embed embed2
8 Senyales Na Nagsasabing Dalhin Ang Anak Sa Ispesyalista Para Sa Autism Spectrum Disorder
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kung naga-alala ka na baka senyales ng autism ang napapansin mong kakaiba sa iyong anak na toddler, mainam na sabihin ito sa kanyang pediatrician. Pagkatapos, maaaring irekomenda ng doktor na sumangguni sa developmental pediatrician para sa mas tiyak na diagnosis.

    (Basahin dito ang mga signs of autism na napansin ni Aubrey Miles sa kanyang ikatlong anak na si Rocket.)

    Ang autism, o autism spectrum disorder (ASD), ay isang neurological at developmental disorder. Ibig sabihin, may kinalaman dito ang nerves at nervous system, pati na ang pag-unlad na naaayon sa edad lalo na sa mga bata mula edad dalawang taon. Isa rin itong spectrum kaya mas malawak ang sakop nito.

    Nakakaapekto ang ASD, ayon sa United States National Institute of Mental Health, sa pakikitungo (interaction) at pakikipag-usap (communication) sa ibang tao (interaction). Idagdag pa ang kakayahang matuto at kumilos nang tama.

    Mga unang senyales ng autism

    Mahalaga na regular ang pagdala ng magulang sa kanyang anak sa doktor ng bata na general pediatrian, ayon kay Dr. Marcelino Reysio-Cruz III, na isa namang developmental pediatrician. Nagbigay siya ng paliwanag sa panayam niya noon sa Smart Parenting.

    Paliwanag ni Dr. Reysio-Cruz na nagsasagawa ng developmental surveillance ang general pediatrician sa bata sa bawat checkup nito. Kaya kapag may napansing kakaiba ang general pediatrician, kaagad nitong irerekomenda ang pagkonsulta sa developmental pediatrician.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito ang ilan sa mga senyales na kadalasang nagiging basehan ng general pediatrican na irekomenda ang developmental pediatrician para sa batang may edad 18 months:

    Social at emotional

    • Wala o di kaya limitado ang eye contact na binibigay ng bata
    • Hindi sumasagot kapag tinatawag ang bata sa kanyang pangalan
    • Limitado ang atensyon sa pretend play at imitation
    • Hindi nagtuturo sa mga tao at bagay na kilala ng bata o di kaya kapag may gusto siyang kunin

    Speech at language

    • Hindi hihigit sa tatlo ang nasasabing mga salita
    • Hindi naiintindihan ang salitang "no"

    Physical

    • Kailangan ng tulong sa paglalakad
    • May pinapaboran na kamay (kanan o di kaya kaliwa), at iyon lamang ang ginagamit sa pag-abot ng bagay na malapit sa kanya

    Dagdag ni Dr. Reysio-Cruz, maaari ring magsagawa ang general pediatrician ng close followups o di kaya pati na diagnostic tests. Kabilang dito ang formal hearing test, vision screen, at electroencephalogram (EEG) na siyang susuri sa brain activity ng bata.

    Pansin niya rin na may ideya na ang mga magulang tungkol sa magiging diagnosis sa kanilang anak at nais lang makatiyak mula sa espesyalista. (Basahin dito at dito ang listahan ng developmental pediatrician mula sa Autism Society Philippines.)

    Medical conditions na kaakibat ng autism

    Mas karaniwan sa mga batang nasa ASD ang magkaroon pa ng ibang kondisyong pangkalusugan (medical comorbidities), ayon sa medical article na nailathala sa World Journal of Clinical Pediatrics (WJCP) at United States National Library of Medicine (NLM).

    Narito ang ilan sa medical comorbidities na posibleng nararanasan ng batang may autism:

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Genetic disorders

    Kabilang ang:

    • Fragile X syndrome (FXS)
    • Down syndrome (DS)
    • Duchenne muscular dystrophy, neurofibromatosis type I (NF1)
    • Tuberous sclerosis complex (TSC)

    Ayon sa paga-aral, ang mga batang mayroon autism at FXS ay mas mataas ang insidente ng pagkakaroon ng social anxiety, intellectual disability, hyperarousal, repetitive behaviors, at iba pang FXS-related differences.

    Neurological disorders

    Kabilang dito ang:

    • Epilepsy
    • Macrocephaly
    • Hydrocephalus
    • Cerebral palsy
    • Migraine/headaches
    • Congenital abnormalities ng nervous system

    Sleep disorders

    Tinatayang 80 percent ng mga batang may autism ay may problema sa pagtulog, ayon pa sa medical article. Nagreresulta ito iba-ibang problemang pangkalusugan, gaya ng:

    • Hirap makatulog
    • Hindi makatulog na diretso ang likod sa kama
    • Biglang nagigising
    • Naglalakad habang tulog (sleepwalking)
    • Hirap sa paga-aral
    • Hindi mapakali at naglilikot (hyperactivity)
    • Hindi makabigay ng atensyon
    • Pagiging balisa (anxiety)
    • Pagiging agresibo

    Gastrointestinal (GI) disorders

    Tinatayang mula 46 percent hanggang 84 percent ng mga batang may autism ang nagkakaroon ng mga sakit sa tiyan at digestive system. Ilan sa mga ito ang:

    • Madalas na hirap sa pagdumi (chronic constipation)
    • Madalas na pagtatae (chronic diarrhea)
    • Gastroesophageal reflux (GER) o di kaya gastroesophageal reflux disease (GERD)
    • Pagkahilo na maaari may pagduduwal (nausea)
    • Pagsusuka (vomiting)
    • Utot nang utot (chronic flatulence)
    • Pananakit ng tiyan (abdominal discomfort)
    • Pagkakaroon ng ulcer
    • Colitis, kung saan namamaga ang inner lining ng colon
    • Inflammatory bowel disease (IBS)
    • May ayaw o hindi makain na pagkain (food intolerance)
    • Hindi lumalaki o lumulusog ang pangangatawan (failure to thrive)

    Read also: How A Mom Of A Child With Autism Helped Son Who Was Constipated

    Metabolic disorders

    Nagkakaroon ng problema sa panunaw ng pagkain (metabolism) simula sa kapanganakan, ayon pa sa medical article. Naobserbahan ang iba-ibang uri ng metabolic disorder sa mga batang may ASD. Mga halimbawa:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Mitochondrial disorders
    • Disorders of creatine metabolism
    • Selected amino acid disorders
    • Disorders ng folate o di kaya vitamin B12 metabolism
    • Selected lysosomal storage disorders

    Immune, autoimmune, at allergic disorders

    Karamihan sa mga batang may ASD ang nakakaranas ng persistent neuroinflammation, altered inflammatory responses, at immune abnormalities. Tinataya namang nasa 25 percent sa kanila ang mayroong immune deficiency at dysfunction. Mas mataas din ang bilang nila na may allergic disorders kumpara sa ibang mga bata.

    Mainam na bigyan din ng pansin ang iba pang medical conditions ng batang may autism, ayon sa mga eksperto, nang makatulong sa therapy na irerekomenda ng developmental pediatrician.

    Read also: Could Autism Risks Be Predicted Before Age One?

    What other parents are reading

     

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close