headache,Tagalog,back pain,greener,con-00370,sakit sa batok at ulo,sc23,r08-ronna,Sakit Sa Batok At Ulo | Smart Parenting,headache, migraine, sakit sa batok at ulo, masakit na batok, masakit na ulo, back pain, painful nape,Malaking tulong ang pain relievers at ang stretching ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay sapat ang mga ito para sa sakit sa batok at ulo.
HealthYour Health

6 Posibleng Dahilan Ng Sakit Sa Batok At Ulo: Kailan Dapat Komunsulta Sa Doktor?

Mainam na tukuyin muna ang mga sintomas na nararamdaman.
PHOTO BYShutterstock

Ang article na ito ay nadagdagan na ng updates noong August 31, 2023.

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Kung nakaranas ka na ng headache, siguradong hindi mo maiiwasang mag-alala kung magkasabay ang sakit sa batok at ulo mo. Ang masakit ang ulo na kasabay ang masakit na batok ay maaaring dulot ng iba't ibang mga dahilan katulad ng stress, impeksyon, at iba pang mga karamdaman.

Madalas na hindi mapanganib ang headache at nawawala rin sa paglipas ng ilang oras o mga araw, ayon sa Harvard Health Publishing. Mayroong headaches kasi na naiibsan ng over-the-counter pain relievers, pagkain, pag-inom ng kape, o sapat na pahinga. May mga pagkakataon ding dapat kang komunsulta kaagad sa doktor.

Ano nga ba ang dapat gawin upang makasigurong hindi seryoso ang magkasabay na sakit sa batok at ulo? Una, paalala ng mga eksperto na tukuyin muna ang mga sintomas na nararamdaman.

Mga sintomas ng sakit sa batok at ulo

Mainam na bantayan ang ganitong mga nararamdaman:

  • Sumasakit sa may likod ng mga mata
  • Masakit kapag iginagalaw ang leeg
  • May matalas at pumipitik na pakiramdam
  • Nagiging sensitibo sa liwanagpaglambot ng anit

Karamihan sa mga kondisyong nagdudulot ng pananakit ng ulo at batok ay natutukoy sa pamamagitan ng mga sintomas na mayroon ang isang pasyente. Kasama rito ang intensity ng sakit na nararanasan at ang iba pang lokasyon kung saan ito nararamdaman.

Makatutulong kung lahat ng mga sintomas ay ibabahagi sa doktor upang mabigyan ka ng wastong diagnosis.

Ikalawang hakbang na iyong gagawin ay pagtukoy sa sanhi nito. Ano-ano nga ba ang posibleng mga sanhi?

Mga sanhi ng sakit sa batok

Maaaring sumakit ang batok dahil sa:

  • High blood
  • Naipit na ugat
  • Nangangalay na muscles
  • Rheumatoid arthritis
  • Stiff neck

Mga uri ng sakit sa batok at ulo

May iba-ibang dahilan ng ganitong mga karamdaman, tulad ng:

watch now

Headache dahil sa pananakit ng leeg at batok

Ayon sa World Health Organization, ang migraine at tension headaches ang dalawa sa pinakakaraniwang uri ng pananakit ng ulo.

  • Tension headaches

Nagdudulot ng dull, squeezing pain sa magkabilang bahagi ng ulo. Pati leeg at mga balikat ay maaaring sumakit. Sa mga matinding sakit ang nararanasan dahil sa tension headaches, pakiramdam nila nakatali ang ulo nila nang mahigpit.

Fatigue, emotional stress, o mga problema sa muscles o joints ng leeg at panga ang ilan sa triggers. Tumatagal ito sa loob ng 20 minuto hanggang 2 oras.

  • Migraines

Madalang ang migraine kung ikukumpara sa tension headaches ngunit mas matindi ang sakit nito. Karaniwang mga babae ang nakararanas nito. Iba't iba naman ang triggers ng migraine sa mga tao. Ilan sa pangunahing triggers ang panahon, kulang o sobrang tulog, fatigue, emotional stress, at dietary triggers.

Basahin dito ang iba pang mga uri ng sakit ng ulo at dito sa masakit ang likod ng ulo.

Neck pain na nagdudulot ng pananakit ng ulo

Cervicogenic headache ang resulta ng underlying medical condition sa leeg. isa itong rare chronic headache na karaniwang nararamdaman ng mga taong may edad mula 30 hanggang 44 taong gulang.

Naiiba ang cervicogenic headaches dahil ang sanhi nito ay mga problema sa mga ugat, buto, o muscles sa leeg. Sa leeg talaga nagmumula ang pananakit at hindi sa ulo kung kaya't itinuturing din itong referred pain.

Kasama sa risk factors ang sumusunod:

  • Fatigue
  • Sleep difficulties
  • Cervical disc problems
  • Neck injuries
  • Maling postura
  • Muscular stress

Ang occipital nerves, o ang mga ugat na matatagpuan sa anit, ang napipinsala o namamaga kapag mayroon kang occipital neuralgia. Makararanas ka ng pananakit ng ulo na para bang may malalim na piercing o pagbutas na nagdudulot ng labis na sakit. Maaari din itong maramdaman sa bandang itaas ng leeg, sa batok, o sa likod ng mga tainga. 

Hindi naman life-threatening condition ang occipital neuralgia, ayon sa mga eksperto. Marami sa mga nagkakaroon nito ay gumiginhawa ang pakiramdam sa tulong ng heat therapy, sapat na pahinga, anti-inflammatory medications, at muscle relaxants. Madalas na nakaka-recover nang lubos ang mga naisaayos o nabawasan ang nerve damage.

Basahin dito para sa sobrang sakit ng ulo.

Diagnosis at treatment

Sa tulong ng pagbibigay ng kumpletong medical history at ng physical at neurological examination, mas madaling matutukoy ang medical condition ng isang pasyente. Kasama sa diagnostic testing ang sumusunod:

  • X-rays
  • Magnetic resonance imaging (MRI)
  • Computerized tomography (CT) scans, pero madalang itong irekomenda
  • Nerve block injections upang makumpirma ang sanhi at ang diagnosis

Ang mga sakit sa batok at ulo ay dapat na pagtuunan ng pansin. Malaking tulong ang pain relievers at ang stretching ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay sapat ang mga ito. Kahit kasi may mga pagkakataong lumilipas din agad ang pananakit ng ulo at batok, mayroon ding mga kaso kung saan kinakailangang komunsulta sa doktor.

Para sa cervicogenic headache, kadalasang nirerekomenda ng mga doktor ng over-the-counter non-steroidal anti-inflammatory drug (NSAIDs), katulad ng aspirin at naproxen.

Pero kung hindi pa rin mawawala ang pananakit ng ulo at batok, prescription anti-inflammation at/o pain reliever ang irereseta. Kasama rin sa iba pang treatment options ang sumusunod:

  • Spinal manipulation o iba pang manual therapies
  • Behavioral approaches (biofeedback)
  • Acupuncture
  • Trigger point injections
  • Prolotherapy
  • Facet joint blocks (uri ng spinal joint injection)
  • Nerve blocks
  • Radiofrequency pulse ganglionotomy of the nerve root (eg, C2, C3)
  • Spine surgery

Para sa occipital neuralagia, kadalasang symptomatic ang treatment at bahagi nito ang pagpapamasahe at pagpapahinga. May mga pagkakataong antidepressants ang pinagagamit sa pasyente kapag labis ang nararamdamang sakit.

Maaari ring magrekomenda ang doktor ng local nerve blocks at pag-inject ng steroids direkta sa apektadong parte ng katawan.

Kailan dapat komunsulta sa doktor?

Agad na magpa-check up kung ang pananakit ay mas lumala o bigla mo lamang naramdaman. Ilan pa sa mga dapat bantayan ay ang sumusunod:

  • May pamamaga sa anit
  • May kasabay na lagnat ang pagsakit ng batok at ulo
  • Pagsakit ng panga (jaw)
  • Pagiging sluggish o matamlay
  • Pagkakaroon ng problema sa paningin
  • Pagkakaroon ng pagkalito o memory problems
  • Pagkakaroon ng personality o mood changes

Mahalagang makatanggap ng wastong diagnosis mula sa iyong doktor upang masimulan ang angkop na treatment program. Makatutulong ito upang maibsan ang mga sintomas, lalo na ang pananakit ng ulo at batok.

Para maibsan ang pananakit ng ulo

Maaaring subukan ang mga sumusunod:

  • Kumain sa regular na oras
  • Pag-aralan ang stress management
  • Kumuha ng sapat na pahinga
  • Mag-ehersisyo sa loob ng 30 minuto kada araw
  • Umiwas sa triggers tulad ng stress at kulang na tulog
  • Uminom ng sapat na dami ng tubig

Paalala pa ng mga eksperto na mahalagang komunsulta sa doktor kapag may hindi nauunawaan sa nararamdamang sakit sa batok at ulo.

Masakit na batok: maikling FAQs

1. Ano ang mga sanhi ng masakit na batok?

Ang masakit na batok ay maaaring sanhi ng iba't ibang kadahilanan tulad ng maling pag-tindig, sobrang stress, pagtulog sa maling posisyon, muscle strain dahil sa mabibigat na gawain, o maging ang pagtanda.

2. Paano ito maiiwasan?

Para maiwasan ang masakit na batok, mahalaga ang tamang posture sa lahat ng oras, lalo na habang nagtatrabaho o natutulog. Regular na ehersisyo at stretching ng leeg, tamang pagbuhat ng mabibigat, at pamamahinga ng sapat ay makakatulong.

3. Kailan dapat mag-alala at kumonsulta sa doktor?

Kung ang masakit na batok ay patuloy na nararamdaman, lalo na kapag may kasamang numbness, weakness, o radiating pain papunta sa braso o iba pang bahagi ng katawan, mahalaga na kumonsulta agad sa doktor.

4. Ano ang maaaring gawin para mapabuti ang masakit na batok?

Ang pag-apply ng malamig o mainit na compress sa apektadong bahagi, pag-iwas sa mga gawain na maaring magdulot ng stress sa leeg, at paggamit ng mga pain relievers ay maaaring magbigay ng pansamantalang ginhawa.

5. Kailan dapat kumuha ng propesyonal na tulong?

Kung ang masakit na batok ay patuloy na nagiging sanhi ng discomfort o limitasyon sa iyong pang-araw-araw na gawain, mahalaga na kumonsulta sa isang lisensyadong therapist o doktor para sa tamang pagsusuri at pag-aalaga.

Sa kabila ng kalakaran ng masakit na batok, maaari itong maiwasan at mapabuti sa pamamagitan ng mga simpleng hakbang sa pangangalaga sa sarili at tamang pagkilos. Gayunpaman, ang mga kondisyon na patuloy at matinding masakit na batok ay dapat tratuhin ng mga propesyonal sa kalusugan.

Basahin dito ang gamot sa sakit ng ulo at sipon.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close