-
Vitamins Sa Mata? Rekomendadong Inumin Ito Sa Ganitong Kondisyon
Sapat na ang nutrisyon mula sa pagkain para sa kalusugan ng mga mata.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Kabilang ang mga mata sa pinakaiingatan na parte ng katawan. Kaya naman panay ang saway ng mga magulang sa mga anak na huwag magbasa sa dilim at huwag magbabad sa gadget nang hindi masira ang mga mata. May paalala pang kumain ng kalabasa para luminaw ang paningin.
Vitamins sa mata
Sa panahon ngayon na halos may binebentang supplement para sa kalusugan ng iba-ibang parte ng katawan, marami ang nagtatanong kung meron din ba para sa mata.
May sagot si Dr. Frances Hope Yap, isang ophthalmologist na nakabase sa Dumaguete City, Negros Oriental. Aniya, "generally none," o walang vitamins na maiinom para sa pangkalahatang kalusugan ng mata.
Paliwanag ni Dr. Yap na aprubado at rekomendado lamang ang "vitamins for the eye" para sa mga pasyenteng diagnosed na mayroong mula moderate hanggang severe na sakit sa mata na may kinalaman sa pagtanda. Tinatawag ang kondisyon na ito bilang age-related macular degeneration (AMD).
Diin ng doktora na ang mga pasyente lamang ng AMD ang makakalasap ng benepisyo ng vitamins sa mata batay sa age-related eye disease study (AREDS) formula. Kombinasyon raw ito ng iba-ibang bitamina at iba pang nutrisyon.
Base sa updated guidelines ng United States National Eye Institute, ang AREDS 2, narito ang rekomendadong formula:
- 500 milligrams vitamin C
- 400 IU vitamin E
- 2 milligrams copper
- 80 milligrams zinc
- 10 milligrams lutein
- 2 milligrams zeaxanthin
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWVitamins sa mata mula sa pagkain
May mga paga-aral na nagsasabing makakatulong ang dietary supplements bilang proteksyon sa mga mata laban sa sakit. Pero kailangan pa ng mga mas masusing paga-aral, sabi ni Dr. Paula Anne Newman-Casey, isang glaucoma specialist mula sa University of Michigan Kellogg Eye Center sa United States.
Sabi naman ni Dr. Richard Gans, isang ophthalmologist, sa Cleveland Clinic, mainam na kumpleto sa bitamina hindi lang para sa mga mata bagkus sa buong katawan. Dagdag niya na maaaring makuha ang vitamins mula sa pang-araw-araw na pagkain o diet.
Makulay na gulay
Ang kalabasa (squash), halimbawa, ay sagana sa lutein at zeaxanthin. Dalawang uri ang mga ito ng antioxidants na tumutulong sa pagprotekta ng retina, na siyang parte ng mga mata na sensitibo sa paningin.
Hitik din ang kalabasa sa provitamin na beta-carotene, na kailangan para makakita sa dilim o night vision. Tumutulong din ang beta-carotene sa iron metabolism, pati na sa kalusugan, proteksyon (immunity), at paglago ng balat (skin) at mucuous membrane.
Isa pa ang carrot na mainam para sa mga mata. Mayaman kasi ito sa vitamin A, na mahalaga rin sa retina metabolism. Paalala lang ni Dr. Gans na hindi magic ang hatid ng carrot para sa kalusugan ng mga mata.
Berdeng dahon
Ang mga tinatawag na green leafy vegetables ay kilala sa mga bitamina at nutrisyong nagbibigay benepisyo sa mga mata at buong katawan. Kabilang sa mga ito ang lutein, zeaxanthin, beta-carotene, omega-3 fatty acids, at zinc, patin na vitamins A, C at E.
Ilan sa mga green leafy vegetables ang spinach, kale, mustard greens, at marami pang iba. Maaaring gawing salad ang mga ito o di kaya sahog sa mga lutuin, pati na bilang inuming juice o shake.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMatabang isda
Mayaman ang fatty fish sa omega-3, na hatid ay maraming benepisyo sa mga mata at ibang parte ng katawan. Maaaring makatulong ang omega-3 fatty acids na mabawasan ang panganib ng high eye pressure, na posibleng maging sanhi ng glaucoma. May tulong din daw ito sa pagpigil ng dry eye syndrome, kung saan hindi gumagawa ang mga mata ng sapat na luha.
Ilan sa mga isdang ito ang kadalasang kinakain ng mga Pinoy, tulad ng sardinas at mackerel. Dagdag pa diyan ang salmon, bluefin tuna, at anchovies.
Mga mani at buto
Hitik din sa omega-3 fatty acids ang nuts at seeds, gaya ng flaxseed oil at walnut. Ang isang uri ng fatty acids na ito, ang docosahexaenoic acid (DHA) ay may malaking papel na ginagampanan sa pagpapababa ng pamamaga (inflammation) sa katawan. Matuturing din itong vitamins sa mata dahil tumutulong ito sa paghilom ng retina mula sa pinsalang dulot ng pagbabad sa sinag ng araw at pag-abanse ng edad.
Basahin dito tungkol sa bukol sa mata at dito para sa gamot sa nagluluhang mata.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments