embed embed2
  • Sabi Ng Eksperto, Ito Ang Sikreto Sa Masarap At Mahimbing Na Tulog

    Hirap ka bang makatulog gabi-gabi?
    by Ana Gonzales .
Sabi Ng Eksperto, Ito Ang Sikreto Sa Masarap At Mahimbing Na Tulog
PHOTO BY Pexels
  • Maraming mga magulang sa aming online community ang laging dumadaing na hirap silang makatulog. May ibang matagal nang ganito, habang ang ilan naman ay nagsimulang mahirapang matulog nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.

    LEARN MORE ABOUT INSOMNIA HERE: 

    Dala siguro ng labis na pag-aalala at sa kawalan na rin ng kasiguraduhan ng maraming bagay ngayon kaya hirap makatulog ang mga magulang sa kabila ng pagod. Maaaring dulot din ito ng stress at anxiety.

    Kung isa ka sa mga magulang na struggle is real pagdating sa pagtulog, payo ng mga eksperto, mag-stretching ka!

    Kilala ng marami ang stretching bilang mabisang paraan para i-relieve ang muscle tightness at pananakit ng katawan. Pero alam mo bang mabisa rin itong paraan para makakuha ng mas masarap na tulog?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa mga eksperto, importanteng gawing bahagi ng iyong bedtime routine ang stretching. Paliwanag ng celebrity trainer at yoga instructor na si Kim Strother, nakakatulong ang stretching para mai-release ng katawan mo ang tension na naipon nito sa buong araw ng pag-upo at pagyuko sa harap ng computer.

    "By creating a peaceful mind and a relaxed body, you'll find the ability to both fall asleep with greater ease and remain in a longer, deeper sleep," sabi niya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa isang 2016 article naman sa Sleep Medicine Reviews journal, lumalabas na ang stretching at yoga na ginagawa bago matulog ay nagreresulta sa malaking pagganda ng sleep quality ng isang tao.

    Ang maganda pa sa stretching, libre ito! Wala kang kailangang equipment at pwedeng-pwede mo itong gawin kahit pagod ang isip mo. Sa katunayan, mas dapat ka ngang mag-stretching kung stressed ka.

    Narito ang 5 stretches na pwede mong gawin bago matulog:

    Side Neck Stretch

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Pinterest/MCKENZIE CORDELL

     

    Nakakatulong ito para matanggal ang labis na tensyon sa iyong ulo, balikat, at leeg. Maupo at ilapat ang iyong mga paa sa sahig. Hayaan mo lang na relaxed ang iyong mga kamay sa iyong tagiliran.

    I-bend ang iyong ulo papunta sa iyong kanang balikat at magbilang hanggang walo. Gawin ito sa kabila at ulitin ng dalawang beses.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Low Lunge Stretch

     

    PHOTO BY Pinterest/MCKENZIE CORDELL

     

    Nakakatulong ito para maalis ang tensyon sa iyong balakang, lower back, at pwet.

    Habang nakatayo, i-extend mo ang iyong kanang binti papunta sa iyong likuran. Ibaba ang iyong kanang tuhod hanggang umabot ito sa sahig. I-bend ang iyong kaliwang tuhod. Itaas ang iyong kamay habang humihinga nang malalim. Ulitin ito sa kabilang binti.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Seated Forward Fold

     

     

    PHOTO BY PINTEREST/MCKENZIE CORDELL

     

     

    Maganda itong pang-unat sa iyong mga hita at binti, lalo na kung hindi ka masyadong tumatayo sa isang buong araw.

     

     

    Maupo ka lang sa sahig at i-extend ang iyong mga binti sa harapan mo. Huminga nang malalim at abutin mo ang iyong mga paa hanggang sa kaya mo lang. I-hold ang position na ito at saka mag-exhale.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Child's Pose

    PHOTO BY PINTEREST/MCKENZIE CORDELL

     

    Makakatulong ito kung laging masakit ang likod at leeg mo. Lumuhod ka lang at itaas ang parehong mga kamay mo. Huminga ka nang malalim at saka mo ibaba ang iyong mga kamay papunta sa iyong harapan.

    Kung maaabot mo, pwede mong idikit ang iyong noo sa semento. Pwede mo ring ilagay sa tagiliran mo ang iyong mga kamay. I-hold mo lang ang posisyong ito nang sampung bilang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Legs Up The Wall Stretch

     

    PHOTO BY PINTEREST/MCKENZIE CORDELL

     

    Maganda ito para maalis ang tensyon sa iyong likod, balikat, at leeg. Humanap ka lang ng pader kung saan pwede mong isandal ang iyong pwet at binti. Ibaba mo ang iyong mga kamay sa iyong tagiliran para mas mabinat pa ang iyong likuran.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan lamang ang mga 'yan sa mga stretches at poses na pwede mong gawin para mas maging mahimbing at masarap ang tulog mo.

    LEARN MORE ABOUT INSOMNIA HERE: 

    Gawin mo ito araw-araw, kasama sa iyong bedtime routine. Sabayan mo pa ito ng madalas na pag-inom ng tubig at pagkain ng tama para mas maging epektibo.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles