-
Ano Ang Vasculitis, Mga Posibleng Sanhi At Kadalasang Sintomas Nito
Isa ang vasculitis sa dahilan ng "life threatening" na estado ng kalusugan ni Kris Aquino.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Ibinahagi kamakailan ni Kris Aquino sa kanyang social media account na "life threatening" ang kanyang karamdaman. Meron daw siyang tatlong "confirmed autoimmune conditions" na kanyang inisa-isa: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, at vasculitis.
Paliwanag ni Kris na nakumpirma ang sakit niya vasculitis pagkatapos niyang sumailalim ng tatlong skin biopsy, na sinuri ng kanyang pathologist dito sa Pilipinas at sa United States. Sinabi ng kanyang mga doktor na meron siyang partikular na uri ng vasculitis. Aniya ito ay "late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA."
Ano ang vasculitis?
Vasculitis ang tawag sa grupo ng mga hindi pangkaraniwang sakit (rare diseases) na nagdudulot ng pamamaga (inflammation) ng blood vessels. Ito ay ayon sa American College of Rheumatology (ACR).
Anila, kabilang sa mga blood vessel ang mga ugat sa katawan na nagdadala ng dugong walang oxygen pabalik sa puso (veins) at mga iyong nagdadala ng dulong hitik sa oxygen mula sa puso papunta sa ibang parte ng katawan.
Sabi pa ng mga eksperto, nagreresulta ang vasculitis sa paghina ng daloy ng dugo papunta sa tissues sa buong katawan, tulad ng major organs na lungs, nerves, at skin. Kaya naman masyadong malawak ang mga posibleng sintomas na maranasan kung meron ka palang sakit na ganito.
Mga halimbawa:
- Pagkapos ng hininga at pag-ubo
- Pamamanhid o paghina ng kamay o paa
- Pagkakaroon ng mapupulang patse-patse sa balat na kung tawagin ay purpura
- Pagkakaroon ng mga bukol-bukol sa balat, o nodules
- Pagkakaroon ng mga sugat-sugat, o ulcers
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa kabilang banda, posibleng wala kang maramdamang sintomas, pero tinamaan na pala ang mga bato (kidneys) mo hanggang maging seryosong sakit. Maaaring humantong ito sa pagiging baldado o di kaya sa kamatayan.
Puwede ring isang beses lang umatake ang vasculitis at puwede ring ilang beses sa loob ng maraming taon. Ang mahalaga, sabi ng mga eksperto, magamot ang sakit na ito.
Mga posibleng sanhi ng vasculitis
Hindi pa natutukoy kung ano ang nagdudulot ng iba-ibang uri ng vasculitis, ayon sa mga ekperto. Pero malaki raw ang posibilidad na sangkot ang mga ganitong usapin:
Genetic factors
Maaaring may kinalaman ang iba-ibang genes sa pagkakaroon ng vasculitis.
Autoimmune disease
Ibig sabihin, ang mismong immune system ang umaatake sa blood vessels. Ganito malamang ang kaso ng kondisyon ni Kris Aquino, kaya nasabi niya sa kanyang social media post na autoimmune ang kanyang mga sakit.
Reactions to medicines
May mga kasong dulot ng vasculitis ang matinding reaksyon sa iniinom na gamot para sa iba pang sakit, ayon sa mga eksperto.
Chronic infections
Kung may pangmatagalan o paulit-ulit na impeksyon mula sa hepatitis C o di kaya hepatitis B virus, maaaring humantong ito sa vasculitis.
Other rheumatic diseases
Puwede ring parte ang vasculitis ng iba pang kaparehong sakit, tulad ng:
- Systemic lupus erythematosus
- Rheumatoid arthritis
- Sjögren’s syndrome
Pero kung vasculitis ang pangunahing sakit, sabi pa ng mga ekspero, marami sa mga pasyente ay hindi nagkakaroon ng mga nasabing iba pang kondisyon.
Mga uri ng vasculitis
May iba-ibang uri ng vasculitis na umaatake sa iba-iba ring uri ng blood vessels, tulad ng mga ugat na puso na arteries.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosLargest arteries
Apektado ang pinakamalalaking ugat sa puso, gaya ng aorta at iba pang major branches:
- Giant cell arteritis
- Takayasu’s arteritis
- Aortitis in Cogan’s syndrome
- Aortitis in spondylarthropathies
- Isolated aortitis
Medium-sized arteries
Kung may kalakihan ang mga apektadong mga ugat, ganitong mga posibleng uri ng vasculitis:
- Kawasaki disease
- Polyarteritis nodosa
Small and medium-sized arteries
Kung parehong medium at small ang size ng mga ugat na apektado, puwedeng ganitong mga uri ng vasculitis:
- Antineutrophil cytoplasmic antibodies (ANCA)-associated vasculitis
- Granulomatosis with polyangiitis (former name: Wegener’s granulomatosis)
- Microscopic polyangiitis
- Eosinophilic granulomatosis with polyangiitis (Churg-Strauss )
- Primary angiitis of the central nervous system
Small arteries
Kung maliliit na mga ugat ang inaatake ng sariling immune system kaya nagkakaroon ng pamamaga, maaaring ganitong uri ng ng vasculitis:
- IgA Vasculitis (Henoch-Schönlein)
- Vasculitis related to rheumatoid arthritis, systemic lupus erythematosus and Sjögren’s syndrome
- Cryoglobulinemic vasculitis
- Anti-glomerlular basement membrane (GBM) disease o di kaya Goodpasture’s
- Drug-induced vasculitis
Arteries and veins of various sizes
Kung iba-iba ang laki ng mga ugat na apektado, puwedeng ganitong mga uri ng vasculitis:
- Behçet’s disease
- Relapsing polychondritis
Sabi pa ng mga eksperto, meron pang mga uri na vasculitis na dulot ng infection at cancer.
Samantala, ang uri ng vasculitis na meron si Kris Aquino ay Churg Strauss syndrome, na kilala na raw ngayon bilang EGPA. Aniya sa kanyang social media post, nasa "late stage 3" na ang kanyang karamdaman.
Isang hindi pangkaraniwang sakit ang Churg-Strauss syndrome, ayon sa National Organization for Rare Disorders (NORD). Maaari raw makaapekto ang sakit na ito sa marami o multiple organ systems, tulad ng lungs. Kadalasan daw tinatamaan ang mga taong may history ng allergy. Nasabi na noon ni Kris Aquino sa kanyang social media posts na maraming siyang allergies.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaliwanag ng NORD na kung nasa third phase o stage 3 na, tulad ng kaso ng Kris, tinatawag na itong vasculitic phase. Kumakalat na ang pamamaga ng blood vessels sa buong katawan at hirap na pagdaloy dugo.
Sabi naman ng American College of Rheumatology, ang pangunahing gamot sa vasculitis ay glucocorticoids. Kilala rin ang mga gamot na ito sa tawag na “steroids.” Ang problema sa kaso ni Kris, aniya "allergic po ako sa lahat ng steroids." Kaya kailangan nga raw siyang madala sa U. S. para masubukan ang iba pang treatment para sa vasculitis na mayroon sa ospital doon.
Basahin dito ang isa pang autoimmune disease na lupus.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments