embed embed2
  • Paano Kung Ikaw Naman Ang May Sakit? 6 Panggamot Sa Trangkaso Na Rekomendado Ng Doktor

    Kailangan bigyan pansin mo rin ang iyong kalusugan.
    by Jocelyn Valle . Published Jan 14, 2022
Paano Kung Ikaw Naman Ang May Sakit? 6 Panggamot Sa Trangkaso Na Rekomendado Ng Doktor
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Natural sa mga magulang na unahin ang kapakanan ng mga anak. Pero kapag may trangkaso sintomas nang nararamdaman, tulad ng lagnat (fever) at sipon (common cold), mainam na bigyan muna ng pansin ang iyong kalusugan. May mga mabisang paraan bilang gamot sa trangkaso na kailangan mong gawin kaagad.

    Bilin lang ng mga health experts ngayong panahon ng pandemya na gawin ang home quarantine kaagad kapag may kahit anumang sintomas at saka kumuha ng test para malaman kung infected ka ng COVID-19 virus. Sa ganitong paraan maiiwasan ang pagkalat pa ng sakit.

    Kung positive ka na o negative naman, kailangan mong magpagaling sa masamang pakiramdam. May mga rekomendasyon si Dr. Remy Tahil, isang general practitioner at mom of 4, na mga subok ng paraan.

    Mga dapat gawin bilang gamot sa trangkaso

    Tinatawag ang trangkaso sa English na flu, at isa itong nakakahawang sakit ng respiratory system, ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC). Sanhi ang flu ng influenza viruses na nagdudulot ng impeksyon sa ilong, lalamunan, at, kung minsan, ang mga baga (lungs). Maaaring mild ang pagkakasakit ng trangkaso, pero puwede rin daw umabot sa severe case at pagkasawi pa ng pasyente.

    Gawin ang self-quarantine

    Ang unang mong gawin ay ihiwalay ang iyong sarili sa mga kasama mo sa bahay nang hindi sila mahawa. Kung hindi maiiwasan na may pumasok sa kuwarto o quarantine space mo, kailangan mong magsuot ng face mask pati na ang iyong bisita.

    Naniniwala ang mga eksperto na kumakalat ang mga virus kapag ang pasyente ay umubo, bumahing, o kahit magsalita lang nang walang takip ang kanyang bibig at ilong. Ang droplets mula sa kanyang bibig at ilong ang siya ngayong kakalat sa hangin at papasukin ang kasama ng pasyente sa kuwarto, lalo na kung wala rin itong suot na face mask.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Uminom ng paracetamol

    Kilala ang paracetamol bilang acetaminophen, lalo na sa United States. Isa ito sa mga gamot na malimit ginagamit at sinasabing "standard antipyretic and analgesic" para sa mild at moderate na pagkakasakit na may kasamang lagnat at kirot.

    Tinatayang pito sa sampung Pinoy ang nagsasabing subok na nila para saan ang paracetamol, tulad ng lagnat at pananakit ng katawan. Nitong pandemya, nagkaubusan ng paracetamol sa maraming botika dahil sa dami ng nagkakasakit (basahin dito).

    Sinasabing ligtas inumin ang paracetamol kahit buntis o nagpapadedeng nanay. Maaari itong inumin kahit meron o walang laman ang tiyan. Pagkatapos inumin ang gamot, gagana ang bisa nito hanggang isang oras.

    Paalala ng mga eksperto na mula isa hanggang dalawang tabletas ng 500 mg ang puwede sa isang inuman at hanggang apat na inuman sa loob ng 24 oras. Pero maghintay muna raw ng apat na oras bago uminom ulit ng paracetamol.

    Huwag na huwag daw doblehin ang rekomendadong dosage para bumilis gumaling ang sakit nang maiwasan ang paracetamol overdose. Hindi ka puwedeng uminom ng higit sa walong tabletas sa loob ng 24 oras. Hindi ka na rin puwedeng uminom kung may iniinom ka nang iba pang gamot na may sangkap na paracetamol.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Gawin ang cold compress

    Kung may lagnat ka, base sa body temperature mula 37.5, maglagay ng basang bimpo sa iyong noo nang maibsan ang init. Kung mas mataas pa ang body temperature at ramdam mong inaapoy ka na ng lagnat, gumamit ng malamig na tubig para basain ang bimpo. Ipatong ang bimpo sa noo at saka ulo, pati na sa leeg at mga singit. Gawin ito ng ilang beses habang nakahiga at hanggang makatulog.

    Humigop ng mainit na sabaw

    Nakakaluwag ng pakiramdam ang mainit na sabaw, lalo na kung may sangkap itong luya, sa baradong ilong at naninikip na dibdib. Maaari ka ring uminom ng mainit na tsaa, gaya ng salabat o ginger tea, nang matanggap ang maraming benepisyo ng luya sa katawan. Isa pa ang turmeric tea para sa luyang dilaw benefits. Timplahan ang tsaa para sa dagdag benepisyo ng honey sa katawan.

    Dalasan ang pag-inom ng tubig

    May hatid ding ginhawa ang pag-inom ng tubig, maging mainit man ito o room temperature. Puwede ka ring uminom ng fruit juice, gaya ng gawa sa bagong katas ng kalamansi, dalandan, o di kaya lemon. Mainam din siyempre ang pag kain ng fresh na mga prutas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magpahinga

    Kahit masama ang pakiramdam at hindi makabangon, mahirap pa rin sa magulang na makapagpahinga nang husto dahil sa dami ng iniisip tungkol sa mga anak. Pero isipin mo na lang na mas bibilis ang iyong paggaling at makapiling muli ang mga anak kung ipapahinga mo muna ang iyong katawan. Subukan mong gawin ang yoga breathing o huminga ka lang nang malalim upang kumalma ang iyong katawan at isip. Malaking tulong din iyan bilang gamot sa trangkaso.

    Para sa iba pang home remedies, lalo na para sa mga bata, basahin dito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close