;
embed embed2
  • Higit 150 Na Mga Uri Ng Sakit Sa Ulo, Mula Simple Hanggang Seryoso: Kailan Dapat Mabahala?

    Migraine ang pinakakaraniwang uri.
    by Anna G. Miranda .
Higit 150 Na Mga Uri Ng Sakit Sa Ulo, Mula Simple Hanggang Seryoso: Kailan Dapat Mabahala?
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Halos kalahati ng adult population sa buong mundo ay nakararanas ng pananakit ng ulo (headache) sa isang taon, ayon sa World Health Organization (WHO). Napakarami ng mga uri ng sakit sa ulo. Ang headache ay itinuturing din bilang pinakakaraniwang disorder ng  nervous system. Sa 150 uri ng sakit sa ulo, pinakakaraniwan ang migraine, tension-type headache, at cluster headache.

    Kapag paulit-ulit ang pagsakit, automatic na may epekto ito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao. Paliwanag ng WHO, nagiging pabigat din ang pagsakit ng ulo dahil bukod sa pisikal na sakit, nagdudulot ito ng disability, damaged quality of life, at financial cost. Sa mga nakararanas nito, nakalulungkot ding maliit na porsiyento lamang sa buong mundo ang nabibigyan ng wastong diagnosis ng  health-care providers kaya halos habambuhay na sila nagtitiis sa masakit nilang ulo.

    Ang pananakit ng ulo ay nararanasan ng mga tao sa buong mundo, anoman ang lahi, kasarian, income levels o estado sa buhay, at geographical areas. Sa Global Burden of Disease Study, updated noong 2013, napag-alamang migraine ang ika-anim na pinakamataas sa mga sanhi ng tinatawag na "years lost due to disability" sa buong mundo.

    Ibig sabihin, malala ang epekto nito sa trabaho, pamilya, at social life ng taong madalas sumasakit ang ulo. Paliwanag ng WHO, ang mga taong may migraine ay kadalasang mayroon ding anxiety at depression.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga uri ng sakit sa ulo

    Ayon sa Stanford Healthcare, sa iba't ibang paraan nagkakaiba ang mga uri ng sakit sa ulo. Kasama rito ang intensity o tindi ng sakit, lokasyon, dalas ng pananakit, at mga sanhi.

    Primary headaches

    Sa primary headache, ang pananakit ng ulo ang mismong problema. Hindi sintomas ng iba pang karamdaman o kondisyon ang ganitong uri ng sakit sa ulo. Kahit pa labis ang sakit na nararamdaman mo, hindi ito delikado.

    Ang pananakit ay nagmumula sa inflammation ng pain-sensitive parts ng katawan sa leeg at ulo, at sa paligid ng mga bahaging ito. Kasama rito ang:

    • Nerves
    • Blood vessels
    • Muscles

    May iba't ibang kategorya rin ng primary headaches. Ilan sa pinakakaraniwan ang sumusunod:

    • Migraine headache
    • Tension-type headache (TTH)
    • Cluster headache
    • Hypnic headache

    Pinakakaraniwang uri ng sakit sa ulo ang migraine. Madalas na nasa isang side ng ulo ang migraine at tumatagal sa loob ng dalawa (2) hanggang pitumpu't dalawang (72) oras.

    Madalas ding may kasama itong pagsusuka at pagkahilo, pagiging higit na sensitibo sa liwanag o di kaya sa tunog. Para bang may pumipitik nang malakas sa ulo mo kapag may migraine ka. Dulot ito ng activation ng mekanismo sa utak na sanhi ng pag-release ng pain-producing inflammatory substances sa  nerves at blood vessels sa ulo.

    Madalas na nagsisimula sa puberty at karamihan sa mga nagdurusa dito ay nasa edad 35 hanggang 45 taong gulang. Mas karaniwang may migraine ang mga babae, dala na rin ng hormonal influences. Nauulit at bumabalik ang migraine.

    Kapag tension headache ang nararanasan, mild to moderate pain ang mararamdaman at para bang may mahigpit na tali sa iyong ulo. Sa teenage years nagsisimula ang TTH, at 3:1 ang ratio ng naaapektuhan nitong mga babae at lalaki.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kung episodic TTH, hindi lalampas ng 15 araw kada buwan ang pananakit ng ulo, at mahigit 70% ng populasyon sa buong mundo ang dumaranas nito. Kapag mahigit sa 15 araw ang pagsakit, tinatawag na itong Chronic TTH.

    Ayon sa WHO, mula 1 hanggang 3% ng adults ang dumaranas nito. Maaaring stress-related ito o may kaugnayan sa musculoskeletal problems sa leeg. Madalas na tumatagal nang ilang oras hanggang ilang araw ang episodic TTH attacks.

    Kapag chronic TTH, karaniwang mas masakit ito kaysa sa episodic TTH. Dito nararamdaman ang para bang tight band palibot sa ulo, na kung minsan ay kumakalat hanggang sa leeg.

    Secondary headaches

    Ibang kondisyon ang sanhi ng secondary headache. Nati-trigger ng nasabing kondisyon ang pain-sensitive areas sa leeg at ulo.

    Masasabing rare o hindi karaniwang nararanasan ang secondary headache, ngunit mas seryoso ang mga ito kaysa sa primary headaches. Maaaring babala o warning sign ng seryosong karamdaman ang ganitong uri ng sakit sa ulo, tulad ng:

    • Acute sinusitis
    • Arterial tears
    • Blood clot
    • Brain aneurysm
    • Brain AVM (arteriovenous malformation)
    • Brain tumor
    • Carbon monoxide poisoning
    • Chiari malformation (structural problem sa base ng bungo o skull)
    • Concussion
    • Coronavirus disease 2019 (COVID-19)
    • Dehydration
    • Dental problems
    • Ear infection (middle ear)
    • Encephalitis (brain inflammation)
    • Giant cell arteritis (inflammation sa lining ng arteries)
    • Glaucoma (acute angle closure glaucoma)
    • Hangovers
    • High blood pressure (hypertension)
    • Influenza (flu) at iba pang febrile (fever) illnesses
    • Intracranial hematoma
    • Meningitis
    • Monosodium glutamate (MSG)
    • Overuse of pain medication
    • Panic attacks and panic disorder
    • Persistent post-concussive symptoms (Post-concussion syndrome)
    • Pressure from tight headgear, such as a helmet or goggles
    • Pseudotumor cerebri (idiopathic intracranial hypertension)
    • Stroke
    • Toxoplasmosis
    • Trigeminal neuralgia
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito ang iba pang uri ng sakit sa ulo:

    • Medication overuse headaches (partikular ang pain medication)
    • Ice cream headaches (kilala rin bilang brain freeze)
    • Sinus headaches
    • Thunderclap headaches
    • Ice pick headaches
    • Rebound headaches
    • New daily persistent headaches
    • Spinal headaches
    • Cervicogenic headaches
    • Low and high pressure headaches
    • Altitude headache
    • Occipital neuralgia
    • Hemicrania continua

    Paalala ng mga eksperto na kumunsulta sa iyong doktor kung may pagbabago sa patterns ng pagsakit ng iyong ulo o may kakaiba ka ring nararamdaman dito. Kailangang maging maingat anoman ang uri ng sakit sa ulo na iyong nararanasan. Kapag masakit ang ulo, magpa-check up na agad upang maagapan sakaling sintomas pala ito ng iba pang kondisyon at karamdaman.

    Basahin dito kung paano puwedeng maibsan ang madalas na pananakit ng ulo.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles