embed embed2
Lagnat, Hindi Maihi, At Ibang Sintomas Ng Leptospirosis Na Bantayan Lalo Ngayong Tag-Ulan
PHOTO BY Unsplash?Arisa Chattasa
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Panahon na naman ng tag-ulan at tiyak na nariyan ang mga pagbaha. Isa sa mga hindi maiiwasang sakit na kasama nito ay ang leptospirosis. Kadalasan na naiuugnay ang sakit na ito sa ihi ng daga. Kaya mahalaga na malaman ang mga sintomas ng leptospirosis.

    Nagkaroon ng ganitong sakit ang tatay ng kaibigan ng writer na ito. Ang kuwento, nanginginig daw ang tatay niya sa sobrang taas ng lagnat at nahihirapan na itong umihi. Kaya nang dalhin nila sa hospital ay agad na nilagyan ang pasyente ng catheter.  Muntik na rin daw mag-dialysis ang tatay niya dahil hindi agad natukoy na leptospirosis ang sakit nito.

    Naglilinis lamang daw ang tatay niya ng bakuran nang may nahawakan itong naipong tubig, na kalaunan nalaman nilang hindi namalayang nahaluan ito ng ihi ng daga. Wala namang sugat sa kamay ang tatay niya, pero paliwanag ng doktor na maaaring nakapasok ng bakterya sa pamamagitan ng balat.

    Ano ang leptospirosis?

    Ang leptospirosis ay isang uri ng sakit na nakukuha sa lupa, buhangin, putik, o tubig na nakontamina ng ihi ng hayop na nagdadala ng sakit na ito gaya ng daga. Ito ay ayon sa Department of Health (DOH).

    Batay naman sa World Health Organization (WHO), ang sakit na  ito ay sanhi ng Leptospira bacteria na isang bacterial disease na nakaaapekto sa tao at hayop. Nakukuha ito kapag nalantad ang tao sa tubig o lupa na kontaminado ng ihi mula sa nahawaang hayop ng bakterya at nakapapasok naman ito sa katawan ng tao sa pamamagitan ng ilong, bibig, mata, o gasgas sa balat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nararanasan ang sakit na ito sa buong mundo pero mas partikular ito sa mga tropical na bansa na nakararanas ng malalakas na pag-ulan. Nakapagdudulot ng impeksyon sa katawan ang sakit na ito na nagdudulot ng panganib.

    Mga sintomas ng leptospirosis

    Paliwanag ng WHO na madalas mahirap agad na ma-diagnose ang sakit na ito dahil sa kaparehong sintomas na nararanasan gaya sa dengue, tipus sakit o typhoid, at viral hepatitis. Sabi naman ng Center for Disease Control and Prevention (CDC), may iba na walang sintomas na nararanasan maliban na lamang kung malubha na ang sitwasyon.

    Gaya nga ng nangyari sa tatay ng kaibigan ng writer na ito, inakala ng unang doktor na sakit sa bato sintomas kasi hindi makaihi. Sumunod na mga sintomas niya ay paninilaw ng mata at dila. Nagkaroon din siya ng mga butlig sa mukha pero hindi naman daw masakit. Kapag napipisa, tubig ang lumalabas dito.

    Pero naikuwento ng tatay niya sa isa pang doktor na naglilinis lamang ito ng bakuran bago magkasakit, doon tiniyak ng doktor na posibleng leptospirosis ang sakit nito.

    Ayon sa DOH, kapag hindi agad nagamot ang anumang sintomas ng sakit na ito, maaaring mauwi sa kidney failure, brain damage, at massive internal bleeding. Dagdag pa ng CDC, posible rin ang meningitis, liver failure, respiratory distress, at pagkamatay.

    Ilan sa mga sintomas ng sakit na ito ay:

    1. Pagkakaroon ng rashes
    2. Pagsakit ng ulo
    3. Pagduduwal o pagsusuka
    4. Pagkakaroon ng lagnat
    5. Pananakit ng sikmura
    6. Pamumula ng mga mata
    7. Pananakit ng mga kalamanan
    8. Paninilaw ng balat o jaundice
    9. Panlalamig
    10. Pagkakaron ng diarrhea
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Karaniwang nagsisimula ang sakit na ito sa pagkakaroon ng lagnat kasama ng ibang sintomas. Kapag nalantad ang isang tao sa kontaminadong bagay na pinagmumulan ng sakit na ito, makararanas  siya ng mga sintomas at magkakasakit nang dalawang araw hanggang apat na linggo. Kadalasan din na nagdedebelop ang mga sintomas pagkaraan ng 5 hanggang 14 na araw matapos na makuha ang impeksyon.

    Maaaring mangyari ang leptospirosis sa dalawang yugto:

    Una, magkakaroon ng mataas na lagnat, panginginig ng katawan, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pagsusuka o pagtatae. Maaaring gumaling pagkaraan ng ilang araw ngunit posibleng magkakasakit muli.

    Ikalawa, maaaring mas malala na ito. Posibleng magkaroon na ng kidney o liver failure o meningitis.

    Magagawang matiyak ng doktor kung mayroon ka talaga ng sakit na ito bukod sa mga sintomas na nararanasan sa pamamagitan ng blood test. Minsan nakikita ang bakterya ng sakit na ito sa cerebrospinal fluid at ihi.  Kadalasan na dalawang blood test ang ginagawa na may dalawang linggong pagitan para matiyak ang diagnosis.

    Paano makakaiwas sa leptospirosis?

    Ilang mga paraan para makaiwas sa pagkakasakit ng leptospirosis:

    • Takpan ang sugat o gasgas sa balat ng isang waterproof na gasa.
    • Magsuot ng proteksyon sa katawan gaya ng guwantes, apron, bota, goggles o eye shields kapag nagtatrabaho, nagtatanim, o naglilinis.
    • Ugaliin ang maayos na paghuhugas ng kamay pagkatapos humawak sa mga bagay na maaaring kapitan ng bakterya.
    • Agad na maligo pagkatapos magtrabaho o kapag nalantad sa maaaring pagmulan ng sakit na ito.
    • Huwag kumain o manigarilyo habang hawak ang hayop na posibleng may dala ng sakit na ito.
    • Iwasan ang paglusong sa baha na tiyak na kontaminado ng ihi ng hayop na may dala ng sakit na ito.
    • Panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid. Ugaliin ang proper hygiene para manatiling malusog, ligtas, at malayo sa mga sintomas ng leptospirosis.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    ---

    Pinagkunan ng Impormasyon:

    Signs of Leptospirosis

    https://www.cdc.gov/leptospirosis/symptoms/index.html

    Leptospirosis

    https://doh.gov.ph/Health-Advisory/Leptospirosis

    Leptospirosis

    https://www.who.int/indonesia/news/detail/24-08-2020-leptospirosis-prevention-and-control-in-indonesia

    Read also: Fight Rainy Season Germs With These Healthy Habits

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles