flu,Tagalog,cluster,trangkaso,greener,antibiotic para sa trangkaso,Antibiotic Para Sa Trangkaso | Smart Parenting,Health, Health Conditions, Infectious Diseases, flu, influenza virus, flu medicine, antibiotic para sa trangkaso, trangkaso, gamot sa trangkaso,Nagkakasundo ang mga doktor at eksperto sa pagsasabing hindi kailangan ng antibiotic para sa trangkaso, lalo na sa bata, dahil hindi bacteria ang sanhi nito.
HealthYour Kid’s Health

Makakatulong Ba Ang Antibiotic Para Sa Trangkaso? Ito Ang Sagot Ng Mga Eksperto

May mas tamang paraan para bumuti ang pakiramdam.
PHOTO BYFreepik

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Kapag pabago-bago ang panahon, tumataas ang tyansang maging masama ang pakiramdam, lslo na sa mga bata. Nariyan ang pagsakit ng ulo, pagkakaroon ng sipon, at pagkati ng lalamunan, hanggang sa lagnatin at trangkasuhin.

Para gumaling kaagad, kadalasang umiinom ng gamot kung hindi umuubra ang home remedies. Meron ding nag-iisip ng antibiotic para sa trangkaso. Pero ito ba ang tamang gawin?

Mga dapat malaman tungkol sa trangkaso

Tinatawag ang trangkaso sa English na flu, at isa itong nakakahawang sakit ng respiratory system, ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Sanhi ang flu ng influenza viruses na nagdudulot ng impeksyon sa ilong, lalamunan, at, kung minsan, ang mga baga (lungs). Maaaring mild ang pagkakasakit ng trangkaso, pero puwede rin daw umabot sa severe case at pagkasawi pa ng pasyente.

Napakaraming uri ng influenza viruses, sabi pa ng CDC. Pero may dalawa lang pangunahing uri ng human flu viruses: ang type A at ang type B. Ang mga ito ang sanhi ng tinatawag na seasonal flu na kadalasang laganap tuwing tag-lamig.

Madaling kumalat ang influenza viruses at magkahawaan ng flu, tulad din ng COVID-19. Naniniwala ang mga eksperto na kumakalat ang mga virus kapag ang pasyente ay umubo, bumahing, o kahit magsalita lang nang walang takip ang kanyang bibig at ilong.

Ang droplets mula sa kanyang bibig at ilong ang siya ngayong kakalat sa hangin at papasukin ang kasama ng pasyente sa kuwarto, lalo na kung wala rin itong suot na face mask.

Isa pang paraan ng pagkalat ng mga virus ay kung ang droplets mula sa bibig at ilong ng pasyente ay dumapo sa mga bagay. Hahawakan ang mga ito ngayon ng ibang tao at hahawakan naman nila ang kanilang ilong at bibig, at pati na mga mata.

watch now

Mga sintomas ng trangkaso

Hindi tulad ng sipon (common cold), sabi ng mga eksperto, bigla na lang aatake ang trangkaso. Kalimitang makakaramdam ka ng ilan sa mga ganitong mga sintomas ng trangkaso:

  • Lagnat (fever)
  • Panlalamig (chills)
  • Ubo (cough)
  • Pagsakit ng lalamunan (sore throat)
  • Pagbara ng ilong (clogged nose) o di kaya patulo ng sipon (runny nose)
  • Pagsakit ng katawan (muscle o body aches)
  • Pagsakit ng ulo (headache)
  • Pagkahapo (tiredness, fatigue)
  • Pagsusuka (vomiting)
  • Pagtatae (diarrhea)

Paliwanag ng mga eksperto na hindi lahat ng tinatrangkaso ay nagkakalagnat. Ang mga bata naman ang kadalasang nagkakaroon ng diarrhea at vomiting kapag meron silang flu. Kailangan ipatingin ang bata sa doktor kung may iba pa siya mga sintomas.

Maaaring lumala ang mga sintomas ng trangkaso, ayon kay Dr. Gyneth Lourdes Bibera, isang pediatrician. Kaya hindi dapat sabihin na "simpleng trangkaso" lang ito.

May mga bilin naman si Dr. Fatima Gimenez, isang pediatric infectious disease specialist, sa mga magulang na bantayan ang ganitong mga sintomas sa anak:

  • Kung napakataas ng lagnat ng bata, simula sa 39.4 C (103 F)
  • Kung ayaw kumain o uminom ang bata
  • Kung nagsusuka ang bata
  • Kung nagpapakita ang bata ng dehydration (tuyot na bibig, walang gana, pagiging iyakin)

Mga dapat gawin bilang gamot sa trangkaso

Kung may trangkaso ang anak, ikaw mismong magulang, o iba pang kasama sa bahay, mainam na agad pairalin ang isolation ng maysakit. Malaking tulong ito para maiwasan na kumalat ang influenza virus at mahawa pa ang buong kabahayan.

Dahil hindi muna papasok sa eskuwela ang bata, mahalaga na sabihan ang kanyang guro tungkol dito at alamin kung paano makakahabol sa mga assignment o activity.

Habang nasa isolation, siguraduhin na nakakapahinga ang bata. Bigyan siya ng gamot sa trangkaso, tulad ng paracetamol kontra sa lagnat at pananakit ng katawan. Napatunayang ligtas ang paracetamol para sa mga bata, sabi ng mga eksperto.

Pero kung wala pang dalawang buwan ang iyong anak, kailangan mo munang komunsulta sa doktor bago painumin si baby ng gamot. Kung lampas 2 months si baby, sabi pa ng mga eksperto, maaaring painumin si baby ng liquid syrup.

Kung lampas six years old naman, puwede na ang bata sa tabletas. Mahalaga na sundin ang instructions sa pagpapainum ng gamot sa iyong anak. Huwag na huwag dagdagan ang rekomendadong dosage kung para saan ang paracetamol.

Puwede ba ang antibiotic para sa trangkaso?

Hindi makakatulong ang antibiotics para gumaang ang pakiramdam kapag may trangkaso, ayon sa CDC. Ang antibiotics kasi ay panlaban lamang sa mga sakit na dulot ng bacteria o bacterial infection. Isang viral infection naman ang trangkaso.

Paliwanag pa ng CDC na maaaring magdulot lamang ng side effects ang antibiotics kung ipanggagamot ito sa trangkaso. Kabilang sa side effects ang minor issues, tulad ng rashes, at serious health problems, gaya ng antibiotic-resistant infections at C. diff infection.

Lubhang mahirap magamot ang antibiotic-resistant infections, samantalang nagiging sanhi ang C. diff infection ng malalang pinsala sa colon at pagkamatay. Kaya paalala ng mga doktor at eksperto na huwag basta-basta uminom o magpa-inom ng gamot, tulad ng antibiotic para sa trangkaso. Mas rekomendado nila ang flu vaccine kung paano maiiwasan ang trangkaso.

Basahin dito ang pagkakaroon ng trangkaso sa buntis.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close