embed embed2
Puwedeng Iron Deficiency Ang Sanhi Ng Ilang Behavior Problems Sa Anak
PHOTO BY Shutterstock/Arlee.P
  • May rason kung bakit dapat kang mabahala sa pagiging maputla at matamlay ng iyong anak. Baka kasi kulang siya sa sustansya ng iron. Tinatawag ang kakulangan bilang iron deficiency, at maaaring makaapekto ito sa kalusugan at paglaki ng bata.

    Importante ang iron sa paggawa ng katawan ng hemoglobin, isang protina na tumutulong sa red blood cells na maghatid ng oxygen sa iba pang cells. Kapag hindi sapat ang red blood cells at daloy ng oxygen sa katawan, nagkakaroon ng problema sa dugo (blood disorder) na anemia.

    Mga sanhi ng iron deficiency

    Nagkukulang ang iron sa bata dahil sa ilang factors. Halimbawa, ang full-term newborn ay may imbak na iron mula sa huling tatlong buwan nila sa sinapupunan ng kanilang healthy moms.

    Pero kung si mommy ay may anemia o iba pang sakit, maaaring hindi maging sapat ang imbak na iron ng kanyang sanggol. Ganyan din ang kaso kapag napaaga ang kanyang panganganak o premature si baby.

    Pagtungtong ni baby ng 4 months, nagsisimulang mabawasan ang imbak niyang iron sa katawan. Malaki kasi ang papel na ginagampanan ng iron sa kanyang development.

    Ang older infants at toddlers ay maaari ring hindi sapat ang iron na nakukuha mula sa kanilang kinakain o iniinom. Kaunti lang kasi ang naa-absorb ng katawan na iron mula sa pagkain o inumin.

    Kadalasang mabilis ang paglaki ni baby at nakakaranas pa ng growth spurt. Kaya mataas rin ang demand para sa iron upang makagawa ng mas marami pang red blood cells.

    Kapag may abnormality sa gastrointestinal (GI) tract sa tiyan, nahihirapan ang upper small intestine ni baby na ma-absorb ang iron na mula sa pagkain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Senyales kapag kulang sa iron ang bata

    Bukod sa pagiging maputla at matamlay, may mga palatandaan pa na puwedeng senyales ng kulang sa iron:

    1. Madaling mapagod. antukin, at hingalin
    2. Mga kuko na madaling maputol
    3. Dila na mapula kesa sa normal
    4. Mga crack sa paligid ng bibig
    5. Paninilaw ng mata at balat
    6. Pag-itim ng ihi
    7. Mabilis na heart rate
    8. Pamamaga ng mga kamay at paa
    9. Pananakit ng ulo at pagkahilo
    10. Madalas magka-infection

    Behavioral symptoms ng iron deficiency sa bata 

    Ayon sa medical experts, malaki ang posibilidad na nakakaapekto ang iron deficiency ang pag-uugali ng bata. Ilan sa behavioral symptoms ay ang pagiging irritable at disruptive, pagkakaroon ng short attention span, at kawalan ng interes sa kanilang kapaligiran.

    Ang pagkain ng “strange non-food things” ay maaaring indikasyon din ng kakulangan sa iron. Pica ang tawag sa behavior ng batang kumakain ng mga bagay tulad ng yelo, papel, clay, cardboard, cornstarch, at pati na dumi o dirt at patuloy niyang ginagawa ito ng mga isang buwan. 

    Nagkaroon ng pag-aaral sa India na nagu-ugnay sa iron deficiency anemia sa mga batang mayroong behavioral disorders. Tumakbo ang research mula December 2006 hanggang March 2008 sa mga kalahok na 44 kabataang may edad mula 3 hanggang 12.

    Ayon sa research, “The presence of iron deficiency in children with behavioural disorders and subsequent improvement in clinical features, haematological profile and iron status suggests a possible causal relationship between iron deficiency and behavioural disorders.”

    Anong dapat gawin upang maiwasan ang iron deficiency

    Mainam na matignan kaagad ng doktor ang iyong anak na nagpapakita ng sintomas ng iron deficiency at mabigyan siya ng tests.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa Pilipinas, napag-alaman sa isa pang research, na pinakamataas ang prevalence ng iron deficiency anemia sa mga sanggol na edad 6 hanggang 11 months. Sumunod ang mga batang edad 12 hanggang 23 months. 

    Para tumaas ang iron levels sa dugo ng bata, reresetahan siya ng iron drops o supplement pills para inumin sa loob ng ilang buwan. Kinakailangan din niyang magkaroon ng diet na mayaman sa iron.

    Upang maiwasan ang iron deficiency, kumonsulta sa pediatrician. Narito ang maaaring ipayo ng iyong doktor:

    • Sundin ang routine anemia screening para sa mga bata.
    • Kung nagpapasuso, maaaring mag-prescribe ang doktor ng daily iron supplement pag tungtong ni baby ng 4 months.
    • Kung hindi nagpapasuso, siguraduhin na fortified with iron ang infant formula.
    • Huwag bigyan ng cow’s milk kung hindi pa lampas 1 year old ang bata.
    • Bigyan ang toddler at older kids ng pagkaing mayaman sa iron at vitamin C. Kabilang dito ang fortified cereals, egg yolk, beans, raisins, karne, at gulay.

     

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles