sore throat,Tagalog,ask the doctor,greener,gamot para sa sore throat,Gamot Para Sa Sore Throat | Smart Parenting,sore throat, throat, gamot para sa sore throat, gargle solution, COVID-19, makating lalamunan, masakit na lalamunan,Gamot para sa sore throat ang hanap ng karamihan, lalo na't isa ito sa mga sintomas ng COVID-19.
HealthYour Health

Masakit At Makating Lalamunan? May Iba-Ibang Gamot Para Sa Sore Throat Na Puwedeng Subukan

Merong gargle solution na napatunayang epektibo sa mga pasyente ng COVID-19, kahit suspetsa pa lang.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Bagamat sinabi kamakailan ng World Health Organization (WHO) na nakikita na nila, o "in sight," ang katapusan ng COVID-19 pandemic, hindi nangangahulugang wala nang magkakasakit ng viral disease na ito.

Katunayan sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH), tinatayang mula 4,000 hanggang 8,000 katao ang magkakasakit ng COVID-19 sa katapusan ng October 2022. Ito ay kung lalo pang mabawasan ang pagsunod sa minimum public health standards (MPHS), tulad ng pagsusuot ng face mask at pagpapatupad ng social distancing.

Kaya naman mainam na maging alerto pa rin sa mga sintomas ng COVID-19, gaya ng makating lalamunan at masakit na lalamunan, o sore throat, at laging maghanda, halimbawa, ng gamot para sa sore throat.

Mga dapat malaman sa sore throat

Ang sore throat ay ang pamamaga ng lalamunan na nagdudulot ng pananakit, pangangati, o di kaya pagkairita sa parteng ito ng katawan. Kadalasang nangyayari ang sore throat dahil sa madalas na pagpapalit ng panahon. Puwede rin itong sintomas ng allergy o allergic reaction. Marami pang ibang dahilan, sabi ng mga eksperto.

Infection hatid ng bacteria o di kaya virus

Pangunahing sanhi ng sore throat ang viral infection, sabi ng mga eksperto. Pero maaring maging sanhi rin ang bacterial infection. Ang infection na iyon ang dahilan ng pagsisimula ng pamumula o pamamaga ng lalamunan, pati na pag-ubo.

Ang mga karaniwang viral infection na nagdudulot ng makating lalamunan ay:

  • Sipon (common cold)
  • Tigdas (measles)
  • Bulutong (chickenpox)
  • Croup
  • Whooping cough (pertussis)
  • COVID-19

Allergic reaction

Maaring mangati ang lalamunan kapag nakalunok ka ng alikabok o nakakain ka ng pagkain na nagdudulot ng allergies. (Basahin dito ang tungkol sa common allergens.)

Gastroesophageal reflex disease (GERD)

Isa pang posibleng sanhi ng pangangati ng lalamunan ang GERD. Ito ang madalas na pagkakaroon ng acid reflux, na nagdudulot naman ng pag-init at tila pagsunog sa may lalamunan. Heartburn ang tawag diyan. Umakyat na kasi ang stomach acid pabalik sa dinaanan na nitong esophagus, o ang tubo na kumukonekta sa bibig at tiyan.

watch now

Bukod sa mga iyan, puwede ring magkaroon ng sore throat sa sobrang pagkapagod, madalas na pagsigaw, at iritasyon ng lalamunan dala ng init ng panahon. (Basahin dito para sa mga sintomas at gamot sa makating lalamunan).

Gamot para sa sore throat

May mga paraan bilang home remedy sa masakit na lalamunan at iba pang sintomas ng sore throat na nakasanayan nang gawin, tulad ng:

  • Pagmumog ng tubig na may asin (saline solution)
  • Pag-inom ng ginger at honey tea
  • Pagngata ng bawang
  • Pagsuob o steam inhalation

Bagamat nakakatulong ang mga ito para guminhawa ang pakiramdam, lalo na kung dadalasan ang pahinga at pag-inom ng tubig, wala talagang scientific basis para masabing gamot ang mga ito para sa sore throat.

