;
embed embed2
  • Bukod Sa Acid Reflux, Ang Iba Pang Dahilan Para Sa Sinisikmura At Nasusuka

    May tinatawag ding bile reflux.
    by Jocelyn Valle .
Bukod Sa Acid Reflux, Ang Iba Pang Dahilan Para Sa Sinisikmura At Nasusuka
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    May ilang dahilan kung bakit sinisikmura at nasusuka pa. Una na diyan ang sobrang stomach acid o hyperacidity, na kilala rin bilang sinisikmura in English. Isa pa ang sobrang bile, na acid naman mula sa atay o liver na napupunta sa tiyan.

    Sinisikmura at nasusuka dahil sa acid reflux

    Tinatawag na acid reflux ang pag-backwash ng stomach acid paakyat sa tubong kumokonekta sa bibig at tiyan, na esophagus kung tawagin. Ang medical term naman dito ay gastroesophageal reflux. Madalas mangyari ang acid reflux kapag nasobrahan ka sa pagkain o inumin na mataas sa acid. Kabilang diyan ang softdrinks, maasim na juice, at kape.

    Kapag paulit-ulit kang nakakaranas ng acid reflux, gaya ng dalawa o higit pang beses kada linggo, malaki ang posibilidad na meron kang gastroesophageal reflux disease (GERD). Kadalasan, may kasabay din na ibang sintomas ang acid reflux kagaya na lang ng heartburn. Ito naman ang pag-init ng lalamunan na may mapaklang lasa.

    Bukod sa heartburn, maaari ka ring makaranas ng:

    • Pananakit ng dibdib
    • Pakiramdam na parang maduduwal
    • Mapait o maasim na lasa sa bandang likod ng bibig
    • Pakiramdam na parang may nakaharang sa lalamunan
    • Hirap sa paglunok
    • Pagsusuka
    • Paulit-ulit na nasasamid o kaya naman sinisinok
    • Pamamaos o pagiging garalgal ng boses
    • Bad breath

    Maraming over-the-counter na gamot para sa acid reflux at nangunguna na rito ang mga antacid. Ingat lang sa paggamit nito dahil puwede itong magdulot ng diarrhea at kidney problems kapag nasobrahan. Kung hindi na effective ang antacids, magpa-check up na para mabigyan ng reseta para sa ibang gamot.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May mga sinisikmura home remedy din na makakatulong na maibsan ang mga sintomas at mabawasan ang pag-atake ng acid reflux. Kabilang diyan ang pagbabago sa diet at eating habits. Sikapin na iwasan ang mga pagkain at inumin na mataas sa acid, at saka ang pagkabusog. Mainam na paboran ang pag kain ng masustansya ilang beses kada araw.

    Sinisikmura at nasusuka dahil sa bile reflux

    Nangyayari ang bile reflux kapag ang bile, o ang digestive liquid na ginagawa ng liver, ay biglang nag-backwash sa tiyan, ayon sa mga eksperto ng Mayo Clinic. Sabi pa nila, puwede ring umabot ang bile paakyat ng esophagus kahit kasabay pa ang stomach acid.

    Halos pareho raw ang mga sintomas ng bile reflux sa acid reflux, kaya mahirap masabi kung alin sa kanila ang nararanasan mo. Puwede pa nga raw na sabay silang umatake. Meron lang kaunting dagdag na sintomas ang bile reflux, gaya ng:

    • Malalang kirot sa upper abdomen
    • Malimit na heartburn
    • Pagkiramdam ng nausea
    • Pagsusuka ng kulay greenish-yellow na likido
    • Minsanang pag-ubo at pagkamalat ng boses
    • Hindi sinasadyang pagbawas ng timbang

    Paliwanag ng mga eksperto na mahalaga ang bile para sa pagtunaw ng fats at pagsala ng gamit nang red blood cells, pati ng ilang toxins, mula sa katawan. Pagkatapos makagawa ang liver ng bile, iniimbak itong asido sa gallbladder.

    Lumalabas lang ang bile mula sa gallbladder kapag kumain ka ng kahit kaunting fats. Dumadaan ito sa isang tubo sa itaas na bahagi ng small intestines, na duodenum kung tawagin, para gampanan ang kanilang gawain.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pero kung may problema sa iyong sistema, babalik ang bile sa tiyan o kahit hanggang esophagus. Magreresulta ito sa pakiramdam ng sinisikmura at nasusuka, pati na ang iba pang sintomas.

    Ilan sa mga sanhi ng problemang nagdudulot ng bile reflux ang mga sumusunod:

    • Kumplikasyon sa pinagdaanang stomach surgery
    • Pagkakaroon ng peptic ulcers
    • Pagtanggal sa gallbladder mula sa isang operasyon

    Gamot sa sinisikmura at nasusuka

    Hindi tulad sa acid reflux na puwedeng madaan sa over-the-counter na gamot, home remedies, at lifestyle changes, kailangan ng resetang gamot ng doktor. Kung hindi pa rin umubra ito, baka kailanganin ang operasyon.

    Bilin ng mga eksperto na huwag pabayaan ang problema at kaagad na magpatingin sa doktor. Kapag daw kasi lumala ang bile reflux, maaaring humantong ito sa GERD at iba pang mas malalang sakit, gaya ng Barrett's esophagus at stomach cancer. Kaya mainam na bantayan ang dumadalas na sinisikmura at nasusuka mong pakiramdam.

    Basahin dito kung sinisikmura ang buntis.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles