;
embed embed2
  • Panay Ang Dighay? 8 Mga Sanhi Na Hindi Mo Lang Napapansin

    Baka may mas seryosong dahilan ang pagdighay.
    by Jocelyn Valle .
Panay Ang Dighay? 8 Mga Sanhi Na Hindi Mo Lang Napapansin
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    May kasabihan na kapag dumighay pagkatapos kumain, ibig sabihin nabusog na at nagustuhan pa ang kinain. Pero may pagkakataong napapadalas at napapalakas ang dighay. Kaya hindi maiiwasan na magtaka at mag-alala kung ano ang sanhi ng laging pag dighay.

    Bakit dumidighay?

    Tinatawag ang pagdighay sa English terms na burping at belching. Ito ang paraan ng katawan upang magpakawala ng sobrang hangin sa tiyan sa upper respiratory tract, ayon sa Mayo Clinic. Nagsisimula ang upper respiratory tract sa ilong at dumadaloy sa nasal cavity, bibig, lalamunan (pharynx), at voice box (larynx).

    Kadalasang nangyayari ang pagdighay kapag nasobrahan ang nalasap o nalulon na hangin dahil:

    • Napabilis ang pag-kain o di kaya pag-inom
    • Nagsasalita habang kumakain
    • Ngumunguya ng chewing gum
    • Ngumangata ng matigas na candy
    • Nagi-inom ng soft drinks o iba pang carbonated drinks
    • Naninigarilyo
    • Nakasanayang paghigop ng hangin kapag kinakabahan
    • Nakakaramdam ng acid reflux o may karamdamang gastroesophageal reflux disease (GERD), kaya panay ang lunok

    Paliwanag ng mga eksperto na naiipon ang hanging nasasagap o nalululon sa upper respiratory tract at natetengga sa esophagus, kaya hindi na umaabot pa sa tiyan. Ito ang posibleng sanhi ng laging pag dighay.

    Pero kung bukod sa pagdighay o belching ay may iba pang naramdamang sintomas, mainam na komunsulta na sa doktor. Kabilang dito ang pananakit ng tiyan (abdominal pain) at heartburn.

    Baka kasi meron ng pamamaga (inflammation) sa stomach lining o di kaya merong infection hatid ng Helicobacter pylori. Ito ang uri ng bacterium na sanhi ng ilang klase ng stomach ulcer.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga puwedeng gawin

    May mga paraan upang mabawasan o di kaya maiwasan ang madalas o matinding pagdighay. Payo ng mga eksperto na subukang gawin ang mga sumusunod upang guminhawa ang pakiramdam:

    • Huwag madaliin ang pag-kain at pag-inom nang hindi masobrahan sa nasasagap o nalululon na hangin.
    • Relax lang habang kumakain dahil tumataas ang tyansa ng madalas na pagsagap o paglulon ng hangin kapag stressed out.
    • Iwasan ang soft drinks at iba pang carbonated drinks, pati na beer dahil nagpapakawala ang mga ito ng carbon dioxide gas.
    • Iwasan ang pagnguya ng chewing gum at pagngata ng matigas na candy dahil napaparami ang nasasagap o nalulon na hangin.
    • Iwasan ang paninigarilyo dahil habang humihitit, nakakalulon din ng hangin.
    • Siguraduhin na tama ang sukat ng pustiso dahil dadali ang pagpasok ng hangin sa bibig at saka mo ito malululon.
    • Gumalaw-galaw, tulad ng paglalakad nang hindi matulin pagkatapos kumain nang hindi matengga ang hangin sa upper respiratory tract.
    • Uminom ng gamot na nireseta ng doktor para sa GERD, gaya ng antacid.

    Paalala pa ng mga eksperto na mahalaga na obserbahan ang madalas na pagdighay, lalo na kung may GERD. Isa itong sakit sa tiyan at digestive system na epekto ng madalas na atake ng acid reflux, kung saan ang acid sa tiyan ay umaakyat sa esophagus at pinipinsala ang lining ng gastrointestinal tract.

    Bilin rin ng mga eksperto na bantayan ang ganitong mga sintomas:

    • Biglang pagsusuka
    • Pagbigat ng tiyan na tila puno ito ng hangin (bloating)
    • Pananakit ng tadyang na parang may tumutusok
    • Pag-init ng lalamunan na para itong nasusunog
    • Pagbabawas ng timbang kahit hindi ka naman nagda-diet at walang ibang dahilan
    • Pagbabago sa sistema ng tiyan, kaya napapadalas ang constipation o di kaya diarrhea
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mainam na magpatingin na sa doktor nang malaman ang sanhi ng laging pag dighay at nang maagapan ang kondisyon. Sabi nga ng mga eksperto, ang maagang pagtukoy sa problema o early detection ang susi sa mabilis at matagumpay na paggamot sa kung anumang karamdaman o sakit.

    Para sa tamang pagpapadighay ng sanggol, basahin dito.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles