;
embed embed2
  • Hindi Umuubra Ang Home Remedy Sa Masakit Na Lalamunan? May Mabisang Gamot, Sabi Ng Doktor

    Viral o di kaya bacterial infection ang kadalasang sanhi ng sore throat.
    by Jocelyn Valle .
Hindi Umuubra Ang Home Remedy Sa Masakit Na Lalamunan? May Mabisang Gamot, Sabi Ng Doktor
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Isa sa pinakapangkaraniwang karamdaman ang makating lalamunan o di kaya masakit na lalamunan. Iba-iba kasi ang sanhi nito pero halos pare-pareho ang gamot sa makating lalamunan at gamot sa masakit na lalamunan. Meron ding home remedy sa masakit sa lalamunan at makating lalamunan.

    Kabilang ang mga karamdamang ito sa mga sintomas ng sore throat, ayon kay Dr. Teresa Cruz, isang otorhinolaryngologist na espesyalista sa ear-nose-throat (ENT). Dagdag pa diyan ang pamumula sa likurang bahagi ng bibig, pamamaos, at pag-ubo.

    Nagbigay ng paliwanag si Dr. Cruz sa virtual media roundtable discussion tungkol sa sore throat, na inorganisa ng pamunuan ng Bactidol oral antiseptic solution brand. Aniya, ang sore throat ay isang "year-round ailment" hindi lamang para sa mga Pinoy bagkus sa kung sinoman sa buong mundo.

    Mga dapat malaman tungkol sa sore throat

    Batay sa nararamdamang sintomas, sabi ni Dr. Cruz, maaaring matukoy ang sanhi ng sore throat nang mabigyan ng tamang tugon para dito.

    Infection at iba pang sanhi

    Infection, mula sa virus o di kaya bacteria, ang kadalasang sanhi ng sore throat. Pero may iba pang pinagmulan ng sore throat, tulad ng:

    Allergy—kung lamang ang kati kesa kirot sa lalamunan, posibleng nagkaroon ka ng exposure sa allergen o irritant

    Vocal/muscle fatigue—kung napasabak sa malimit at matagal na paggamit ng boses sa nakaraang ilang araw, gaya ng ginagawa ng singers o di kaya call center agents

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Acid reflux—kung nakakaramdam ng pagsakal o iritasyon sa lalamunan, lalo na kung napadami ang inom ng kape o iba pang mga inumin na bawal sa acidic na inumin at pati na pagkain

    Sinusitis—kung barado ang ilong kahit walang sipon at napipilitang huminga sa bibig maging sa pagtulog, maaaring makaramdam ng sore throat pagkagising

    Throat irritation—kung napadami ng kain ng chocolate, halimbawa, sa gabi at hindi uminom ng tubig, puwedeng magising ka na sumasakit ang lalamunan

    Posibleng senyales ng seryosong sakit

    Kapag hindi naagapan o pinabayaang lumala ang sore throat, maaaring tumuloy ito sa ganitong mga mas nakababahalang kondisyon:

    Serious infection—isang halimbawa nito ang bacterial infection of the tonsils, na maaari namang magdulot ng acute rheumatic fever o di kaya rheumatic heart disease

    Airway compromise—posibleng may pagbabara sa lalamunan, gaya ng nana (pus/abscess) mula sa namamagang tonsils, kaya hindi maayos ang pagdaloy ng hangin para makahinga nang maaayos

    Throat tumor—maaaring senyales ang sore throat ng pagtubo ng bukol o tumor sa lalamunan, kaya kailangang imbestigahan ito

    Paano nagagamot ang sore throat

    May mga paraan bilang home remedy sa masakit na lalamunan at iba pang sintomas ng sore throat na nakasanayan nang gawin, tulad ng:

    • Pagmumog ng tubig na may asin (saline solution)
    • Pag-inom ng ginger at honey tea
    • Pagngata ng bawang
    • Pagsuob o steam inhalation

    Bagamat nakakatulong ang mga ito para guminhawa ang pakiramdam, lalo na kung dadalasan ang pahinga at pag-inom ng tubig, wala talagang scientific basis para masabing gamot ang mga ito para sa sore throat. Mainam pa rin na komunsulta sa doktor kung tumagal at lumala ang kondisyon.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Para sa sore throat na sanhi ng virus at bacteria, kadalasang pinapayo ng mga doktor tulad ni Dr. Cruz ang pagmumog ng hexetidine. Isa itong antiseptic solution na subok nang mabisa laban sa sore throat, lalo na kung paumpisa pa lang ito. May ilang brand name ang hexetidine, kabilang na ang Bactidol.

    Mabisa ang hexetidine, ayon kay Dr. Cruz, sa iba pang uri ng sore throat, gaya ng strep throat. Sanhi ang strep throat ng bacterial infection, na maaaring magtuloy sa mas malalang kondisyon na acute tonsilopharyngitis.

    Ligtas ang pagmumog gamit ang hexetidine sa mga buntis at nagpapadedeng nanay, pati na sa mga may sakit sa thyroid, tulad ng hypothyroidism at hyperthyroidism. Malaking tulong ito sa iyong paggaling, lalo na kung hindi na umuubra ang home remedy sa masakit na lalamunan at iba pang sintomas ng sore throat.

    Basahin dito para sa gamot sa makating lalamunan at dry cough home remedy.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles