;
embed embed2
  • 5 Posibleng Dahilan Ng Sugat Sa Lalamunan At Paano Ito Gamutin

    Gaya sa bibig, puwede ring magkasingaw sa lalamunan.
    by Jocelyn Valle .
5 Posibleng Dahilan Ng Sugat Sa Lalamunan At Paano Ito Gamutin
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kung may pananakit o di kaya sugat sa lalamunan, apektado ang pag-kain at pag-inom. Gumagrabe kasi ang masamang pakiramdam sa tuwing lulunok. Kaya mainam na malaman ang dahilan nang mabigyan ng tamang lunas.

    Mga posibleng dahilan ng sugat sa lalamunan

    May ilang sanhi ng hindi magandang pakiramdam sa lalamunan, mula sa simple hanggang sa seryoso. Kapag natukoy ito, mas mapapabilis ang paggaling at puwede pang maiwasan ang pag atake nitong muli.

    Canker sores

    Tinatawag na canker sores at mouth sores ang mga singaw na kadalasang tumutubo sa dila at gilagid, pati na sa loob ng labi at pisngi. Puwede rin daw tubuan ng singaw ang likurang parte ng lalamunan, ayon sa United States National Library of Medicine (NLM).

    Mahapdi ang singaw, lalo na kung  nadadaanan ng pagkain o di kaya inumin. Pero hindi naman nakakahawa. Kadalasang dulot ito ng mga sumusunod:

    • Viral infection
    • Stress
    • Food allergies
    • Lack of vitamins and minerals
    • Hormonal changes or menstrual periods

    Kusang gumagaling ang singaw, sabi ng mga eksperto. Kung hindi makatiis sa hapdi at nais bumilis ang paggaling, maaaring gumamit ng ointment, cream, o di kaya pangmumog (rinses). Makakatulong din daw kung iiwas sa mga maanghang na pagkain at maasim na inumin upang hindi ito lalong humapdi.

    Kung hindi gumagaling at lumalala pa ang isa o higit pang singaw payo ng mga eksperto na komunsulta na sa doktor. Huwag na raw paratingin pa sa emergency room tulad ng nangyari sa anak ni Karen Reyes, na dating kalahok sa Pinoy Big Brother (basahin dito).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Herpangina

    Isang sakit ang herpangina na dulot ng virus, ayon sa Stanford Children's Hospital. Mga bata lang daw ang apektado nito, kadalasan iyong may edad 3 hanggang 10. Biglaan ito kung umatake,, lalo na mainit ang panahon. Mapapansin na lang ang pagsulpot ng mga singaw sa ngalangala at likuran ng lalamunan.

    Maaari rin na makaramdam ng mga ganitong sintomas:

    • Pananakit ng ulo
    • Biglaang lagnat, na maaaring umabot sa 41-degree Celsius
    • Pananakit ng bibig at lalamunan
    • Paglalaway
    • Pagkawala ng ganang kumain
    • Pananakit sa may leeg

    Bilin ng mga eksperto na mainam na komunsulta sa doktor nang malayo sa panganib ang bata. Huwag asahan na mapapagaling ang sakit ng antibiotics dahil ang sakit na ito ay viral, at hindi bacterial.

    Pero makakatulong daw kung gagawin ang mga ito sa anak na maysakit:

    • Painumin ang bata ng maraming tubig at iba pang fluids
    • Painumin ng acetaminophen para sa lagnat
    • Pagngata ang lozenge bilang oral pain reliever
    • Bigyan lamang ang bata ng matabang na pagkain, at iwasan ang maasim at maanghang

    Mucositis

    Kilala sa tawag na mucositis ang mga singaw sa bibig at lalamunan ng mga pasyente ng cancer, ayon sa BreastCancer.org. Nakukuha ng cancer patients ang sakit na ito mula sa chemotherapy, radiation therapy, at ilang targeted therapies.

    Para maibsan ang hapdi ng mga singaw, rekomendado ng mga eksperto ang ganitong mga paraan:

    • Iwasan ang maanghang, mainit, o di kaya maasim ng pagkain at inumin
    • Subukan ang pag-inom ng malamig na gatas at iba pang dairy products
    • Kumain ng malamig na sour cream para mabalutan ang mga singaw at makakain ka nang maayos
    • Magmumog gamit ang tubig na may halong asin o di kaya tubig na may halong baking soda
    • Iwasan ang mouthwash na may halong alcohol
    • Gumamit ng toothbrush na malambot ang bristles
    • Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sore throat

    Kadalasang sanhi ang makating lalamunan (sore throat) ng malimit na pagpapalit ng panahon, kaya tumataas ang tyansa na magkaroon ng viral o di kaya bacteria infetion. Puwede rin sintomas ang sore throat ng allergy o allergic reaction. Marami pang ibang dahilan, sabi ng mga eksperto.

    Strep throat

    Malimit tamaan ng strep throat ang mga batang may edad 5 hanggang 15, sabi ng mga eksperto. Dulot ito ng isang grupo ng Streptococcus bacteria. Maaari itong kumalat sa pamamagitan ng pagbahing at pag-ubo.

    Paliwanag pa ng mga eksperto na depende sa edad ng bata ang uri at antas ng sintomas na kanyang mararanasan. Sa infants, halimbawa, baka sinat lang pero may hatid na makapal o di kaya madugong uhog (nasal discharge).

    Sa toddlers, puwede ring may makapal at madugong nasal discharge, pero nilalagnat na. Kaya huwag kang magtaka kung maging masungit na ang anak mo. Malamang mawawalan din siya ng ganang kumain at mamamaga ang kanyang kulani (lymph nodes). Baka ireklamo niya rin ang masakit na tiyan kaysa makating lalamunan.

    Para sa mga batang lampas 3 years old, mas grabe ang sakit na mararamdaman nila sa lalamunan. Mas mataas din ang kanilang lagnat, na puwedeng higit pa sa 38.9 degrees Celsius. Bukod diyan, mamamaga ang kanilang lymph nodes sa leeg at magkakaroon ng nana (pus) sa kanilang tonsils.

    Paalala ng mga eksperto na dapat matukoy kung sore throat o di kaya strep throat ang iniinda na makati o di kaya sugat sa lalamunan. Ang strep throat kasi  ay maaaring magamot ng antibiotics, at hindi ang sore throat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles