;
embed embed2
  • Masakit Ang Puson Kahit Wala Pang Regla? 5 Sintomas Ng Mas Seryosong Kondisyon

    May mga pagkakataong ang discomfort ay tumitindi pagkatapos tumayo nang matagal at maiibsan lamang kapag nahiga ka na.
    by Anna G. Miranda .
Masakit Ang Puson Kahit Wala Pang Regla? 5 Sintomas Ng Mas Seryosong Kondisyon
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Sakit ng puson (pelvic pain) ang nararamdaman mula sa ibaba ng pusod (belly button) hanggang sa pagitan ng balakang (hips). Ayon sa mga eksperto, kasama sa mga sintomas nito ang mga sumusunod:

    • Malala at tumatagal na pananakit ng puson
    • Pabalik-balik na sakit ng puson
    • Dull aching
    • Matindi o sharp pains o cramping
    • Pressure o mabigat na pakiramdam sa iyong pelvis

    Maaari ding makaranas ng mga sumusunod:

    • Pananakit ng puson habang nakikipagtalik
    • Pananakit habang dumurumi o umiihi
    • Sakit ng puson kapag matagal kang nakaupo

    May mga pagkakataong ang discomfort ay tumitindi pagkatapos tumayo nang matagal at maiibsan lamang kapag nahiga ka na. Para sa mga babae, madalas itong maramdaman kapag may buwanang dalaw. Maaaring sa genital o ibang organs tulad ng matres (uterus), obaryo (ovaries), fallopian tubes, cervix, o vagina ang pinagmumulan ng sakit ng puson ng mga babae. Sa mga lalaki, posibleng ang sanhi ng problema ay prostate.

    Para sa alinmang kasarian, posible rin itong sintomas ng impeksyon, o problema sa urinary tract, lower intestines, rectum, muscle, o sa mga buto. May mga pagkakataong psychological ito kaya’t mas masamang pakiramdam o  sensation of pain ang nararanasan kapag walang pisikal na pananakit ng puson. Depression, chronic stress o history ng sexual o physical abuse ang ilan sa itinuturong sanhi ng psychological na sakit ng puson.

    Tinatawag ding acute ang pelvic pain, kung biglaan ang atake at matindi. Minsan naman ay chronic ito, kung pabalik-balik naman o nananatili sa loob ng ilang buwan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga sanhi ng sakit ng puson

    May ilang dahilan sa pagkirot sa ibabang parte ng tiyan, tulad ng:

    • Inflammation o direct irritation ng nerves na dulot ng injury, fibrosis, pressure, o intraperitoneal inflammation
    • Contractions o cramps ng smooth at skeletal muscles

    Ilan sa karaniwang mga pinagmumulan ng acute pelvic pain ang sumusunod na kondisyon:

    • Ectopic pregnancy (pagbubuntis na nangyayari sa labas ng matris)
    • Pelvic inflammatory disease (PID, dulot ng impeksyon sa reproductive organs)
    • Twisted o ruptured ovarian cyst
    • Miscarriage o threatened miscarriage
    • Urinary tract infection (UTI)
    • Appendicitis
    • Ruptured fallopian tube

    Ang sumusunod ay mga medikal na kondisyon na maaaring magdulot ng chronic pelvic pain:

    • Menstrual cramps
    • Endometriosis
    • Uterine fibroids (hindi normal na pagtubo sa uterine wall)
    • Scar tissue sa pagitan ng internal organs sa pelvic cavity
    • Endometrial polyps
    • Kanser ng reproductive tract

    Mainam na pagtuunan natin ng pansin ang dalawa sa pinakakaraniwang sanhi ng sakit ng puson ng mga babae:

    Sakit ng puson dulot ng menstruation

    Karaniwan na para sa mga babae ang makaranas ng menstrual cramps o dysmenorrhea, na dulot ng pag-contract ng uterus upang mailabas sa katawan ang lining nito.

    Nagsisimula ang menstrual cycle sa unang araw ng regular bleeding mo. Hindi kasama rito ang masakit ang puson at may spotting. Halimbawa, ang unang araw ng iyong period ay ang Cycle Day 1; ang Cycle Day 2 naman ang ikalawa, Cycle Day 3 ang ikatlo atbp. Ito ang dapat tandaan pagdating sa kung kailan ka dapat datnan ng iyong regla. Makatutulong din ito sa pagtukoy kung may kinalaman ang delayed menstruation mo sa sakit ng puson.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sakit ng puson dahil sa endometriosis

    Animnapung porsiyento (60%) ng mga babaeng may dysmenorrhea ay may endometriosis, ayon kay Dr. Maynila Domingo, obstetrician-gynecologist sa ManilaMed sa Ermita, Manila, sa dati niyang panayam sa Smart Parenting.

    Ang endometrial tissue rin ay may malaking papel na ginagampanan sa paghahanda ng katawan sa pagbuo ng baby. Karaniwang lumalaki ang tissue na ito at natatanggal sa loob ng matris kada buwan. Ngunit kung ang itlog na na-release ay hindi na-fertilize, nagsisimula ang endometrium na i-shed ang dugo at extra tissue.

    Ang shedding process ang tinatawag na menstrual blood. Sa ibang babae, sa labas ng matris lumalaki ang the endometrial tissue at dinidikit ang sarili nito sa mga obaryo, fallopian tubes o sa pelvic lining. At dahil hindi naman ito mailalabas ng katawan, nagdudulot tuloy ito ng inflammation at irritation sa organs malapit dito.

    Bukod sa labis na sakit ng puson, nakapipinsala at nagdudulot ito ng mga sakit sa reproductive system, at nakapagpapataas din sa risk ng infertility at cancer. Posible ring magdulot ng masakit na cysts at fibrous bands ng scar tissue (adhesions) ang hindi nakalalabas na dugo at tissue.

    Mga sintomas:

    • Dysmenorrhea o chronic pelvic pain
    • Heavy menstrual bleeding
    • Pananakit habang o pagkatapos makipagtalik
    • Hirap na mabuntis

    Hanggang ngayon, hindi pa rin matukoy ng mga doktor ang tiyak na mga pinagmulan ng endometriosis. Ayon kay Dr. Domingo, “In general, there appears to be a greater risk of endometriosis when a woman has early menarche (starts menstruation before 11 years old).

    "Other risk factors include shorter monthly cycles (less than 27 days) and heavy menstrual flows lasting more than seven days. The risk is also related to changes in a woman's estrogen level and a family history of endometriosis, among others.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Posible ring maging sanhi ang mga kondisyong may kaugnayan sa digestive, urinary, o nervous systems.

    Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

    Bilin ng mga eksperto na agad na magpa-check up kapag nararanasan ang sumusunod na mga sintomas:

    • Lagnat
    • Pagsusuka ng dugo
    • Dark maroon ang dumi o may dugo ito
    • Abnormal vaginal discharge
    • Biglaang pagtindi ng sakit, lalo kung giginhawa ang pakiramdam kapag nakahiga ka.

    Maaaring mild at nakaiirita lamang ang sakit ng puson o kaya sa sobrang tindi ay nakaaapekto na sa iyong trabaho at iba pang mga responsibilidad at gawain tulad ng page-ehersisyo. Kung nakaaapekto na ang sakit ng puson sa pang-araw-araw mong buhay, agad na mag-set ng appointment sa iyong doktor.

    Maliban sa kumpletong medical history at physical at pelvic exam, maaaring hingin din ng iyong doktor na sumailalim ka sa sumusunod:

    Blood tests

    Pregnancy test

    Urinalysis

    Culture of cells mula sa cervix

    Ultrasound (diagnostic imaging technique na gumagamit ng high-frequency sound waves upang makabuo ng imahe ng iyong internal organs)

    Computed tomography (CT) scan, na imaging test na gumagamit ng X-rays at ng kompyuter upang makabuo ng detalyadong images ng katawan. Nakikita rito ang details ng mga buto, muscles, taba, at organs, maging ang anomang abnormalities na hindi nakikita sa ordinaryong mga X-ray.

    Magnetic resonance imaging (MRI), na isang noninvasive procedure na nakalilikha ng two-dimensional view ng internal organ o structure

    Laparoscopy, na isang minor surgical procedure gamit ang laparoscope,o isang manipis na tube na mayroong lente at ilaw, na nilalagay sa incision sa iyong abdominal wall. Gamit ang laparoscope, nasusuri ang iyong pelvic area, at makikita ng doktor ang lokasyon, laki, at itsura ng alinmang endometrial growths.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    X-ray (electromagnetic energy na ginagamit upang makabuo rin ng images ng mga buto at internal organs sa film.)

    Colonoscopy, kung saan nakikita rito ng doktor ang kabuuang haba ng large intestine, at matutukoy ang abnormal growths, inflamed tissue, ulcers, at pagdurugo gamit ang colonoscope, na isang mahaba, flexible, lighted tube, na pinapasok sa rectum paitaas sa colon. Nakikita ng doktor ang lining ng colon at natatanggal niya ang tissue para sa mas masusing pagsusuri, at maaari ding mabigyang lunas ang ilan pang problemang makikita.

    Sigmoidoscopy, na isang diagnostic procedure na ginagawa upang masuri ng doktor ang loob ng isang bahagi ng large intestine. Natutukoy rito ang mga sanhi ng diarrhea, abdominal pain, constipation, abnormal growths, at pagdurugo gamit ang maikli, flexible, lighted tube na sigmoidoscope. Pinapasok ito sa intestine mula sa rectum. Nagpapasok din ng hangin sa intestine ang scope upang mas mapalaki ito at mas madaling makita.

    Paano binibigyang lunas ang sakit ng puson?

    Nakasalalay ang lunas sa sanhi ng sakit. Malaking tulong din kung sasabihin mo sa iyong doktor ang iyong overall health at medical history, at ang lahat ng mga sintomas na iyong nararanasan. Banggitin din sa doktor ang iyong tolerance sa mga gamot, procedures o therapies.

    Kasama sa mga lunas ang sumusunod:

    • Antibiotic medicines
    • Anti-inflammatory at/o pain medicines
    • Relaxation exercises
    • Oral contraceptives
    • Surgery
    • Physical therapy

    Kung hindi matukoy ang pisikal na sanhi ng sakit ng puson, maaari ding magrekomenda ang iyong doktor ng counseling. May mga pagkakataong kailangan din ng multidisciplinary treatment gamit ang iba't ibang approaches tulad ng nutritional modifications, environmental changes, physical therapy, at pain management.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Basahin dito kung nababahala sa malakas na regla at dito kung bakit mahina ang menstruation.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles