embed embed2
  • Gamot Sa Sinusitis Na Magagawa Sa Bahay Para Sa Bata At Buntis

    Ang mga sintomas ng sinusitis ay halos pareho ng sa common cold.
    by Jocelyn Valle .
Gamot Sa Sinusitis Na Magagawa Sa Bahay Para Sa Bata At Buntis
PHOTO BY iStock
  • Tuwing kapanahunan ng tag-ulan, karaniwan nang magkaroon ng karamdaman sa daluyan ng hangin sa katawan (upper respiratory tract) tulad ng sinus. Ito ang mga puwang sa paligid ng mukha na kapag nagkaroon ng impeksyon at pamamaga ay nagdudulot ng sakit na tinatawag na sinusitis. Huwag mabahala dahil may mga gamot sa sinusitis na magagawa sa bahay.

    Sanhi ng sinusitis

    Kadalasan kasi nangyayari ang sinusitis sa pagkakaroon ng sipon o atake ng allergy at pagiging barado ng ilong. Viral sinusitis ang resulta nito. Pero kapag may namuong bacteria habang may sipon o atake ng allergy, bacterial sinusitis naman ito. 

    Ang ilan pang sanhi ng sinusitis ay ang abnormalidad sa ilong o kaya ang pinsala dito dahil, halimbawa, sa aksidente at napasakan ng maliit na bagay. Maaari ring sanhi ang impeksyon sa ngipin, bingot (cleft palate), at gastroesophageal reflux disease (GERD).

    What other parents are reading

    Uri ng sinusitis

    Paliwanag ng John Hopkins Medicine, may apat na uri ng sinus. Ang ethnoid sinus ay matatagpuan sa paligid ng ilong at, mula kapanganak, lumalaki ito. Nasa paligid naman ng mga pisgi ang maxillary sinus at patuloy din ito sa paglaki.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bandang noo, naroroon ang frontal sinus, na sumisibol lang pag 7 years old na. Ang huli, sphenoid sinus, ay nasa may likuran ng ilong at umuusbong lang ito pag tungtong ng adolescence. 

    Kapag nahaharangan ang daloy ng secretion mula sa alin mang uri ng sinus, maaaring tubuan ito ng mga bacteria at pagsimulan ng sinusitis. Ang mga bacteria na streptococcus pneumonia, haemophilus influenza, at moraxella catarrhalis ay nagdudulot ng acute sinusitis. Ang bacteria naman na pseudomonas (gram-negative rods) ang madalas na sanhi ng chronic sinusitis.

    Kadalasan, nagagamot ang acute sinusitis nang hindi lalampas sa four weeks. Kung nagpatuloy ang sakit, tinatawag na itong subacute sinusitis at tatagal pa hanggang 12 weeks ang gamutan. Kapag umulit-ulit na ang karamdaman, chronic sinusitis na ito at gagaling lamang sa mas mahabang panahon.

    Kapag naman umulit ang acute sinusitis nang higit pa sa apat na beses sa isang taon, recurrent acute na ang klasipikasyon nito.

    What other parents are reading

    Sintomas ng sinusitis 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Ang mga sintomas ng sinusitis ay halos pareho ng sa common cold. Kabilang dito ang ubo, lagnat, baradong ilong, pananakit ng ulo, at madaling pagkapagod. 

    Para maibsan ang nararamdaman, may mga gamot sa sinusitis na magagawa sa bahay. Isang paraan ang  pagpunas ng noo at mukha gamit ang basang bimpo na medyo mainit. Gawin ito ng ilang beses sa isang araw.

    Uminom din ng maraming tubig at fresh fruit juice para mabawasan ang bara sa ilong. Maaari namang subukan ang essential oil, gaya ng peppermint at eucalyptus, gamit ang diffuser o kaya ay maglagay ng ilang patak sa mga palad at saka amuyin ang mga ito.

    Maaari ring uminom ng gamot, tulad ng guaifenesin, at gumamit ng nasal corticosteroid spray. Ngunit mas mainam kung magpapakonsulta muna sa doktor bago ito gawin.

    What other parents are reading

    Sinusitis sa mga bata

    May kaunting pagkakaiba ang nararanasan ng mga bata kapag tinamaan sila ng sinusitis. Ayon sa Ear, Nose, and Throat (ENT) Health, maaaring tumagal ang kanilang sipon hanggang 14 days at tumaas pa ang lagnat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May dadaloy din na malapot at mala-plema (thick yellow-green nasal drainage) mula sa ilong sa loob ng tatlong magkakasunod na araw. Puwedeng dumaloy din ito sa lalamunan, na siya namang pagmumulan ng pananakit, pag-ubo, pagbaho ng hiniga, pagkahilo, at pagsusuka.

    Sa mga batang 6 years older pataas, baka makaranas din sila ng pananakit ng ulo, pagkairitable, pagkapagod, at pamamaga sa paligid ng mga mata. 

    Kadalasan, viral sinusitis ang umaatake sa mga bata, at gumagaling ito kapag nabigyan lunas ang mga sintomas. Pero kapag bacterial sinusitis, maaaring resetahan na sila ng doktor na uminom ng antibiotics. Hahantong naman sa surgery ang mga malala ng kaso.

    What other parents are reading

    Sinusitis sa mga buntis

    Bagamat may mga over-the-counter medication na ligtas inumin ng mga buntis, payo pa rin ng American Pregnancy Association na subukan muna ang home remedies hanggang mawala ang mga nararamdamang sintomas. 

    Bukod sa tubig at fresh fruit juice, ugaliin na humigop ng mainit sa sabaw para mapanatiling hydrated ang katawan. Puwede rin gumamit ng saline nasal irrigation o saline nasal spray para lumuwag ang bara.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makakatulong din ang humidier. Pero kung wala nito sa bahay, puwedeng magpainit na lamang ng tubig at langhapin ang singaw (steam) nito habang nakataklob ang ulo ng tuwalya. At kapag matutulog na, ipatong ang ulo sa ilang piraso ng unan nang makahinga nang maayos. Mahalaga kasi ang kumpletong tulog sa pagpapalakas ng resistensya.

    Upang mabawasan ang pangangati ng lalamunan, magmumog ng tubig na may asin at uminom ng tsaang luya na may kalamansi o lemon at honey. Gumamit naman ng cold pack sa noo o kaya hot or cold pack sa balikat at leeg kung masakit ang ulo.

    Matapos subukan ang mga gamot sa sinusitis na magagawa sa bahay at hindi pa rin bumuti ang pakiramdam, mabuting magpatingin na sa doktor para mabigyan ng gamot na ligtas para sa buntis at kanyang sanggol sa sinapupunan.

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close