit na kamerang makapagpapakita ng nasa loob ng iyong ilong at sinus).

Paano ginagamot ang pananakit ng ulo?

Isa ang warm compress sa mga kilalang home remedies na ginagamit kung paano mawala ang sakit ng ulo dahil sa sipon. Naiibsan nito ang pananakit ng ulo at sinus pressure lalo kung ilalagay sa noo at ilong.

Maaari ring gumamit ng maligamgam na tubig at tuwalya o washcloth kung walang compress. Nakagiginhawa kasi ang warm compress sa nasal congestion at head cold symptoms.

Walang ispesipikong gamot sa common cold. Mayroon lamang pain relievers at cold remedies tulad ng decongestants na maaaring mabili kahit walang reseta ng doktor.

Nakapagbibigay ng panandaliang lunas at ginhawa ang decongestants mula sa blocked o stuffy nose. Naiibsan kasi ng decongestant ang mga sintomas ng  sipon, trangkaso, hay fever, at iba pang allergic reactions, catarrh at sinusitis. Binabawasan kasi nito ang pamamaga ng blood vessels sa ilong, upang mabuksan ang daluyan ng hangin.

Iba't iba ang uri ng decongestants. Kasama sa mga ito ang sumusunod:

  • Nasal sprays
  • Drops
  • Tablets o capsules
  • Liquids o syrups
  • Flavoured powders na tinutunaw sa tubig

May mga produkto ring "all-in-1" remedies dahil bukod sa decongestant, painkiller at antihistamine na rin ito. Karamihan sa mga decongestants ay mabibili sa mga pharmacy at hindi ka na hihingan ng reseta. Tandaan ding karamihan ng tao ay puwedeng uminom ng decongestants ngunit hindi ito para sa lahat.

Mahalagang komunsulta muna sa doktor o pharmacist kung hindi ka sigurado:

  • Kung may iba pang mga gamot na iniinom
  • Mga lalaking may enlarged prostate
  • Mga may liver, kidney, heart o circulation problems
  • Mga sanggol at bata
  • Kung may increased pressure sa mga mata

Kung mayroong isa o higit pa sa medical conditions na ito:

  • Glaucoma
  • Diabetes
  • High blood pressure
  • Overactive thyroid gland (hyperthyroidism)

Kapag ang edad ng bata ay 6 hanggang 11, hindi rin dapat lumampas sa 5 araw ang pag-inom nito. Siguraduhing susundin din ang mga panuto na nasa pakete o patient information leaflet na kasama sa bibilhing gamot.

Iba pang maaaring gawing lunas:

1. Humidifier (cool-mist humidifier o steam vaporizer)

Makadaragdag ito ng moisture sa hangin.

2. Irigasyon sa sinuses

Nakatutulong ang salt water upang matanggal ang sipon at iba pang irritants kagaya ng bakterya, alikabok, at pollen.

Karaniwang makagagamit ng neti pot, syringe, o ibang nasal rinse products. Siguraduhin lamang na napakuluan o sterile ang tubig na gagamitin. Patuyuin din ang gagamiting device nang mabuti matapos itong gamitin.

3. Pag-inom ng maraming tubig

4. Chicken soup

Hindi naman mapanganib ang colds at pagkakaroon ng sipon. Nawawala rin ito sa loob ng 3 hanggang 10 araw. Sa ilang kaso, tumatagal ito sa loob ng 2 hanggang 3 linggo.

Kailan dapat komunsulta sa doktor?

Pagdating sa mga bata, ayon sa Harvard Health, palaging dalhin agad sa doktor ang mga batang mayroong pabalik-balik na headaches. Lalo na kung nararanasan ito sa gabi o pagkagising ng iyong anak sa umaga. Kung pabalik-balik din ang iyong mga sintomas, agad nang komunsulta sa iyong doktor nang mabigyan ng payo kung paano mawala ang sakit ng ulo dahil sa sipon.

Basahin dito ang sobrang sakit ng ulo.

 

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close