sp forum,pregnancy stress,greener,epekto ng stress sa buntis,Epekto Ng Stress Sa Buntis Ang Dapat Na Iwasan,epekto ng stress sa buntis, pregnancy stress, maternal stress, prenatal stress, stress,May masamang epekto ang stress sa buntis, kaya dapat itong iwasan.
PregnancyGetting Pregnant

Masama Ang Epekto Ng Stress Sa Buntis, Ayon Sa Maraming Pag-aaral

Dagdag stress pa ang dulot ng pandemic.
PHOTO BYShutterstock

Kapag nagdadalang-tao, lalo na kung sa unang pagkakataon, hindi maiiwasan na mag-alala sa kasalukuyang kondisyon at mangamba sa haharapin na responsibilidad bilang ina. Huwag lang hayaan na lubusang maramdaman ang epekto ng stress sa buntis.

Mga posibleng epekto ng stress sa buntis

May ilang studies na kasi ang nagpapatunay na posibleng makompromiso ang kalagayan ng buntis at kanyang baby kung labis ang kanyang stress. Ang kadalasang naaapektuhan nito ang placenta at ang paggana nito.

Hormonal/metabolic imbalances

Ang ano man uri ng stress, maging psychological man o sanhi ng pagkakasakit, ay nagpapakawala ng cortisol. Ito ang primary stress homone na nagpapataas ng sugar (glucose) levels sa bloodstream, nagpapatalas ng paggamit ng brain sa glucose, at nagpapadami ng substances para sa repair ng tissues.

Ang problema, ayon sa isang study, maaaring makarating ang cortisol sa placenta at maapektuhan ang enzymes na naroroon. Kapag bumaba ang expression ng mga enzymes sa human placenta, posibleng magdulot ito ng reduced birth weight ng baby at hypertension paglaki ng niya.

Pregnancy complications

Ang pinsala sa placenta at ang function nito ay puwedeng magdulot pa ng pregnancy complcations, tulad ng gestational diabetes at preeclampsia. Kaya sabi nga ng isang grupo ng researchers, "A lack of control and information makes stress worse. Things such as not knowing how long the stress will last and how intense the stress will be add to a pregnant woman's and new mother's stress levels."

Mental/physical illness

Kapag nakaranas ng stress ang buntis sa mahabang panahon, ayon sa isa pang study, tataas ang tyansa na magkaroon ng mental o di kaya physical illness ang baby paglaki nito. Kabilang sa mga ito ang attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) at iba pang anxiety traits.

Dagdag pa ng isa pang study, malaki ang posibilidad na ang mga baby ay magkaroon ng “significantly greater odds of developing a psychiatric disorder, particularly a mood disorder, later in life.”

Anong puwedeng gawin habang buntis

Ang pinakamainam ng gawin ng buntis, ayon sa mga eksperto, ay umiwas sa stress. Makakatulong ang meditation at yoga exercises para kumalma ang katawan at isipan. Huwag din daw mag-atubili na humingi ng tulong sa asawa o partner, maging sa mga kamag-anak at kaibigan kahit sa virtual na paraan.

watch now

Malaking tulong din daw na isama sa prenatal checkup ang mental health, sabi ni Vivette Glover, isang professor sa Institute of Reproductive and Developmental Biology sa Imperial College of London. Isa itong paraan para maiwasan ang epekto ng stress sa buntis.

Sabi ni Glover, na isang international expert pagdating sa usaping emotional state ng mga buntis, tama ang mga researcher sa pagsasabing "taking care of the emotional and social support needs of women during pregnancy is vital for the mental health and well-being of the next generation."

Dagdag stress dulot ng pandemic

Ngayong panahon ng COVID-19 pandemic, ang pangkaraniwang stress ng mga buntis ay nadagdagan ng takot na baka mahawa ng sakit pati na ang dinadalang sanggol. Kaya sinasabing vulnerable group ang mga buntis sa coronavirus infection. 

Bukod diyan, may dagdag stress din ang panangangak dahil sa health crisis. Punuan na ang mga ospital dahil sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 at may ilang maternity ward ang na-convert para ma-accommodate ang mas maraming pasyente. (Basahin dito ang karanasan ng isang mommy.)

Kaya payo ng mga eksperto na maagang magplano ang mga buntis at kanilang asawa o partner para sa araw ng panganganak. Mahigpit kasi ang pagpapatupad ng health protocols sa mga ospital. Hindi na pinapayaan na may kasama ang buntis sa delivery room, kaya makakatulong kung handang ang loob ng buntis at buo ang suporta ng asawa o partner.

Saad ng isang grupo ng scholars tungkol sa prenatal at postnatal stress: "A robust social support network is critical; friends and family are needed as new parents become exhausted and vulnerable to postpartum depression." Kailangan lang daw talagang hanapan ng paraan para maiwasan ang epekto ng stress sa buntis.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close