Mainam pa rin na komunsulta sa doktor kung tumagal at lumala ang kondisyon para matukoy ang tunay na dahilan. Kung GERD o allergies ito, kailangan ng payo ng doktor.

Para sa sore throat na sanhi ng virus at bacteria, kadalasang nirerekomenda ng mga doktor ang over-the-counter na gamot:

  • Pangmumog o gargle solution—tulad ng hexetidine, povidone iodine, benzydamine hydrochloride, benzydamine chlorhexidine
  • Nasal spray
  • Lozenge

Para sa sore throat na sintomas ng COVID-19, kumpirmado o kahit suspetsa pa lang, lumabas sa isang paga-aral, o study, na malaking tulong ang benzydamine chlorhexidine. Ito ang generic name ng gargle solution brand na Difflam-C.

Isinagawa ang study ng University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMMC) Research team. Inobserbahan nila ang mga 219 na kalahok mula November 2021 hanggang February 2022.

Inilatag ang mga detalye at resulta ng study sa media roundtable na inorganisa ng iNova Pharma Philippines Inc., ang kumpanyang gumagawa ng Difflam-C gargle solution.

Doon nagbigay ng paliwanag si Dr. Jennifer M. Nailes, MSPH, ang nanguna sa paggawa ng study at siya ring vice-president for research ng UERMMMC. Nagpaliwanag din si Dr. Roberto Salvino, ang medical director ng iNova Pharma Philippines Inc.

Anila, ang 219 kalahok sa paga-aral ay:

  • May edad mula 18 hanggang 59
  • 64.8% ang kababaihan
  • 95% ang bakunado laban sa COVID-19
  • Kumpirmadong pasyente ng COVID-19, kahit suspetsa pa lang dahil nagkaroon ng exposure sa taong tinamaan ng virus
  • Walang hypersensitive sa mga gamot na benzydamine o di kaya chlorhexidine
  • Hindi gumamit ng iba pang gamot, tulad ng povidone iodine, hexetidine, chlorine dioxide, carbenoxolone, dichlorobenzyl alcohol, amylmetacresol, hexylresorcinol, xylitol, o di kaya cetylpyridinium, sa loob ng 48 oras bago sinimulan ang study.
  • Komunsulta sa kani-kanilang mga doktor sa pamamagitan ng face-to-face appointment o di kaya sa telemedicine sessions

Sinabihan ang mga kalahok na gawin ang mga sumusunod:

  • Magmumog ng Benzydamine + Chlorhexidine solution mula 30 segundo hanggang 1 minuto
  • Ulitin ang pagmumog kada 1.5 oras hanggang 3 oras, base sa instruction sa pakete ng gargle solution
  • Sundin ang mga hakbang sa loob ng 7 araw
  • Pagkatapos ng 7 araw, isang beses kada araw na lang ang pagmumog

Sabi ni Dr. Nailes, inobserbahan nila ang mga kalahok sa loob ng 14 araw. May mga nagsabing bumuti ang kanilang pakiramdam sa unang araw pa lang ng study. Pero ang karamihan ay nagsabing bumuti ang kanilang pakiramdam sa ikalimang araw.

Kaya masasabi ng mga researcher na epektibo ang Benzydamine + Chlorhexidine gargle solution bilang gamot para sa sore throat ng mga kalahok sa study na may COVID-19, kumpirmado man o suspetsa pa lang.

Paliwanag ni Dr. Salvino na ang benzydamine ay may tatlong kakayahan, o properties: anti-inflammatory, analgesic, at anesthetic. Meron namang antiseptic property ang chlorhexidine. Kaya naiibsan ang pananakit at pangangati ng lalamunan, pati na ang iba pang sintomas ng sore throat.

Basahin dito ang home remedies para sa COVID-19 symptoms sa mga bata.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close