embed embed2
Kung Breastfed Man O Di Kaya Formula-Fed Si Baby, Mahalagang Mag-Ingat Sa Newborn Diarrhea
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Isa sa mga binabantayan ni mommy pagkatapos ipanganak si baby ay ang pagdumi ng sanggol. Tulad ng writer na ito, aniya, naalala ko sa mga anak ko noong baby sila titingnan kong mabuti ang kulay at anyo ng kanilang dumi, kung mayroon ba itong pagbabago. Tinitiyak ko ring regular silang nakadudumi. Puwede rin kasing nasosobrahan kaya dahil meron na palang newborn diarrhea.

    Alam naman nating nagbabago-bago ang pagdumi ng mga baby mula pagsilang hanggang paglaki. Batay ito sa kinakain ng ating mga baby mula sa pagdede ng breast milk, formula, at hanggang pag kain ng solid food. (Basahin dito.)

    Mahalagang bagay na nao-obserbahan ang dumi nila dahil maaaring may kaakibat na sakit kapag may hindi kanais-nais na pagbabago sa kanilang dumi. Karaniwan naman na mas malambot ang dumi ng mga baby kaysa sa matatanda.

    Kapag nagbuo-buo ito, maaaring kulang siya sa tubig o nakararanas ng constipation. Pero kapag napansing matubig ang kaniyang dumi at mas madalas ito (posibleng higit sa isa pagkatapos magdede o kumain) o di kaya nakakailan siyang pagdumi na basâ sa isang araw, maaaring senyales ito na may diarrhea siya.

    Mga sanhi ng newborn diarrhea

    Ang diarrhea sa mga baby ay karaniwan namang hindi tumatagal. Kadalasan, kusa rin itong nawawala. Maraming maaring sanhi ng diarrhea o pagtatae ng baby. Isa sa posibleng pinagmumulan nito ay ang pagkakaroon ng impeksyon na dala ng virus, bacteria, o parasite.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dahil mahilig magsubo ng kamay ang mga baby, kadalasan na makukuha nila ito sa paghawak sa mga bagay na marurumi. Kaya para maiwasan ang diarrhea sa mga newborn, binibigyan sila ng rotavirus vaccine para panlaban sa virus ng sakit na ito.

    Maaari ring maging sanhi ang mga sumusunod:

    • Allergy sa pagkain
    • Allergy sa gamot
    • Food poisoning

    Diarrhea sa breastfeeding baby

    Minsan mahirap matukoy ang diarrhea sa mga breastfeeding baby. Normal kasi sa mga ganitong baby na malambot o medyo basa ang kanilang dumi. Kulay dilaw ito pero minsan naman ay kulay berde.

    Ang mga breastfeeding baby rin ay may anim na beses kung magdumi sa isang araw. Hanggang sa magda-dalawang buwan sila, ang pagdumi nila ay pagkaraan na ng bawat pagdede. Pero kapag may biglaang pagtaas sa dami ng kanilang pagdumi at mas basâ ito, maaaring senyales na may diarrhea ang baby. Lalo na kapag tatlo o higit pa ang kaniyang naging pagdumi.

    Iba pang posibleng sintomas ng diarrhea ay kung may kasamang sipon, dugo, at may mas hindi kanais-nais na amoy ang kanilang dumi. Idagdag pa ang paghina sa pagdede, pagiging matamlay, at pagkakaroon ng lagnat.

    Kapag breastfeeding ang baby, maaaring naapektuhan siya ng diet o kinakain ng kaniyang mommy. Kaya paalala sa mga breastfeeding mom na baguhin ang diet kung sa tingin ninyo may kinakain kayo na nakaaapekto sa dumi ng iyong baby.

    Diarrhea sa formula-fed baby

    Bukod sa kadalasang sanhi ng constipation sa mga newborn baby ang formula milk, karaniwang nagdudulot din ito sa kanila ng diarrhea. Ang mga baby na may may cow’s milk allergy at lactose intolerance. Kailangan ikonsulta sa pediatrician ito upang mabigyan ng tamang payo sa ipaiinom na gatas sa iyong baby.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang mga baby na formula-fed ay dumudumi ng isa hanggang walong beses kada araw sa unang linggo. Sa katagalan, bumaba na ito sa isa hanggang apat na beses bawat araw hanggang sa magda-dalawang buwan sila. Ang dumi nila ay kulay dilaw at malapot gaya ng peanut butter.

    Kapag dumami ang bilang ng kanilang pagdumi sa bawat araw at mas basâ ito, posibleng nakararanas ng diarrhea ang iyong baby.

    Kabilang din sa diarrhea symptoms kung may kasamang sipon, dugo, at may mas hindi kanais-nais na amoy ang kanilang dumi. Gayundin kapag humina sila sa pagdede, naging matamlay, at may lagnat.

    Kapag may dalawang buwan na sila, karaniwang isa hanggang dalawang beses na lamang silang dumumi kada araw. Maaari ding isang beses pagkaraan ng isang araw.

    Diarrhea sanhi ng diaper rash

    Magdudulot din ng iritasyon sa puwet ng baby ang diarrhea at maaari itong maging sanhi ng diaper rash. Mainam na subukan ang mga sumusunod:

    • Iwasan ang paggamit ng baby wipes dahil makadaragdag ito ng iritasyon sa balat.
    • Mas mabuting punasan ng bulak na may tubig ang kanilang puwet o kaya ng mild soap at tubig.
    • Makatutulong din ang paglalagay ng diaper cream bago sila suutan ng diaper.
    • Iwasan ang paglalagay ng pulbos dahil makadaragdag lang ito sa iritasyon.

    Diarrhea sanhi ng dehydration

    Mabilis na ma-dehydrate ang newborn o mga sanggol nasa edad 3 pababa at madali rin silang magkasakit. Ito ay ayon sa Medline Plus health information ng United States National Library of Medicine. Kapag hindi sapat ang kanilang tubig sa katawan, magdudulot ito ng dehydration at magiging delikado ito para sa kanila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mapapansing dehydrated si baby kapag:

    • Wala nang halos tumutulong luha kapag umiiyak
    • Hindi na gaanong basâ ang kanilang diaper ng ihi
    • Mapapansin ang pagiging matamlay
    • Nagiging iritable o balisa
    • Tuyo ang mga labi at nagbabalat o nagsusugat na ito
    • Malalim ang mga mata
    • Malalim ang bunbunan

    Para maiwasan ang dehydration, ipagpatuloy ang pagpapasuso sa iyong baby. Kung formula-fed, baka kailangang magpalit na ng gatas. Maaaring isangguni sa iyong pediatrician ang pagpapainom ng Pedialyte o inuming nagtataglay ng electrolytes.

    Karaniwan na ipinapayo rin ng mga doktor sa baby na may diarrhea ang pagpapainom ng erceflora na kilalang probiotic. Ito ay nagtataglay ng Bacillus clausii na isang uri ng bakterya. Nakatutulong ito para dagdagan at patibayin ang normal flora ng gut.

    Pero huwag nang paabutin pa na ma-dehydrated na iyong baby bago pa ito ipatingin sa doktor dahil delikado na ang ganitong sitwasyon ng newborn diarrhea. Agad na ipakonsulta ang iyong baby kung napansin mong may pagbabago sa kaniyang dumi.

    --

    Mga pinagkunan ng impormasyon:

    Diarrhea in infants

    https://medlineplus.gov/ency/patientinstructions/000691.htm

    Diarrhea

    https://kidshealth.org/en/parents/diarrhea.html

    Diarrhea in Children

    https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/diarrhea-in-children

    Read also: Diarrhea Home Remedy Para Sa Bata

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles