-
Toddler Puro Angal? This 3-Step Technique Can Stop Your Child’s Whining Effectively
-
Home From 'Dirty' To Chic! Pinay Mom Says She Is Cooking More, Thanks To This Kitchen Makeover
-
Real Parenting Mom Whose Toddler Has Speech Delay, ADHD Shares Expert-Approved 'Hack' To Help Kids Focus
-
Wellness A Long Family Vacation Is the Best Health Investment You Can Make
-
Huwag Maniwala sa mga Haka-Haka na ang MMR Vaccine ay Nagdudulot ng Autism
Ayon sa pinakahuling pag-aaral sa mahigit na 650,000 mga bata, walang relasyon ang MMR vaccine at autism.by Anna G. Miranda .

PHOTO BY iStock
Ang argumentong Measles-Mumps-Rubella (MMR) vaccine ang sanhi ng autism ay matagal nang ibinasura. Binawi na ito ng orihinal na nagsaliksik na nagsimula ng kontrobersiya. Napag-alamang “maraming pagkakamali at nakapanlilinlang” ang pag-aaral na iyun ngunit patuloy pa ring umiiral ang isyu.
Sa kasalukuyan, nagpapakita ng matibay na ebidensya ang malawakang pag-aaral na inilimbag sa Annals of Internal Medicine na hindi itinataas ng MMR vaccine ang posibilidad o panganib ng autism.
“Naniniwala kaming ang aming mga resulta ay nakapaghahain ng kumpiyansa at nakapagbibigay ng mapagkakatiwalaang impormasyon,” pahayag ng mga study authors nito.
What other parents are reading
Walang link sa pagitan ng MMR vaccine at autism
Sinuri ng mga mananaliksik ang impormasyon na nakolekta mula sa 657,461 kabataang ipinanganak sa Denmark sa mga Danish-born na ina mula 1999-2010 upang makita kung madaragdagan ng MMR vaccine ang risk ng autism sa kanila.
Mahigit na 95% ng mga bata ang nakatanggap ng bakuna, at 6,517 sa kanila ang na-diagnose na mayroong autism.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNatuklasan ng mga scientists na walang pangkalahatang napataas na panganib o risk ng pagkakaroon ng nasabing kondisyon sa mga nakatanggap ng bakuna kumpara sa mga hindi nabakunahan.
Wala ring increased risk sa mga batang maaaring “unusually susceptible to autism” o mabilis madapuan nito tulad ng mga ipinanganak sa mas may edad nang mga magulang, sa mga magaan o mababa ang timbang noong ipinanganak o ipinanganak na premature, o sa nagkaroon ng kapatid na mayroong autism.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosWhat other parents are reading
Pahayag ng unang author ng mga pananaliksik, ang epidemiologist na si Anders Hviid ng Staten Serum Institute sa Copenhagen, sa isang email sa NPR: “The idea that vaccines cause autism is still around despite our original and other well-conducted studies. Parents still encounter these claims on social media, by politicians, by celebrities, etc.” (Ang kaisipan o ideya na vaccines ang sanhi ng autism ay nariyan pa rin sa kabila ng ating orihinal at iba pang mahuhusay na naisagawang pag-aaral. Nakikita o nababasa pa rin ng mga magulang ang ganitong mga pahayag sa social media, mula sa mga politiko, celebrities, atbp.)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDagdag ni Hviid,“We felt that it was time to revisit the link in a larger cohort with more follow-up which also allowed for more comprehensive analyses of different claims such as the idea that MMR causes autism in susceptible children.” (Pakiramdam namin na oras na upang balikan ang ugnayan sa mas malaking pangkat nang mayroong mas maraming follow-up na makapagbibigay-daan sa mas komprehensibong pagsusuri ng iba’t ibang pahayag tulad ng ideyang nagdudulot ng autism ang MMR sa mga batang mataas ang posibilidad na magkaroon nito.)
Inaasahan ni Hviid na ang mga resulta ng kanilang pag-aaral ay makapagpapanatag sa kalooban ng mga magulang at makapagkukumbinsi sa kanilang walang dapat na ikatakot pagdating sa pagpapabakuna sa kanilang mga anak.
What other parents are reading
MMR vaccine dose at edad
Pinoprotektahan ng MMR vaccine ang mga bata mula sa tigdas, beke, at rubella (German measles). Tipikal itong ibinibigay sa mga sanggol sa edad na 12 buwan ng dalawang doses. Ang ikalawang dose ay kadalasang ibinibigay sa pagitan ng apat hanggang limang taon ngunit maaari ding maibigay nang mas maaga hangga’t may minimum ng apat na linggong interval sa pagitan ng doses.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon sa 2019 Childhood Immunization Schedule, ang MMR vaccine ay maaaring ipalit sa measles vaccine sa mga pagkakataong may outbreaks at maaaring ibigay nang maaga sa 6 buwan ang edad.
Kung gagamitin itong substitute, kailangang makatanggap ang bata ng dagdag na dalawa pang doses ng vaccine mula edad na 1 taon.
