-
6 Dapat Gawin Para Makaiwas Sa Trangkaso Habang Buntis
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Itinuturing na high risk group ang mga buntis sa pagkakaroon ng trangkaso at iba pang sakit. Ito ay dahil sa pagbabago ng immune, respiratory, at cardiovascular system na nangyayari sa panahon ng pagbubuntis. Ito ang nagiging sanhi na makakuha sila ng impeksyon o virus.
Kapag may trangkaso, karaniwang nakakaranasan tayo ng:
- Lagnat
- Giniginaw
- Pananakit ng ulo
- Pagkapagod
- Sipon
- Ubo
- Pananakit ng kasu-kasuan
- Pangangati ng lalamunan
- Hirap sa pagkilos
Kadalasan ding umaabot ng 7 hanggang 14 na araw ang sintomas ng trangkaso.
Ang mga sakit gaya ng sipon, ubo, at lagnat ay dala ng mikrobyo. Walang gamot na agarang magpapagaling sa sintomas nito. Ang tanging magagawa lamang ay makapagbigay ng lunas para maibsan ang nararamdanam.
Trangkaso sa buntis
Samantala, kanirawan naman na mainit ang pakiramdam ng buntis dahil sa pagbabago sa kaniyang katawan, gaya sa hormones at pagtaaas ng dami ng dugo. Pero isa sa mino-monitor din sa panahon ng pagbubuntis ang kaniyang temperature para matiyak kung may lagnat ito.
Ngunit kung napapansin mong hindi pangkaraniwan ang init ng iyong katawan at may iba pang sintomas na nararamdaman, agad na ipaalam ito sa iyong ob-gyn.
Ayon sa naunang artikulo ng Smart Parenting, ang normal na temperature ng hindi buntis ay nasa pagitan ng 36.5 °C at 37.5 °C. Ikinokonsidera na may lagnat ka kapag lalampas na sa range na ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPosibleng epekto ng trangkaso sa buntis
Nakababahala rin sa mga mom-to-be ang pagkakasakit dahil sa pag-iisip ng epekto nito sa kanilang baby. Gayundin sa puwede nilang inuming gamot na makatutulong para maibsan ang nararanasang mga sintomas na walang direktang magiging epekto sa kanilang ipinagbubuntis.
Subalit ang pagkakaroon ng sakit ng buntis ay maaaring makaapekto sa development ng baby. Posibleng magdulot ang pagkakaroon ng trangkaso ng problema sa neural tube at iba pang suliranin sa pag-develop ng baby sa sinapupunan ng buntis.
Bukod pa rito napapataas din nito ang tsansa ng:
- Maagang panganganak
- Premature baby
- Mababang timbang ni baby
- Pagkawala ni baby (miscarriage)
Paano makakaiwas sa trangkaso?
May mga paraan paano maiiwasan ang trangkaso:
Magpabakuna
Pinakamainam para maging protektado ka at ang iyong baby ay ang pagpapabakuna ng flu vaccine. Ito ay inirerekomenda sa kahit anong trimester ng pagbubuntis. Kahit ang nagpapaplano pa lamang mabuntis ay maaaring kumuha ng bakunang ito. Batay sa mga pag-aaral, ang buntis na may flu vaccine ay may mababang tsansa na magkaroon ng flu infection.
(Basahin dito kung bakit mahalaga at ligtas din ang COVID-19 vaccine para sa mga buntis.)
Ugaliin ang paghuhugas ng kamay
Bukod sa palagiang tamang paghuhugas ng kamay, mahalaga rin ang pagligo araw-araw para manatiling malinis at makaiwas sa mga mikrobyo o virus na nagdadala ng sakit.
Dalasan at damihan ang pag-inom ng tubig
Mapananatili nito ang tamang temperatura ng katawan at napananatiling hydrated ng katawan lalo na sa pakiramdam ng buntis na laging mainit.
Kumain ng masustansiyang pagkain
Kumain nang tama at sapat para manatiling malusog. Tiyaking balanse ang mga kinokonsumong pagkain at makatutulong sa pagpapalakas ng resistensya. Mainam din na ang makukuhang vitamin C ay sa mga prutas na mayaman nito. (Basahin dito ang mga dapat kainin ng buntis.)
CONTINUE READING BELOWwatch nowMag-ehersisyo nang regular
Tiyakin lamang na may pahintulot ng iyong ob-gyn ang pag-eehersisyo na gagawin. Kundi naman makasasapat na ang paglalakad-lakad o kaunting pagkilos o paggalaw. (Basahin dito ang exercise para sa buntis.)
Umiwas sa stress
Makabubuti rin ang pag-iwas sa stress o mga alalahanin para manatiling malusog. Makapapahinga nang mabuti at maayos. (Basahin dito ang epekto ng stress sa buntis.)
Dapat gawin kapag may trangkaso
May mga gamot sa trangkaso na safe para sa mga buntis. Ito ang karaniwang inirereseta ng mga doktor, gaya ng paracetamol. Pero huwag basta iinom din ng gamot na mabibili nang over-the-counter sa mga botika. Mahalagang ipaalam sa iyong ob-gyn ang anumang nararamdaman mo bago ka uminom ng anumang gamot.
Pero minsan nag-aalangan pa ring uminom ng gamot ang mga buntis. Nababahala sila kung may magiging epekto ito sa kanilang baby. Kaya naman, maaaring subukin ang mga home remedy na ito kapag nagkaroon ng trangkaso habang buntis.
Bago ang lahat pinakamahalagang gawin ng isang buntis ang pag-inom ng maraming tubig at pagkakaroon ng sapat na pahinga.
Sa kabilang banda, tingnan ang mga sintomas na nararanasan para ito ang lapatan ng tamang lunas:
1. Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin kung may nararamdamang panananakit ng lalamunan (basahin dito ang gamot para sa sore throat.
2. Gumamit ng nasal spray o saline nasal drops para gumaan ang pakiramdam sa paghinga.
3. Humigop ng mainit na sabaw, gaya sa chicken soup, para maibsan ang pamamaga at guminhawa ang pakiramdam.
4. Lagyan ng katas ng lemon o di kaya honey ang iinuming tsaa o ginger tea para sa pananakit ng lalamunan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW5. Maglapat sa noo ng hot or cold compress para mabawasan ang sakit na dulot ng sinus.
6. Maglagay rin ng humidifier para matulungan na mabawasan ang hirap sa paghinga o congestion.
Anumang kakaibang nararamdaman mo ay mahalagang ipaalam sa iyong ob-gyn. Huwag basta ipagwalang-bahala ang pagkakasakit habang buntis. Kapag kasi napabayaan ang mga sintomas na nararanasan ay posible itong lumala at higit na maging mapananib ang epekto sa iyo at sa iyong baby.
Tandaan na anumang sakit ay nagagamot basta may agaran at maayos na pagbibigay ng lunas sa mga sintomas na kaakibat nito, tulad ng trangkaso sa buntis.
--
Mga pinagkunan ng impormasyon
Cold and flu during pregnancy and breastfeeding
https://www.pregnancybirthbaby.org.au/cold-and-flu-during-pregnancy
What Temperature Is Considered A Fever In Pregnancy
https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/health-nutrition/pregnancy-fever-a1856-20201126
---
Basahin dito kung COVID-19 naman ang sakit habang buntis.
What other parents are reading

- Shares
- Comments