-
Toddler 13 Warning Signs of Speech and Language Delay (Birth to 3 Years)
-
News Gelli de Belen's Secret to 21-year Marriage: Choose Your Spouse Well
-
Labor & Childbirth Dear Momma, Just Because You Had A C-Section Does Not Mean You Are Less Of A Mother
-
Baby A Dad Tells His Son About Wife's Sacrifices: 'Your Mother Is The Reason I Hold You Today'
-
Hindi Malayo Na Eczema Ang Mapulang Rash Sa Mukha Ni Baby
Alamin kung ano ito, mga sintomas, at pwede bang iwasan ang eczema.by Jocelyn Valle .

PHOTO BY iStock
Hindi biro ang pagkakaroon ng kakaibang kati sa katawan dulot ng skin condition tulad ng eczema. Alam ito ni Patti Grandidge-Herrera, isang event host at momprenuer, dahil nararanasan ito ng kanyang 1-year-old son na si Neo.
Nagkuwento si Patti bilang host ng press launch para sa Bepanthen itch-relief cream at moisturizer. Aniya, parte na ng kanilang diaper bag ang itch-relief cream para handa siya sa sandaling umatake ang pangangati sa kanyang anak.
Pinangunahan ni Patti ang panayam sa resource person na si Dr. Louie Lacno, ang senior medical adviser ng Bayer Pharmaceuticals na gumagawa ng Bepanthen products.
What other parents are reading
Ano ang eczema?
Ang clinical term para eczema ay atopic dermatitis at kung minsan ay mahahalintulad din sa skin asthma. Hindi ito nakukuha sa outside source na parang infection. Bahagi na ito ng sistema ng isang taong mayroong family history o genetically predisposed sa ganitong skin condition.
Paliwanag ni Dr. Lacno, “It’s similar to what happens if you have allergic rhinitis or asthma. In families, at times, you’ll notice that the parents may have asthma or the grandfather has asthma, or history of allergic rhinitis on either side of the family, or some allergic skin condition. That’s what usually happens.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCONTINUE READING BELOWRecommended VideosKadalasan ay nagsisimulang umatake ang eczema sa kabataan kahit sanggol pa. Minsan naman ay kapag lumaki at tumanda na siya. May mga bata ring lumalaki nang hindi nila dala ang skin condition at meron din namang hindi na ito nawawala habambuhay.
Symptoms at triggers ng eczema
Ayon kay Dr. Lacno, ang mga taong may eczema ay nagkakaroon ng dry patches, o parte sa balat na lubhang tuyot, na may hatid ding pamumula (intense redness), balikuskos (scales), at paltos (blisters). Ngunit ang pinakamalala dito ay ang sobrang pangangati.
Paliwanag niya, “More often it appears on infants and children sa mukha, and when they grow up and they don’t outgrow eczema. What happens is it appears more sa katawan...There’s no parang distinct feature that makes you say it’s adult eczema or child eczema. They appear the same, it’s just that the area more commonly sa katawan ng adults and face and scalp sa children.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDagdag pa ng doktor na dahil isang anyo ng allergy ang eczema ay may iba-ibang sanhi ng pag-atake nito, o tinatawag na trigger. Mahalaga na malaman kung ano ang trigger para maiwasan ang flare-up hangga’t maaari.
Kabilang sa mga common triggers ay allergens sa kapaligiran na sanhi ng allergic reaction, tulad ng air pollution, dust, at pollen. Kung allergic sa partikular na pagkain, puwede itong trigger. May kinalaman din ang stress.
Mainam na komunsulta sa duktor upang malaman kung eczema nga ang dahilan ng lahat ng sintomas.
Eczema treatment at flare-up prevention
Bagamat walang gamot para permanenteng mawala ang eczema, maaaring maibsan at maiwasan ang flare-up sa pamamagitan ng iba-ibang produkto para sa pangangati at pagkatuyot ng balat. Ang sikreto, ayon pa kay Dr. Lacno ay ang pagkakaroon ng “good routine to manage your condition,” at nagbigay siya ng ilang panuntunan para magawa ito.
- Iwasan ang trigger, o indibidwal na sanhi ng atake ng eczema.
- Gumamit ng gentle soap sa pagligo at paghugas ng kamay.
- Huwag isipin na nakakatulong ang anti-bacterial soap. Minsan kasi pinapatay nito pati ang good bacteria sa katawan kaya may pagkakataon ang bad bacteria na pumasok dahil wala ng proteksyon laban dito. Nagkakaroon tuloy ng pamamaga o inflammation sa katawan at naghuhudyat ng flare-up.
- Imbes na kuskusin ang balat gamit ang tuwalya pagkatapos maligo ay dampi lang sa balat (pat dry) kung walang oras hintaying matuyo ang katawan nang kusa (air dry).
- Pangalagaan ang balat sa pagkatuyot gamit ang moisturizing treatment pagkatapos na pagkatapos maligo o sa loob ng tatlong minuto.
- Bantayan ang stress level.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network