Maaaring maprotektahan ng bakuna ang bata laban sa infection kung maibibigay sa loob ng 72 oras (tatlong araw) pagkatapos ma-expose sa taong may tigdas, ayon kay Dr. Jay Ron O. Padua, FPPS, DPIDSP, isang pediatric infectious disease specialist ng San Lazaro Hospital.
What other parents are reading
Suportado ng mga Filipino pediatrician ang MMR vaccine
Inililista ng World Health Organization ang “vaccine hesitancy” o ang “pag-aalangan o pagtangging magpabakuna sa kabila ng availability o pagkakaroon ng akses sa bakuna,” bilang isa sa Top 10 global health threats ng 2019.
Sa gitna ng kamakailang measles outbreak, mas mahalaga ngayon na mapabakunahan ng mga magulang ang kanilang mga anak.
Ang Philippine Pediatric Society (PPS) at ang Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP) ay naglalayong maibalik ang kumpiyansa ng publiko at tiwala sa mga bakuna, dahil na rin sa pagbagsak ng immunization program rates ng Department of Health mula 85 hanggang 90 porsyento hanggang 60 porsyento noong 2018.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAni Dr. Anna Lisa T- Ong-Lim, MD, sa press conference sa 26th PIDSP convention noong Pebrero 2019, “We actually examine the safety of any vaccine before it’s put out to the market. With the specific example of the measles vaccine, it’s been in the market for 40 years. The story about autism being a result of MMR [vaccine] has already been debunked and the pediatrician who did the study had his licensed stripped.”
(Sinusuri namin ang safety ng kahit anong bakuna bago ito inilalabas sa market. Sa ispesipikong halimbawa ng measles vaccine, nasa merkado na ito sa loob ng 40 taon. Ang kathang-isip tungkol sa awtismo bilang resulta ng bakunang MMR ay debunked na at ang pediatrician na nagsagawa ng pag-aaral ay natanggalan ng lisensya.)
What other parents are reading
Ang nasabing pediatrician ay si Dr. Andrew Wakefield na naglabas ng pag-aaral noong 1998 na nakatuklas ng ugnayan sa pagitan ng MMR vaccine at sa suspected new syndrome na kinabibilangan ng autism at isang non-specific bowel disease.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon sa ulat ng Esquiremag.ph, ang mga findings ni Dr. Wakefield ay distorted. Hindi rin alam ng mga pasyente at ng kanilang mga magulang na si Wakefield ay “binayaran upang sirain ang data para sa isang lawsuit kung saan bahagi ang bagong syndrome.”
Nawalan ng medical license ang doktor noong 2010. Noong 2011, ni-retract o binawi ng The Lancet, ang science journal na naglimbag sa kaniyang pag-aaral, ang nasabing study.
“Although that myth [that vaccines cause autism] continues to be propagated in other countries, I would like to think that our people are more intelligent than that,” said Dr. Ong-Lim. “Nakikita naman nila kung ano ang ginagawa ng measles.” (Kahit patuloy na kumakalat ang paniniwalang nagdudulot ng awtismo ang mga bakuna sa ibang mga bansa, gusto kong isipin na higit na matalino kaysa riyan ang ating mga kababayan Nakikita naman nila kung ano ang ginagawa ng tigdas.)
What other parents are reading
Ipinahayag ni Health Secretary Francisco Duque III na maaaring magkaroon ng adverse effect ang bakunang tigdas sa nadadapuan nito (tulad ng malalang allergic reaction), ngunit ito ay 1 sa isang milyong doses.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW“It’s much fewer than you getting struck by lightning, [the ratio of] which is 1 in 18,000 and a plane crash which is 1 in 180,000. So ‘yung risk-benefit ration, talagang ang baba-baba,” he shares. “Ang baba ng risk, pero ang benefit mataas. [It’s] life-saving.”
Gamit ang bakuna, maiiwasang karamdaman ang tigdas. Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention, dalawang doses ng MMR vaccine ang 97% na epektibo sa paglalayo at pagprotekta laban sa tigdas, ang isang dose ay 93% na epektibo. Sa pamamagitan ng pinakahuling pag-aaral na ito at iba pang malaki at malawak na saliksik na nagpapatunay na walang koneksyon ang MMR vaccine sa awtismo, inaasahan naming kayo bilang mga magulang ay makabubuo ng matalinong pagpapasya at mapabakunahan ang inyong mga anak.
Ang mga impormasyong nakalahad dito ay mula sa
The MMR Vaccine Does Not Cause Autism, According to Latest Study of More Than 650,000 Kids
Si Anna G. Miranda, Van (sa kaniyang pamilya), o Vins (sa kaniyang malalapit na kaibigan), ay kasalukuyang nagsusulat ng una niyang aklat na pinamagatang Tawambuhay. Nawa'y matapos niya ito sa gitna ng pagtatanim ng mga cactus, pagtulala, at panonood ng K-drama.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network