embed embed2
  • 9 Home Remedies Bilang Gamot Sa Sakit Ng Ulo At Sipon Na Puwedeng Mong Subukan Ngayon

    Karamihan sa mga ito ay makikita sa bahay.
    by Dinalene Castañar-Babac . Published Jul 31, 2022
9 Home Remedies Bilang Gamot Sa Sakit Ng Ulo At Sipon Na Puwedeng Mong Subukan Ngayon
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Sa panahong ito ng tag-ulan, usong-uso ang mga sakit gaya ng sipon (common cold). Ganoon din ang iba-ibang uri ng sakit ng ulo dulot ng pagbabago-bago ng panahon na sa umaga ay maaraw at sa hapon naman ay maulan. Kaya mahalaga ang pagpapalakas ng ating resistensya para hindi madapuan ng anumang viral na sakit at hindi na maghanap pa ng gamot sa sakit ng ulo at sipon.

    Ang hirap kumilos kapag may ganitong nararamdaman dahil tila mabigat sa katawan at gusto mo lamang magpahinga. Nagiging iritable ka rin dahil hirap sa paghinga dahil sa baradong ilong o sa patuloy na pagdaloy ng sipon at mahirap ding makatulog. Nariyan pa ang banta ng mga bagong sakit na COVID-19 at monkeypox.

    Mga sintomas at sanhi ng sipon

    Magkakaiba ang mga sintomas na nararanasan ng bawat isa kapag magkakaroon ng sipon. Kaya mainam na tandaan:

    • Kadalasan mararamdaman nating magsisimula tayong magkakasipon kapag bahing ka nang bahing.
    • Maaari ding makaranas ng pananakit o pangangati ng lalamunan.
    • Posible rin ang pagkakaroon ng post-nasal drip o iyong mararamdaman mong may tumutulong sipon sa likod ng lalamunan na nagdudulot ng pangangati nito.

    Nagkakasipon tayo dulot ng iba’t ibang pollutant o allergen na nasa paligid, ayon sa mga eksperto. Pero karaniwang dahilan nito ang mga virus tulad ng rhinoviruses, coronaviruses, at influenza viruses.

    Madalas na nagkakapare-pareho ang sintomas na dulot ng mga viral at bacterial infection gaya ng pag-hatsing o pagbahing, pag-ubo, at pagkakaroon ng lagnat. Ito ang paraan ng immune system sa ating katawan para labanan at ilabas ang mga infectious organism.

    Mga sintomas at sanhi ng pananakit ng ulo

    Samantala, gaya ng nabanggit sa una, ang pananakit ng ulo ay maaaring dulot ng sipon. Kapag naipon kasi ang sipon at nabarahan ang ating sinuses at nasal passages ay nagsasanhi ito ng pressure kaya sumasakit ang ating ulo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero bukod din sa sipon, posibleng sanhi rin ng pananakit ng ulo ang:

    • Stress
    • Pagod
    • Kulang sa tulog
    • Pagbabago ng klima sa paligid
    • Mga ingay
    • Liwanag, lalo na kung may migraine
    • Polusyon sa kapaligiran
    • Iba pang kondisyong pangkalusugan 

    Gamot sa sakit ng ulo at sipon

    Karaniwang iniinom natin kapag may ganitong sitwasyon ay ang nabibiling over-the-counter na mga gamot sa botika gaya ng paracetamol para sa sakit ng ulo, at kombinasyon ng paracetamol at iba pang gamot para sa sipon. Dahil tayong mga Pinoy ay mahilig din sa mga pamahid, sasabayan pa natin ito ng mga ointment gaya ng Katinko o Vicks. Nakapagdudulot ng pansamantalang ginhawa ang mga ganitong gamot sa atin.

    Pero ang pag-inom ng mga gamot sa sakit ng ulo at sipon ay tamang oras din ng pag-inom at hindi rin iinom kapag may nararamdaman lang. Karaniwang 4 o 6 na oras ang pagitan ng pag-inom ng mga ganitong gamot. Maaaring makaapekto rin sa ating kalusugan kung hindi tama ang pag-inom ng gamot, tulad ng pag-self-medicate ng antibiotics.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Para sa sipon

    Kapag may sipon lagi nang ipinapayo ang water therapy o pag-inom ng maraming tubig para mailabas ng katawan ang mga bacteria na dulot nito. Bukod sa tubig, maaaring haluan din ito ng ibang halamang gamot.

    Maaari ding subukin ang mga makikita sa ating bahay o bakuran na panggamot sa pagkakaroon ng sipon:

    1. Pag-inom ng kalamansi o lemon juice na hinaluan ng isa o dalawang kutsara ng honey. Dahil mayaman ito sa vitamin C na kailangan ng ating katawan para mapalakas ang immune system.

    2.  Pag-inom ng luya na hinaluan din ng isa o dalawang kutsarang honey. Pakukuluan lamang sa dalawang basong tubig ang dinidkdik o pinitnit na luya.

    3. Pag-inom ng nilagang oregano. Magdidikdik ng tatlo hanggang limang dahon ng oregano at pakukuluan sa dawalang tasang tubig.

    4. Pag-inom ng nilagang talbos ng kamote. Magpakulo sa kalahating baso ng tubig ng mga talbos ng kamote. Haluan ito ng katas ng dalawa hanggang tatlong piraso ng kalamansi kapag lumamig na. Puwede ring lagyan ng asukal o honey bilang pampalasa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para sa sakit ng ulo

    Maaaaring magamot ng pagbabago sa pamumuhay o lifestyle ang sakit sa ulo, tulad ng:

    • Page-ehersisyo araw-araw
    • Pag-inom ng sapat na tubig
    • Pagtulog ng nasa tamang oras
    • May maayos na pagpapahinga
    • Paglalapat ng cold o warm compress sa bahagi ng katawan na masakit

    Bukod dito, maaari din ang mga halamang gamot na panlunas sa sakit ng ulo. Nakapagbibigay rin ng ginagawa sa pakiramdam ang mga ito:

    1. Pag-inom ng pinakuluuang dinikdik na luya na hinaluaan ng honey.

    2. Pagkain ng almonds dahil sa taglay na salicin nito na nakawawala ng sakit ng ulo.

    3. Pagsusuob o paglanghap ng usok mula sa pinaghalong 1/4 na tasang apple cider vinegar at 3 tasang pinakulong tubig. Gawin ito ng 5 hanggang 10 minuto at pagkaraan punasan ang mukha gamit ang tuwalyang ipantakip sa ulo. Uminom ng isang basong tubig.

    4. Pag-amoy ng lavender oil at ibang essential oils dahil ang taglay na bango nito ay nakawawala ng pagsakit ang ulo. Maglagay lang ng dalawang patak nito sa kapirasong tissue. Kung may diffuser, maaaring ilagay rin ito para tiyak na magkaroon ng mahimbing na tulog.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    5. Pagpapahid sa noo at sentido ng dinikdik na dahon ng oregano. Sa taglay na mentol ng oregano, nakatutulong na maibsan ang sakit sa ulo.

    Bukod sa mga nabanggit na gamot, mahalaga din ang pagkain ng masustansiyang pagkain at ugalin ang balanced diet para lumakas ang resistensya.

    Kung napapansin mong paulit-ulit na nararanasang sipon at sakit ng ulo, agad na magpatingin sa doktor. Baka kailangan mo ring resetahan na ng gamot o antibiotic. Gayundin ang vitamins kung mababa talaga ang iyong resistensya. Huwag lamang ito ipagwalang-bahala o  palaging umaasa sa mga home remedy.

    Kailangan pa rin magpakonsulta sa doktor para matiyak kung ano ang pinagmumulan nito upang mabigyan ng tamang gamot para sa sakit ng ulo at sipon. Maaari din kasing baka may kaakibat na ibang kondisyong medikal na dapat tugunan ang mga ganitong sakit lalo na kung hindi agad nawawala o umaabot ng ilang linggo.

    --

    Mga pinagkunan ng impormasyon:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    11 Mabisang Halamang Gamot Para Sa Ubo, Sipon At Arthritis

    https://www.smartparenting.com.ph/health/your-kids-health/11-mabisang-halamang-gamot-para-sa-ubo-sipon-at-arthritis-a1888-20191101-lfrm

    8 Mabisang Gamot Sa Sakit Ng Ulo

    https://www.smartparenting.com.ph/health/your-health/walong-mabisang-gamot-para-sa-sakit-ng-ulo-a1888-20191124-lfrm

    The Difference Between Cold and Flu

    https://www.cdc.gov/flu/symptoms/coldflu.htm

    Read also: Gamot sa Sipon ni Baby

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close