-
Ano Ang Chronic Diarrhea, Mga Posibleng Dahilan Sa Bata, At Dapat Gawin Ng Magulang
Pinakamalala ito sa acute diarrhea at persistent diarrhea.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Karaniwan sa mga bata ang pagtatae kung napadami ang kanilang kain, lalo na kung maling kombinasyon ng pagkain. Pero kung napapadalas o di kaya pabalik-balik itong nangyayari, baka hindi na lang simpleng pagtatae ang problema bagkus chronic diarrhea na pala.
Mga sintomas ng pagtatae sa bata
Para malaman ng magulang kung may diarrhea ang anak, lalo na kung napakabata pa at hindi masabi ang nararamdam, may payo si Dr. Marilou G. Tan. Sabi ng pediatric gastroenterologist sa isang talakayan, narito ang diarrhea symptoms na dapat bantayan:
- Madalas at matubig na pagdudumi
- Lubog ang bumbunan (sunken fontanelle)
- Lubog ang mga mata
- Walang luhang pumapatak sa mga mata kahit malakas ang iyak
- Hindi makaihi kaya madalang palitan ng diaper
- Kung umihi man, dark yellow ang kulay
- Uhaw na uhaw sa tubig
- Mabilis na paghinga
- Mabilis ang pagtibok ng puso
- Hindi mapakali at irritable
- Lubhang nanghihina
Kung hindi maagapan, maaaring mauwi ito sa chronic diarrhea.
Ano ang chronic diarrhea?
Isa ang chronic diarrhea sa mga klasipikasyon ng pagtatae o diarrhea, ayon sa Nationwide Children. Pinakamalala ito sa acute diarrhea (hindi aabot sa 7 araw na pagtatae) at sa persistent diarrhea (higit 7 araw na pagtatae). Kapag kasi chronic diarrhea, lampas sa 30 araw ang pagtatae. Kaya tinatawag din itong long-term diarrhea.
Walang pinipiling edad ang chronic diarrhea dahil kahit sino, maging sanggol (bilang newborn diarrhea) o matanda, maaaring tamaan nito. May hatid din itong mga kumplikasyon kung hindi maaagapan, ayon sa United States National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMga posibleng kumplikasyon sa bata:
Malabsorption
Ito ang nangyayari kapag hindi napupunta ang nutrisyon sa katawan ng bata kahit kumain pa siya ng mga masustansya. Ang resulta: nagkukulang ang katawan sa protein, calories, at vitamins. Sa kalaunan, nagiging malnourished ang bata.
Dehydration
Kapag panay ang pagdumi ng bata ng matubig (watery stool), nawawalan din siya ng tubig at electrolytes sa katawan. Maaaring magresulta ito sa kakulangan ng fluids, na sintomas ng dehydration.
Mga sanhi ng chronic diarrhea
Maraming posibleng dahilan kung bakit malala ang pagtatae ng bata, ayon sa American College of Gastroenterology. Nagmumula ito sa sakit na nagpapamaga ng mga bituka (inflammation of the bowel) o di kaya nagdudulot ng malabsorption.
Narito ng ilan sa mga pagkaraniwan o common causes ng chronic diarrhea:
Diarrhea following infection (post infectious diarrhea)
Ang infection tulad ng giardia ay maaaring magdulot ng chronic diarrhea.
Chronic nonspecific diarrhea
Apektado nito ang toddlers, at kadalasang nangyayari kapag nasobrahan sa pag-inom ng juice o mga katulad nga inumin. Kailangan lang itigil muna ang pag-inom ng ganoong mga inumin nang matigil din ang pagtatae ng bata.
Celiac disease (gluten intolerance)
May kinalaman ito sa hindi pagtanggap ng katawan sa gluten, na isang pamilya ng protina. Makikita ang gluten sa mga pangkaing mula sa butil (grains), tulad ng wheat, barley, at rye. Tumataas ang tiyansa ng pagkakaroon ng celiac diseases sa mga batang may type 1 diabetes at iba pang autoimmune diseases, pati na Down syndrome.
Inflammatory bowel disease (ulcerative colitis at Crohn disease)
Halimbawa ito ng sakit na nagdudulot ng pamamaga ng mga bituka (intestines) at puwede ring madamay ang colon na maaaring mauwi sa chronic diarrhea. Bukod sa pagtatae, may iba pang sintomas na mararanasan, gaya ng:
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos- Pangangayayat o hirap magdagdag ng timbang
- Kulang sa laki o hirap sa paglaki
- Pananakit ng tiyan
Lactose intolerance
Walang kakayahan ang katawan na tunawin, o gawin ang digestion, ang lactose. Isa itong uri ng asukal na makikita sa gatas at mga produkto mula sa gatas (dairy products). Kapag uminom ng gatas o kumain ng dairy products ang isang lactose intolerant, maaaring magresulta ito sa chronic diarrhea.
Bukod sa pagtatae, maaaring makaranas ng mga ganitong sintomas:
- Pananakit ng tiyan at pagkabundat (distention)
- Sobrang pagdighay
- Kabag
Irritable bowel syndrome (IBS)
Masasabing may IBS ang bata, pati na teenager at adult, kung madalas o pabalik-balik ang pananakit ng tiyan, at gumiginhawa lang ang pakiramdam kung dudumi. Pero kalaunan, gumagrabe ang sitwasyon at binabago ang bowel habit.
Diarrhea after antibiotic use (antibiotic associated colitis)
Kung nagdudulot ang pag-inom ng antibiotic (kailangang niresta ito ng doktor at iinumin nang tama) ng pagtatae, maaaring may kinalaman ito sa hindi pagbalanse ng "good" at "bad" bacteria sa bituka. Ang isang bacterium ay tinatawag na Clostridium difficile.
Food allergies
May mga pagkain na nagdudulot ng allergic reaction, at malalaman ito kung ang bata ay nagtatae. Idagdag pa ang ganitong mga sintomas:
- Pamamantal ng balat (skin rashes)
- Pananakit ng tiyan (abdominal pain)
- Hirap sa paglaki (poor growth) ng bata
- Pagkahilo at pagsusuka (nausea, vomiting)
Kailan dapat komunsulta sa doktor?
Kaagad ipatingin ang bata sa doktor kung:
- Nagtatae ng higit pa sa 24 oras
- May lagnat na 38 degrees Celsius pataas
- Grabeng pananakit ng tiyan
- Dumudumi na may kasamang dugo o di kaya maitim at may alkitran (tar)
- May senyales ng dehydration
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKailangang mabigyan ng lunas ang nararamdaman ng bata, ayon sa mga eksperto. Pero para magamot ang chronic diarrhea, kailangan munang malaman ang sanhi nito sa pamamagitan ng ganitong mga klaseng test:
- Stool test
- Blood tests
- Hydrogen breath tests
- Fasting tests
- Endoscopy
Kapag nagbigay ng diagnosis ang doktor, sisimulan na rin ang treatment. Halimbawa, magrereseta ng antibiotics para malabanan ang bacterial infection o di kaya iba pang gamot laban sa parasitic infections. Ipagbabawal naman ang mga pagkain o inumin na nagdudulot ng allergy o di kaya ayaw tanggapin ng katawan (intolerance).
Kung ang sanhi ng chronic diarrhea ay inflammatory bowel disease, maaaring magreseta ang doktor ng gamot at irekomenda ang surgery, pati na ang pagbabago sa kinakain ng bata.
Read also: Diarrhea: Causes, Treatment And Remedy At Home
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments