headaches,Tagalog,sakit ng ulo,greener,con-00370,masakit ang ulo,uri ng sakit sa ulo,Uri Ng Sakit Sa Ulo | Smart Parenting,uri ng sakit sa ulo, masakit ang ulo, gamot sa sakit ng ulo, headaches, sakit sa ulo home remedies, lunas sa sakit sa ulo,May ilang uri ng sakit sa ulo, kaya mahalagang malaman kung saan nanggagaling ito nang mabigyan ng tamang gamutan.
HealthYour Health

Mahalagang Malaman Ang Uri Ng Sakit Sa Ulo Nang Mabigyan Ng Tamang Gamot

May mga karaniwan at hindi pangkaraniwang uri.
PHOTO BYfreepik/jcomp

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Sobrang hirap magpokus sa ginagawa at trabaho kapag masakit ang ulo. Halos hindi ka makakilos o makagalaw nang maayos dahil sa iniinda mong pananakit nito. Kadalasan kailangan ng sapat na tulog o pahinga lamang para mawala ito o kaya ang mga home remedy, pero kalimitan kailangan na ng pag-inom ng gamot.

May uri ng sakit sa ulo na kusang nawawala rin at meron din namang kaakibat ng ibang kondisyong pangkalusugan na dapat bigyang pansin. Ito ay lalo na kung pabalik-balik o kahit uminom ka na ng gamot, tila hindi naibsan ang sakit o walang naging pagbabago.

Kaya mahalagang matukoy rin kung gaano katindi ang sakit ng ulo, lokasyon nito, gaano kadalas ang pag-atake, at mga dahilan. (Basahin dito kung masakit ang likod ng ulo.)

Ayon sa Standford of Medicine, hindi nararamdaman ng utak anumang sakit kundi ang kirot na nagbubuhat sa pangunahing pinagmumulan ng sakit ng ulo. Ilan sa mga halimbawa nito ang pamamaga o pananakit ng bahagi ng katawan, gaya ng leeg at ulo, kasama na rito ang mga nerve, blood vessel, at muscle.

Mga karaniwang uri ng sakit sa ulo

Ang mga karaniwang sakit ng ulo ay hindi delikado o nakababahala, pero nagdudulot ito ng kirot at nakaaabala para maging produktibo ang pang-araw-araw na pamumuhay.

Migraine

Ito ay matinding pananakit ng ulo na may kasamang pagpintig ng sintido. Sa iba, pareho o magkabilang sintindo ang apektado. Ang taong may migraine ay nakararanas ng sensitivity sa ilaw, tunog, at amoy. May ilan din na nakararanas ng pagsusuka at pagkahilo.

Ang karaniwang sanhi ng migraine ay:

  • Stress
  • Anxiety
  • Kakulangan sa tulog
  • Hormonal changes
  • Pagpapalipas ng gutom
  • Dehydration

Tension headache

Hindi matindi ang kirot na naidudulot ng ganitong sakit sa ulo. Malimit na makagagawa pa rin ng mga regular na gawain kahit na may iniindang pananakit ng ulo.

watch now

Madalas na sanhi nito ay:

  • Dehydration
  • Malakas na ingay
  • Kakulangan sa ehersisyo at sapat na tulog
  • Maling posisyon ng pag-upo at pagtayo
  • Nalipasan ng gutom
  • Eye strain

Hypnic headache

Bihira ang ganitong sakit ng ulo na nararanasan ng mga taong nasa edad 40 hanggang 80. Kakaiba ito dahil umaatake lagi tuwing gabi at tumatagal nang 15 hanggang 60 minuto. Mararanasan ang pagsakit ng buong ulo at hindi ito kaugnay ng baradong ilong o pagluluha.

Cluster headache

Pabugso-bugsong pagsakit ng ulo na nangyayari ilang beses sa isang araw o linggo at nawawala pagkaraan ng ilang oras.  Kadalasang tumatagal ito nang 20 minuto hanggang 2 oras. Lagi itong sa isang bahagi lamang at kasama ang sintomas ng baradong ilong, pagluluha, o iritasyon sa mata.

(Basahin dito ang gamot sa sakit ng ulo at sipon.)

New Daily Persistent Headache (NDPH)

Bihira ang ganitong kondisyon na nangyayari nang hindi inaasahan at hindi rin malaman ang dahilan. Hindi himihinto o nawawala ang pagsakit ng ulo sa mga pangkaraniwang gamot. Sa ibang taong nakararanas nito, tumatagal ito ng taon o puwedeng hindi na rin mawala. May paggamot na maaaring gawin para matugunan ang kondisyong ito.

Samantala, mayroon ding pangunahing sakit ng ulo na dahil sa paraan ng pamumuhay o sitwasyon. Kasama sa mga ito ang mga sumusunod:

  • Dulot ng labis na pag-inom ng alak
  • Pagkonsumo ng pagkain na makapagpapa-trigger ng sakit ng ulo
  • Pagkonsumo ng nicotine
  • Mga pisikal na gawain, gaya ng labis na pag-eeehersisyo, pag-uubo, pagbahing, pagsinga, labis na pag-ire para makadumi, sobrang pagtawa o pag-iyak

Iba pang mga uri ng sakit sa ulo

May tinatawag namang mga sekondaryang sakit ng ulo. Ang mga ito ay kaakibat ng mga kondisyong medikal. Itinuturing na isang sintomas ang sakit ng ulo para sa mas malalang sakit o nangangailangan ng atensyong medikal.

May ilan sa mga ito ang hindi naman mapanganib at nawawala rin pagkaraang matugunan ang mga kondisyong pangkalusugan na kaugnay nito. Kasama rito ang dehydration, sinus, labis na pag-inom ng gamot.

Sa kabilang banda, may mga sekundaryang sakit ng ulo na mapanganib at maaaring ikasawi. Ang ganitong mga kalagayan ay kinakailangan ng agarang paglalapat ng gamutan.

Spinal headache

Nararanasan ito pagkaraang sumailalim sa spinal tap gaya ng epidural. Nangyayari ang matinding sakit ng ulo kapag may lumabas na spinal fluid sa membrane na nakapalibot sa spinal cord.

Karamihan sa mga spinal headache ay nagagamot sa bahay at medyo matagalan. May inireresetang gamot din ang doctor para maibsan ang sakit. Kadalasan na tumatagal ito sa loob ng 3 hanggang 7 araw. Pero kapag hindi nagamot, maaaring lumalala ang kondisyon at magdulot ng komplikasyon na mapanganib gaya ng hematoma at seizures.

Thunderclap headache

Sobrang sakit ng ulo ang nararanasan sa kondisyong ito na biglaang mararamdaman, gaya sa isang kislap ng kidlat. Tumatagal ang matinding kirot nito sa loob ng 1 minuto hanggang 5 minuto.

Bagaman hindi naman ito mapanganib, kailangan pa ring magpatingin para sa agarang atensyong medikal. Maaari kasing sintomas ng:

  • Head injury
  • Pagdurugo sa utak
  • Biglaang pagtaas ng blood pressure
  • Reversible cerebral vasoconstriction syndrome

Ilang tips para maibsan ang sakit ng ulo

Maaaring subukin ang mga home remedy at mga over-the-counter na pain reliever para maibsan ang mga karaniwang sakit ng ulo. Puwede ring gawin ang sumusunod bilang gamot sa sakit ng ulo:

1. Paglalapat ng hot or cold compress sa ulo.

2. Pagmamasahe ng ulo, leeg, batok, at likod.

3. Pagtulog o pagpapahinga sa isang madilim at tahimik na silid.

4. Pag-iwas sa masyadong maliwanag o direktang ilaw.

5. Pag-ehersisyo na pag-uunat-unat ng mga kalamanan o paglalakad-lakad kung kaya ng katawan.

Maaari ring subukan ang essential oil, tulad ng eucalyptus at peppermint, bilang pagmasahe sa sentido. Puwede rin itong ilagay sa diffuser para magkaroon ng cool mist sa kuwarto kung dry air ang sanhi ng uri ng sakit sa ulo na nararamdaman. 

---

Mga pinagkunan ng impormasyon:

Headaches

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9639-headaches

Headache

https://stanfordhealthcare.org/medical-conditions/brain-and-nerves/headache.html

What type of headache do you have

https://www.health.harvard.edu/healthbeat/what-type-of-headache-do-you-have

---

Basahin dito ang sakit sa batok at ulo.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close