headaches,Tagalog,migraines,sakit ng ulo,ask the doctor,greener,sobrang sakit ng ulo,Sobrang Sakit Ng Ulo | Smart Parenting,sobrang sakit ng ulo, sakit ng ulo, headaches, migraine, masakit ang ulo,Migraine ang isa sa mga pangunahing dahilan ng sobrang sakit ng ulo, at wala itong gamot kung di remedyo lang.
HealthYour Health

3 Tips Mula Sa Doktor Na May Migraine Para Sa Sobrang Sakit Ng Ulo

Migraine ang isa sa pangkaraniwang uri ng sakit ng ulo.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Para sa mga taong may migraine, sobrang sakit ng ulo ang kanilang nararanasan kapag umatake ang kanilang kondisyon. Kaya naman nakakahanap sila ng kani-kanilang paraan para maibsan ang pakiramdam at para makaiwas sa atake ng ganitong uri ng sakit ng ulo.

Dahilan ng sobrang sakit ng ulo

Migraine ang isa sa mga dinadaing na sakit ng ulo sa buong mundo, ayon sa World Health Organization (WHO). Tinatawag itong primary headache disorder na kadalasang nagsisimula sa kabataan at pinakaapektado ang mga may edad 35 hanggang 45.

Mas maraming kababaihan kesa kalalakihan ang may migraine sa ratio na 2:1. Dahil daw ito sa hormonal changes na pinagdadaanan ng mga babae kapag may regla o di kaya buntis. (Basahin dito ang study na nagsasabing prone sa depression ang mga babaeng may migraine.)

Sa pangkalahatan, umaatake ang migraine sa sandaling gumana ang mechanism, na matatagpuan sa sa malalim na parte ng utak. Ito ang nagpapakawala ng "pain-producing inflammatory substances around the nerves and blood vessels of the head." Paulit-ulit itong nangyayari, kaya kadalasang panghabang-buhay na ang pagkakaroon ng atake ng migraine.

Ganito ang nararanasan sa migraine attack, ayon sa mga eksperto at pasyente:

  • Sakit ng ulo na mula moderate hanggang severe ang lakas
  • Sakit ng ulo sa isang parte ng ulo (one-sided)
  • Sakit ng ulo na tila pumipitik (pulsating in quality)
  • Sakit ng ulo na lumalala kapag gumagalaw ang katawan
  • Sakit ng ulo na tumatagal mula 2 hanggang 3 oras
  • Sakit ng ulo na may kasamang pagkahilo at pagduduwal (nausea)

Maaaring isang beses kada taon o kada linggo ang atake ng migraine. Pero depende ito sa mga pasyente. May mga nagsasabing nangyayari ito kapag natutulog sila at biglang nasinagan ng araw. Nagsisimula na raw kumirot ang kanilang ulo at napapasabunot pa sa kanilang buhok sa sobrang sakit.

watch now

Sa mga bata, ayon sa WHO, mas maiksi ang atake ng migraine, pero mas sumasakit ang kanilang tiyan.

Mga puwedeng gawin sa sobrang sakit ng ulo

Malaki ang papel na ginagampanan ng genetics at environmental factors sa pag-atake ng migraine, ayon kay Dr. Robert Cowan, isang migraine researcher at ang direktor ng Standford's Headache and Facial Pain Clinic.

May paliwanag si Dr. Cowan, sa kanyang video para sa Standford's Headache and Facial Pain Clinic, na may titulong "Migraine 101: A 3-Step Guide to Managing Headaches."

Aniya, namamana mula sa mga magulang ang sensitivity sa katawan na nagdudulot ng atake ng migraine. Meron namang dalawang environmental factors na nagdudulot ng pagsakit ng ulo: external at internal. Ang pagbilad sa araw ay isang halimbawa ng external factors, habang ang pagbaba ng estrogen levels at pagbabago sa sleeping patterns ang mga halimbawa ng internal factors.

Bagamat hindi mako-control ang genetics, may ilang environmental factors naman ang puwedeng maiwasan. Kaya payo ni Dr. Cowan, na nakakaranas din ng migraine, na tumutok na lamang sa environmental factors na puwede pang makontrol.

Obserbahan at magtala

Paalala ni Dr. Cowan na mayroong 150 uri ng sakit ng ulo, at hindi pare-pareho ang paggamot sa mga ito. Iba-iba rin daw ang dahilan kung bakit masakit ang ulo sa bawat tao. Kaya mahalaga na obserbahan ang sarili nang malaman kung ano ang nagpapalala ng pananakit ng ulo.

Makakatulong daw ang headache diary, na puwede mong gamitan ng notepad, smartphone applications, at computer programs. Itatala rito ang mga information, tulad ng dalas at lala ng sakit ng ulo, oras ng atake, at iba pang detalye. Kailangan mo raw ipakita ang headache diary sa iyong doktor nang matulong sa diagnosis at treatment.

Planuhin ang treatment strategy

May tatlong parte ang epektibong treatment strategy, ayon kay Dr. Cowan:

  • Rescue o acute treatment, gaya ng pag-inom ng gamot
  • Prevention, sa tulad, halimbawa ng physical therapy, stress management, integrative medicine, essential oils, at iba pa. 
  • Lifestyle modifications, tulad ng pag-iwas sa pagpupuyat kung isa itong sanhi ng atake ng migraine.

Gawin ang pagiging healthy sa tamang paraan

Kaugnay ng lifestyle modification, tataas ang tyansa na maging consistent ang pagkuha ng sapat na tulog, tamang pagkain, at regular na exercise. Silang tatlo kasi ang may malaking impluwensya sa hormonal cycles.

Kapag nasunod mo ang mga payo ni Dr. Cowan, maaaring maiwasan ang atake ang migraine nang hindi na mauwi pa sa sobrang sakit ng ulo.

Basahin dito kung bakit ang mga buntis na may migraine ay kadalasang nauuwi sa Cesarean section.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close