vagina,vaginal discharge,evergreen,baby stage,pregnancy stage,toddler stage,vagina smell,affiliate,Dahilan At Solusyon Sa Hindi Magandang Amoy Ng Vagina,vagina, vaginal smell, vaginal odor, amoy ng vagina, healthy vagina,May iba't-ibang amoy ang iyong vagina. Ano nga ba ang ibig sabihin ng mga ito?
HealthYour Health

Vaginal Odor: Anong Ibig Sabihin Nito At Paano Siguraduhing Healthy Ang Vagina

Kailan ka nga ba dapat maalarma at pumunta sa doktor?
PHOTO BYiStock

Nag-aalala ka ba kung normal lang ang amoy ng iyong vagina? Ayon sa mga eksperto, ang iyong vagina ay natural na mayroong mga bacteria. Dagdag pa nila, patuloy na nagbabago ang mga bacteria na ito araw-araw at minsan, oras-oras. Kaya naman lagi ring nagbabago ang amoy ng iyong vagina.

Nakakaapekto rin sa amoy ng iyong vagina ang iyong menstrual cycle at ang iyong hygiene habits. Bukod pa riyan, madaling pawisan ang bahaging iyon ng iyong katawan kaya natural lang na magkaroon ito ng amoy.

Ang iba't-ibang amoy ng vagina

Amoy tangy o maasim

Normal lang ang ganitong amoy ng vagina, ayon sa mga eksperto. Kasing-amoy ito ng yogurt o sourdough bread. Ganito ang nagiging amoy ng vagina mo dahil sa good bacteria na tinatawag na Lactobacilli.

May kinalaman din ang acidity o pH level ng iyong vagina kaya nag-aamoy maasim ito.

Amoy metallic

May ilang babae namang nagsabing amoy copper o may pagka-metallic ang amoy ng kanilng vagina.

Malimit, ang dahilan nito ay iron na mula sa dugo. Maaaring palapit na ang iyong period o mayroon ka nang period kaya ganito ang amoy ng vagina mo. Maging maging sanhi rin ng amoy na ito ang slight bleeding dahil sa sex.

Kung nakakaranas ka ng pagdurugo na walang kinalaman sa iyong period, kailangan mo nang magpatingin sa doktor.

Amoy matamis

Tulad ng vagina na mayroong maasim na amoy, bacteria rin ang dahilan kung mag-amoy matamis o earthy ang iyong vagina.

Amoy chemical o bleach

Maraming maaaring maging dahilan kung bakit amoy bleach o chemical ang vagina mo. Kabilang na riyan ang buildup ng ihi sa iyong underwear o sa paligid ng iyong vulva. Tandaan, ang ihi na amoy ammonia ay tanda na kulang ka sa tubig o dehydrated ka.

Maaari ring maging tanda ito ng bacterial vaginosis. Ilan sa mga tanda ng impeksyong ito ang manipis na puti o berdeng discharge, pangangati ng vagina, o masakit na pag-ihi. Para makasigurado, mas magandang kumonsulta ka sa doktor.

watch now

Amoy body odor o masangsang

Dahil pinapawisan ka rin sa bahaging iyon ng iyong katawan, hindi talaga magkakalayo ang amoy ng iyong vagina at ng body odor.

Pero kung ito mismo ang amoy ng vagina mo, maaaring dumaraan ka sa emotional stress. Mayroong dalawang uri ng sweat glands ang iyong katawan—ang apocrine at eccrine.

Ang iyong eccrine glands ay gumagawa ng pawis para makatulong sa pagpapalamig ng iyong katawan, habang ang apocrine glands mo naman ay gumagawa ng pawis bilang tanda ng iyong mga emosyon.

Kung stressed ka o nakakaramdam ng anxiety, maaaring gumawa ng mala-gatas na fluid ang iyong apocrine glands. Walang amoy ang fluid na ito, ngunit kapag humalo ito sa vaginal bacteria na mayroon ang iyong vulva, saka ito nagkakaroon ng masangsang na amoy.

Amoy isda

Bacterial vaginosis din ang itinuturong dahilan ng amoy na ito. Isa pang maaring maging dahilan ng hindi magandang amoy ng vagina ang trichomoniasis. Ito ay isang uri ng sexually transmitted infection na madaling nagagamot ng mga antibiotics.

Anong solusyon sa hindi magandang amoy ng vagina

Panatilihin ang good hygiene

Ugaliing maligo ng hanggang dalawang beses sa isang araw. Siguraduhin mo ring sinasabon mong mabuti ang area sa paligid ng iyong vagina.

Makakatulong kung mayroon kang wash cloth na siya mong ipangkukuskos sa paligid. Mabisa itong pantanggal ng dead skin, pawis, at dumi.

Natural na may kakayahan ang iyong vagina para linisin ang sarili nito kaya hindi mo na ito dapat kuskusin o sabunin nang paulit-ulit. Iwasan mo rin ang paggamit ng mga sabon at body wash na may amoy dahil maaari itong makairita sa iyong vagina.

Laging magpalit ng underwear

Mas makakabuti ang cotton underwear para sa iyong vagina. Ang cotton kasi ay mas breathable. Mas kaya nitong pigilan ang pagpapawis sa bahaging iyon ng iyong katawan, kaya mas siguradong kang maiiwasan mo ang hindi magandang amoy ng vagina.

Magtanong sa iyong doktor tungkol sa mga pH products

Mayroong mga over-the-counter products na maaaring makatulong para ibalik ang natural na pH level ng iyong vagina. Kumonsulta sa iyong doktor para malaman ang pinakamabisang produkto para sa iyo.

Ito ang ilan sa mga feminine wash na rekomendado ng ilang nanay sa Smart Parenting Village na pwede gamitin ng mga buntis.

1. PH Care 250mL (Php 180.00)

 

article image
PHOTO BY WATSONS

 

Bilhin sa Watson's dito.

2. GynePro (150mL) Php 185.00

 

article image
PHOTO BY WATSONS

 

Bilhin sa Watson's dito.

3. Human Nature (165mL) Php 179.75

 

article image
PHOTO BY WATSONS

 

Bilhin sa Watson's dito.

Pero pinakamainam pa rin na kumonsulta muna sa iyong OB-Gyne. 

Kumain nang tama

Makakatulong ang healthy diet at pag-inom ng sapat na tubig para maiwasan mo ang hindi magandang amoy ng vagina. Pwede mong subukan ang mga pagkaing tulad ng yogurt. Samahan mo pa ng iba't-ibang prutas, gulay, whole grains, at masustansiyang protina.

Kailan ako dapat pumunta sa doktor?

Bagaman normal na may amoy ang iyong vagina, maaari rin itong maging tanda ng mga karamdaman kung hindi mo ito pagtutuunan ng sapat na pansin.

  • Kailangan mong pumunta sa doktor kung:
  • May kaakibat na ibang sintomas ang amoy ng iyong vagina
  • May nararamdaman kang sakit sa bahaging iyon
  • Palala nang palala ang amoy at may kaakibat nang sakit
  • Makati ang iyong vagina
  • Mahapdi umihi

Tandaan, mayroong natural na amoy ang iyong vagina. Hindi mo ito kailangang lagyan ng kung anu-anong kemikal para pabanguhin. Sa katunayan, maaaring mas makasama pa ang labis na paglalagay ng kung anu-ano dito.

Kung inaalagaan mo ang iyong mukha at iba pang bahagi ng iyong katawan, bakit hindi mo sisiguraduhing naaalagaan mo rin ang iyong vagina?

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close