;
embed embed2
  • Chewing Gum, Aloe Vera Juice, At Iba Pang Pampakalma Sa Sinisikmura

    May home remedies sa pangangasim ng sikmura.
    by Jocelyn Valle .
Chewing Gum, Aloe Vera Juice, At Iba Pang Pampakalma Sa Sinisikmura
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kapag nakakaramdam ka ng pangangasim ng sikmura, marahil iniinda mo ito at pinalilipas na lang. Pero hindi mo kailangang magtiis, lalo na kung may paghilab at pag-init na ng tiyan, dahil may sinisikmura home remedy na kaya mong gawin.

    Mga posibleng dahilan kung bakit sinisikmura

    Kadalasang sanhi ang pangangasim, pati na ang pag-init at paghapdi, ng sobrang stomach acid o hyperacidity. Kaya kung pagbabasehan ang definition ng Merriam-Webster para sa hyperacidity, sinisikmura in English ay "condition of containing more than the normal amount of acid."

    Kadalasan ding dalawa ang pinagsususpetsahang dahilan ng pananakit ng sikmura: stomach (gastric) ulcers at gastroesophageal reflux disease (GERD). Ang mga ito kasi ang ilan sa common gastrointestinal disorders, ayon sa mga eksperto sa University of California, Los Angeles (UCLA) Health.

    Pero ang GERD daw ay nangyayari kapag ang muscle sa pagitan ng esophagus at stomach ay nanghina. Sa kabilang banda, ang ulcer ay sugat (sore) sa tiyan o di kaya sa lining ng small instestine. Nabibigyan daw ng lunas ang parehong kondisyon sa tulong ng gamot na pambababa ng acidity sa tiyan. Magkaiba lang ang haba o tagal ng gamutan.

    Bukod diyan, may iba pang posibleng dahilan kung bakit ka sinisikmura, gaya ng:

    • Madalas  na pagpupuyat
    • Sobrang stress
    • Labis na pagkonsumo ng maasim na pagkain at inumin
    • Pag kain sa maling oras
    • Pag kain nang sobrang kaunti o sobrang dami
    • Pagbibisyo
    • Maling pag-inom ng anti-inflammatory drugs (aspirin at iba pang pain reliever)
    • Pag-exercise nang biglaan at mabigat
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinisikmura home remedy

    May ilang gamot sa sinisikmura, ayon sa mga eksperto. Nariyan ang over-the-counter medication, gaya ng antacids, na para rin sa iba pang sintomas ng acid reflux at heartburn. Meron ding gamot sa sinisikmura herbal na klase. Kabilang iyan sa sinisikmura home remedy na puwede mong subukan.

    Ginger tea

    May payo na uminom ng nilagang luya o salabat bago kumain. Mabisa raw kasi ang luya laban sa pananakit ng tiyan. Paliwanag pa ng Johns Hopkins Medicine na alkaline at anti-inflammatory ang luya kaya naiibsan nito ang iritasyon sa digestive tract.

    Chamomile tea

    Uminom daw ng chamomile tea para mabalanse ang acidity level sa tiyan. Rekomendado ng ilang eksperto na gawin ito 30 minutes hanggang 1 hour bago matulog. Makakabawas din ang chamomile tea ng stress level na isa pang rason kung bakit nagkakaroon ng heartburn.

    Cucumber water

    Lagyan ng hiniwang pipino ang isang pitsel ng tubig at dito kunin ang inuming tubig. Pansin ng mga nakasubok na nito na may dagdag benepisyo ang taglay na tubig mula sa pipino upang matunaw at humina ang stomach acid.

    Apple cider vinegar

    Ang kadalasang payo ay ihalo ang 1 teaspoon na unprocessed apple cider vinegar sa tubig at inumin. Makabababa daw ito ng acidity level sa tiyan. Paalala lang na wala pang scientific evidence ang bisa nito, ngunit epektibo naman sa ilang mga gumawa na.

    Baking soda

    Haluan ng kaunting baking soda ang tubig bago ito inumin. Ayon sa mga eksperto, makakatulong ang baking soda sa pagbaba ng acidity level sa tiyan. Ang bisa nito ay katulad ng naibibigay ng over-the-counter antacid. Iyon lang, hindi kaaya-aya ang lasa.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Dagdag ng ibang sumubok na ng home remedy na ito, iwasan na lumagpas sa pitong doses kada araw ang pag-inom at huwag paaabutin ng isang linggo. Mataas kasi ang salt content mula sa baking soda kaya baka makaramdam ng side effects tulad ng bloating at nausea.

    Aloe vera juice

    Uminom ng aloe vera juice para mabawasan ang stomach acid at kumalma ang tiyan mula sa iritasyon. Bagamat wala pang research ang naisagawa na tungkol dito, ayon sa mga eksperto, ay may mga taong nakasubok na at masaya sa resulta. Siguraduhin lang daw na puro at ligtas ang produktong bibilhin.

    Chewing gum

    Ngumuya ng sugar-fee chewing gum ang suhestiyon ng mga eksperto. Naibsan daw kasi ang sakit mula sa acid reflux para sa mga kalahok sa 2005 study ng Journal of Dental Research pagkatapos nila itong gawin nang regular. Ngumuya sila ng sugar-free chewing gum sa loob ng 30 minuto kada kain ng lunch o di kaya dinner.

    Napag-alaman ng mga researcher na ang pagnguya ng chewing gum ay stimulating para sa salivary glands, na siyang nagpapadami ng saliva sa bibig. Trabaho naman ng saliva na matanggal ang acid nang sa gayon ay mabawasan ang acid level sa esophagus.

    Kung hindi umubra ang sinisikmura home remedy, lalo na kung dumalas at tumindi pa ang sakit at hapding nararamdaman, mainam na komunsulta sa doktor. (Basahin dito kung buntis at sinisikmura.)

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles