-
Hindi Kailangan Ang OTC Medicine Para Sa Sipon Ng Bata: 4 Na Mas Ligtas Na Paraan
Bukod sa viral infection, may iba pang dahilan kung bakit sinisipon.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Dahil walang pinipiling edad ang COVID-19, mainam na maging alerto sa anumang sintomas kahit sabihing sipon lang iyan sa bata. Rekomendado ng Department of Health (DOH) na gawin kaagad ang isolation at testing (basahin dito). Pero kung positive nga o negative naman, kailangan talaga ng gamot sa runny nose, halimbawa.
Mga dapat malaman tungkol sa runny nose
Sinasabing runny nose ang tuloy-tuloy na daloy ng sipon. Ang medical term para diyan ay rhinorrhea, ayon sa Stanford Children's Health. Nangyayari daw ang rhinorrhea kapag maraming excess fluid ang dumadaloy mula sa ilong.
Ang fluid o mucus na iyon ang tinatawag ng mga Pinoy na sipon kung malabnaw at malinaw pa. Pero kung malagkit at madilaw na, tinatawag na itong uhog. Maaari raw na paminsan-minsan lang nagkakaroon ng mucus at puwede ring madalas.
Paliwanag ng mga eksperto na normal ang paggawa ng fluid o mucus ng ilong at sinuses. Ito kasi ang nagpapanatiling basa o moist sa ilong, pero kadalasang dumadaloy ito pabalik sa lalamunan hanggang malunok pababa sa tiyan.
Narito ang ilang mga dahilan ng runny nose:
- Sipon at trangkaso, dahil napupuno ng mucus ang ilong at bumabara ito
- Pag-iyak, dahil dumadaloy ang luha mula sa mga mata hanggang sa ilong
- Malamig na klima, na kung minsan nagu-udyok sa katawan na mag-react sa pamamagitan ng sipon
- Impeksyon sa sinuses (makikita sa ilalim ng mukha) o di kaya ng adenoids (makikita sa likuran ng ilong)
- Allergic rhinitis, bilang reaksyon ng katawan sa allergens tulad ng pollen o dumi ng hayop
- Non-allergic rhinitis, bilang reaksyon ng katawn sa iritasyon mula sa usok, polusyon, malamig na panahon, mainit na pagkain, at iba pa
- Pamamaga o paglaki ng mga buto sa loob ng ilong (turbinates) dahil sa allergies o di kaya infections
- Pagkakaroon ng malalaking (large) adenoids ng bata
- Nasal polyps, o iyong singlaki ng ubas na tumutubo sa lining ng ilong
- May foreign object sa ilong, na aksidenteng nailagay ng bata
- Nasal cysts o tumors, kung isang ilong lang ang apektado
- Choanal atresia o piriform aperature stenosis, kung ipinanganak ang bata na nakasara ang likuran ng ilong (nasopharynx) dahil sa buto
- Deviated nasal septum, kung ipinanganak ang bata na ang kanan at kaliwang butas ng ilong ay hindi pantay ang buto at cartilage na naghihiwalay sa mga ito (nasal septum)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMga puwedeng gawin bilang gamot sa runny nose
Kadalasang kusang gumagaling ang rhinorrhea, sabi ng mga eksperto. Kaya hindi kailangan ng over-the-counter (OTC) medication para sa sipon, pati na sa ubo. Ito ang bilin ni Dr. Faith Buenaventura-Alcazaren, isang pediatrician.
Aniya, nakasanayan na ng mga magulang ang pagbibigay ng gamot kahit wala namang patunay na ligtas ang mga ito sa bata. Baka makaramdam lang daw ng side effects ang bata mula sa OTC medication. Sang-ayon dito ang isang pag-aaral na ginawa ng University of Queensland sa Australia (basahin dito).
Nauna nang sinabi ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) na hindi kailangan ng mga maliliit na bata ang mga nabibiling gamot. Kabilang diyan ang decongestants (phenylephrine), antihistamines (chlorpheniramine maleate and others), cough suppressants (dextromethorphan), at cough expectorants (guaifenesin).
Sundin ang guidelines, sabi naman ng American Academy of Pediatrics (AAP), para sa mga bata wala pang 7 years old. Lumabas daw kasi sa mga research na napakaliit lang ng benepisyong hatid ng mga gamot para sa mga maliliit na bata, at napalaki naman ng tyansang magkaroon ng side effects.
Ibayong pangangalaga ang kailangan ng bata mula sa magulang, sabi ng mga eksperto. Narito ang mga puwede mong gawin para sa anak na may sipon, maging congested man ang ilong o runny nose ito:
Dalasan at damihan ang pagpapainom ng tubig
Bukod sa tubig, subukan ang fresh fruit juice at iba pang healthy na inumin. Makakatulong ang mga ito sa pagluwag ng pakiramdam ng bata at makakaiwas siya sa dehydration.
Pahigupin ng mainit na sabaw
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMalaking tulog din ang mainit na sabaw sa pagpapabuti ng pakiramdam ng bata. May taglay kasi itong amino acid na sinasabing nakakaluwag ng pagbara sa ilong.
Siguraduhing nakakapahinga ang bata
Para mas gumanda ang pahinga at tulog ng anak, gumamit ng humidifier sa kanyang kuwarto. Lagyan ng mas mataas na unan ang likod ng kanyang ulo para elevated ito kapag nakahiga ang bata. Gawan din siya ng saline nebulization para lumuwag ang kanyang pakiramdam.
Ituro ang tamang pagpupunas ng ilong
Sabihan ang anak na mag-ingat sa pagpupunas ng ilong kapag tumutulo ng sipon. Ipaalala sa kanya na huwag masyadong dalasan ang pagpupunas at huwag kuskusin ang ilong. Nangyari kasi ito sa panganay nina Iya Villania at Drew Arellano na si Primo, na nagkasakit naman ng cellulitis (basahin dito).
Pero kung may iba pang sintomas ang bata, tulad ng lagnat at pananakit ng katawan, sabi ng mga eksperto, maaaring bigyan siya ng paracetamol na hindi gamot para sa runny nose lamang. Tandaan lang na sundin ang tamang dosage nang maiwasan ang paracetamol overdose.
Para sa pangangalaga ng batang may lagnat, basahin dito.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments