-
Masakit Ang Likod Ng Ulo Mo: Kanan O Kaliwa?
Kailangang sabihin sa iyong doktor lahat ng sintomas upang mabigyan ka ng tamang diagnosis.by Anna G. Miranda . Published Nov 3, 2021
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Tayong mga Pilipino ay sanay na sa masakit ng ulo. Paano kung napapadalas sakit lalo na sa likod na parte ng ulo? Dapat bang mag-alala?
Maraming posibleng mga dahilan ang masakit na likod ng ulo mula sa maling posture o tindig hanggang sa iba’t ibang uri ng headaches. Nariyan din ang sobrang puyat, init ng panahon, stress, at iba pa.
Masakit ang likod ng ulo at leeg
Mahalagang tukuyin ang lokasyon ng sakit upang masabi mo ito sa iyong doktor. Malaking tulong kung makapagbibigay ka sa iyong doktor ng wastong mga detalye para mabigyan ka ng tamang diagnosis at angkop na mga gamot o treatment.
Arthritis
Ang arthritis headaches ay karaniwang sanhi ng pananakit ng likod ng ulo mo at leeg. Nararanasan ito kapag mayroong inflammation at pamamaga sa bahagi ng leeg o sa una, ikalawa, o ikatlong vertebra ng iyong spine.
Dalawa sa pinakakaraniwang arthritis ang rheumatoid arthritis at osteoarthritis. Kapag naigagalaw ang leeg at ulo, mas nararamdaman ang sakit. Posible ring mayroong inflamed blood vessels sa iyong ulo.
Poor posture
Madalas ding nagiging sanhi ng pagsakit ng ulo ang poor posture. Kapag hindi tuwid ang pagtayo at pag-upo, sumasakit ang likod ng ulo at leeg. Nagkakaroon kasi ng tensyon sa bahagi ng iyong likod, balikat, at leeg. Ang tensyong ito ang nagdudulot ng sakit.
Iwasan ang pagkakuba upang hindi ma-strain ang muscles sa likod ng ulo, upper back, leeg, at panga.
Herniated disc
Ang herniated disc sa cervical spine ay maaaring makapagdulot din ng tension headache. Sanhi ito ng uri ng sakit ng ulo na kung tawagin ay cervicogenic headache.
Tipikal na nagmumula ang sakit sa likod ng ulo. Maaari ding maramdaman ito sa sintido o sa likod ng mga mata. Ang iba pang sintomas ay discomfort sa balikat at sa itaas na bahagi ng braso.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLumalala ang cervicogenic headaches habang nakahiga. Ang ibang mga tao ay nagigising pa nga dahil sa sakit na nararamdaman. May mga pagkakataon ding nakararamdaman ng pressure sa ulo, na para bang may nakapatong na mabigat dito.
Ang problema sa ganitong uri ng pagsakit ng ulo ay nasa leeg talaga ngunit mas nararamdaman ang sakit sa likod ng ulo. Referred pain ang tawag dito.
Upang ma-diagnose ang cervicogenic headaches, kailangan munang ma-rule out ng doktor ang iba pang uri ng headaches. Gumagamit sila ng nerve blocks para mamanhid ang nerves sa iyong leeg. Kung maiibsan o tuluyang mawawala ang sakit ng ulo, ibig sabihin nito natumbok ang ugat ng sakit. Ang iba pang gamutan ay ang pagrereseta ng gamot at physical therapy.
Occipital neuralgia
Ang occipital neuralgia ay nararanasan kapag ang nerves mula sa spinal cord hanggang sa anit ay may damage. Madalas din itong mapagkamalang migraines.
Nagdudulot ng matinding sakit ang occipital neuralgia na nagsisimula sa ibaba ng ulo sa bandang leeg hanggang sa anit. Narito ang ibang sintomas:
CONTINUE READING BELOWwatch now- sakit sa likod ng mata
- matalas na pakiramdam na para bang nakukuryente ka sa leeg at sa likod ng ulo
- pagiging sensitibo sa liwanag
- malambot na anit
- masakit na leeg kapag bahagya itong iginagalaw
Maaaring sumakit ang ulo habang nagsusuklay ka lang o inaayos ang posisyon ng iyong ulo sa unan. Ang mga mayroong whiplash injury o tumor ay maaari ding maranasan ito bilang side effect.
Hindi rin karaniwang sakit ang occipital neuralgia. Hindi tiyak ang sanhi ng occipital neuralgia.
Masakit ang likod ng ulo (kanang bahagi)
Tension headaches
Ang tension headaches ay pinakakaraniwang sanhi ng masakit na ulo. Sumasakit ang likod at kanang bahagi ng ulo kapag ganitong uri ng headache ang mayroon ka. Mayroong pakiramdam na para bang naninigas ang leeg o may tightness sa anit. Para bang mapurol ang sakit na ito at hindi tumitibok-tibok.
Nakagiginhawa ang pagmamasahe sa ulo upang maibsan ang sakit na dulot ng tension headache. Narito ang maaaring ilan pang gamot para sa sakit ng ulo pati na essential oils.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMayroong dalawang uri ng tension headaches. Una dito ang tinatawag na episodic. Nangyayari ito kapag maraming iniisip o napagod na ang utak sa pagtatrabaho at pag-aaral. Mas kilala ito bilang stress headache dahil nararanasan ito kapag ikaw ay stressed, anxious, gutom, galit, depressed, o pagod.
Pangalwang uri ng tension headache ang chronic tension. Nararanasan nang higit sa 15 beses sa loob ng isa hanggang tatlong buwan.
Masakit ang likod ng ulo (kaliwang bahagi)
Migraines
Kahit saang bahagi ng ulo maaaring maranasan ang migraines. Maraming tao ang nakararanas nito sa kaliwa at likod na bahagi ng kanilang ulo.
Maaari kang makaramdam ng matindi at kumikislot na sakit, auras, pagkahilo, pagsusuka, at pagluluha ng mga mata. Nakararanas din ng light or sound sensitivity kapag may migraine.
Nagsisimula ang migraine headaches sa kaliwang bahagi ng ulo, at iikot sa sintido pabalik sa likod ng ulo.
Iba pang dahilan ng sakit ng ulo
Cluster headaches
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi karaniwan ang cluster headaches at sadyang napakasakit nito. Nakuha nito ang pangalang cluster dahil nangyayari ito sa tinatawag ding “cluster periods” at nakararanas ng madalas na sakit ng ulo ang mga dumaranas nito. Maaaring tumagal sa loob ng ilang linggo o ilang buwan ang cluster headaches.
Ang iba pang sintomas ng cluster headache:
- sharp, penetrating, at burning pain
- restlessness
- pagkahilo
- labis na pagluluha ng mata
- sipon
- drooping eyelid
- pagiging sensitibo sa liwanag at tunog sa paligid
Low-pressure headache
Ang spontaneous intracranial hypotension (SIH) ay mas kilala bilang low pressure headache. Nangyayari ito kapag may spinal fluid leak sa iyong leeg o likod.
Ang mga sintomas nito ay intense pain sa likod ng ulo at sa leeg. Tulad ng sa ibang uri ng headache, mas tumitindi ito kapag ikaw ay nakaupo at nakatayo.
Karaniwang gumiginhawa ang pakiramdam kapag humihiga sa loob ng kalahating oras. Mayroong serye ng tests at imaging studies upang ma-diagnose ang ganitong uri ng kondisyon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMarami sa mga uri ng sakit ng ulo ay nagagamot ng over-the-counter pain relievers tulad ng acetaminophen, ibuprofen, at aspirin. Kung minsan, nagrereseta rin ang mga doktor ng antidepressant, na maaari ding magsilbing painkiller. May mga pagkakataon ding maaaring kailanganin ang physical therapy.
What other parents are reading

- Shares
- Comments