kneees,Tagalog,greener,con-00370,sakit ng tuhod gamot,Sakit Ng Tuhod Gamot | Smart Parenting,sakit ng tuhod gamot, sakit ng tuhod, knee problems, arthritis, orthopedic concerns,May mga paraan na puwedeng gawin bilang sakit ng tuhod gamot nang hindi na lumala pa ang kondisyon.
HealthYour Health

Posible Ang Sakit Ng Tuhod Nagkakaedad Man O Hindi: 5 Paraan Bilang Gamot

May mga paraan din para makaiwas sa pananakit ng tuhod.
PHOTO BYPexels/Towfiqu Barbhuiya

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Kapag nagkakaedad na, ang sakit sa tuhod ang isa sa mga dinadaing na karamdaman. Kasunod niyan ang birong “Naku, tumatanda ka na!" Kaya may mga nauusong bagay o paraan bilang sakit ng tuhod na gamot.

Paliwanag ng mga eksperto, pangunahing dahilan ng pagsakit ng tuhod ay rayuma  o arthritis, na talagang sakit sa pagtanda. Nag-uumpisa ito sa edad na 40 pataas. Nararanasan ito ng matatanda dahil sa paghina ng mga kasu-kasuan at buto.

Kung hindi pa naman nagkakaedad, sumasakit ang tuhod dahil sa labis na paggamit nito at natamong injury. Mas maagang nakararanas din ng pananakit ng tuhod ang mga labis ang timbang, o obese. Isa pang posibleng dahilan ang nasobrahan sa ehersisyo o sa mga pisikal na gawain. Mayroon ding tinatawag na juvenile arthritis, kung saan mga bata ang tinatamaan.

Sanhi ng pagsakit ng tuhod

Ayon sa John Hopkins Medicine, karaniwang problema ng matatanda ang sakit sa tuhod at naiuugnay din sa mga pang-araw-araw na pisikal na mga gawain gaya ng paglalakad, pagtayo, at pagbubuhat. Maging sa mga atleta ay hindi na bago ang makaranas ng ganitong sakit dahil sa pagtalon at pag-ikot na ginagawa nila.

May iba’t ibang kondisyon ang maaaring makapagdulot ng pananakit ng tuhod. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

Arthritis sa tuhod

Kapag may arthritis sa tuhod, nagdudulot ito ng pamamaga ng kasu-kasuan na sanhi ng pagkirot. May iba’t ibang uri ng arthritis na nakaapekto tuhod:

  • Rheumatoid arthritis na sanhi ng autoimmune disease, na nagdudulot naman ng pamamaga nito at pagkasira ng mga kasu-kasuan
  • Osteoarthritis na nakaapekto sa litid ng kasu-kasuan

Malaking bagay din ang labis na timbang sa pagbibigay ng stress sa tuhod, ayon pa sa mga eksperto.

Pagkakaroon ng injury

Ang mga hindi inaasahang aksidente na nagdudulot ng injury sa kasu-kasuan ay magsasanhi ng pananakit ng tuhod, gaya ng:

watch now
  • Kneecap dislocation
  • Pagkaputol ng litid
  • Bursitis

Ang mga ito ay nangangailangan ng atensyong medikal at operasyon.

Labis na paggamit ng tuhod

Ang pauulit-ulit na mga gawain at paggawa ng mabibigat na gawain ay posibleng magdulot ng sakit sa tuhod. Magdudulot ito ng komplikasyon gaya patellofemoral pain o pagsakit ng ilalim o palibot ng kneecap at tendonitis.

Mga gamot sa sakit ng tuhod

Ang gamot para sa sakit ng tuhod ay nakadepende sa kung ano ang sanhi ng pananakit nito. Baka minsan kailangan lamang ng sapat na pahinga, pag-inom ng gamot na anti-inflammatory, at paglalagay ng cold compress.

Pero kung matindi ang injury ng tuhod, baka nangangailangan na ito ng operasyon. Minsan nakatutulong din ang paglalagay ng brace o pangsuporta sa tuhod habang pinapagaling ito.

Bukod sa pahinga at paglalagay ng cold compress sa sumasakit na tuhod, maaaring ding uminom ng mga over-the-counter na pain reliver para maibsan ang matinding kirot. Ngunit kung kayang tiisin pa ang sakit, tiisin na lamang bago ang pag-inom ng mga pain reliver. Uminom lamang nito kapag talagang matindi at hindi na makayanan ang sakit.

Para maibsan ang sakit ng tuhod

Sa kabilang banda, gawin din ang mga pagbabago sa lifestyle kung nagsisimula nang makaranas ng mga pananakit ng tuhod.

Magpapayat

Kung sobra ang timbang, kailangang magpapayat dahil nasa tuhod ang iyong bigat. Nakakadagdag ng stress sa tuhod ang pagkakaroon ng mabigat na timbang.

Palakasin ang kalamnan ng hita

Gawin ang mga ehersisyo para dito. Puwede ring subukin ang mga stationary bike.

Magsuot ng sapatos o tsinelas na malambot ang suwelas

Makabubuti ang malambot na tapakan para hindi matagtag nang husto ang tuhod sa paglalakad.

Paggamit ng mga pamahid o muscle ointment

Maiibsan din nito pansamatala ang nararanasang sakit sa tuhod.

Magsuot ng brace na makasusuporta sa tuhod

Makapagdudulot ito ng ginhawa para maikilos ang tuhod nang hindi lubos na mababanat.

Paano maiiwasan ang pagsakit ng tuhod

Kung nagkakaedad na at nakararanas na ng mga sintomas ng arthritis, narito ang ilang tips na dapat gawin para maiwasan pananakit ng tuhod:

  1. Iwasan ang pagbubuhat ng mabibigat. Kung kinakailangan magpatulong sa pagbuhat nito.
  2. Iwasan ang palagiang pag-akyat at pagbaba sa hagdan para hindi ma-stress ang tuhod.
  3. Iwasan ang pagtayo nang matagal at paglalakad nang malayo. Subuking umupo rin pamisan-minsan o magpahinga para marelaks ang tuhod.
  4. Iwasan ang pagsusuot ng sapatos na may mataas na takong o high heels.
  5. Iwasang lumuhod nang matagal sa sahig. Kung kinakailangan maglagay ng malambot na sapin o kutson sa pagluluhuran.

Bilin ng mga eksperto na pakaingatan ang iyong tuhod dahil ito ang nakatutulong sa pagbuhat ng iyong timbang at para makalakad nang maayos. Huwag itong masyadong puwersahin. Ipahinga ang iyong tuhod kapag nakaramdam na ng pagod o pananakit nito nang hindi na kailanganin pa ng sakit ng tuhod na gamot.

---

Pinagkunan ng Impormasyon

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/knee-pain-and-problems

---

Basahin dito para sa pananakit ng likod at balikat.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close