;
embed embed2
  • Listahan Ng Pagkain Para Madagdagan Ang Timbang Ng Anak Sa Malusog Na Paraan

    Ano-ano ba ang dapat ihain sa mesa para tumaba ang iyong anak?
    by Anna G. Miranda .
Listahan Ng Pagkain Para Madagdagan Ang Timbang Ng Anak Sa Malusog Na Paraan
PHOTO BY Pexels
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Mayroong mga nanay na nag-aalala dahil mabagal ang paglaki ng kanilang mga anak. Madalas silang nagtatanong kung ano-ano ang mga pagkaing pampataba o masustansiya at kung anong vitamins ang epektibo upang mas ganahan pa ang kanilang mga anak sa pagkain.

    Ang undernutrition at malnutrition -- parehong may link sa stunted growth ang ilan sa mga suliranin sa buong mundo. Ayon sa World Health Organization (WHO), tinatayang 2.7 million child deaths taon-taon ay sanhi ng kawalan at kakulangan ng sapat na nutrisyon.

    Ayon sa Stanford Children’s Health, mayroong angkop na nutrisyon para sa school-age children. Ang mga batang edad 6-12 ay dapat na nabibigyan ng sapat na masustansyang mga pagkain.

    Sagana sa bitamina

    Mahalaga ang vitamins A, B, C, D, at E, calcium, carbohydrates, fiber, iron, protein, at zinc para sa ating katawan. Narito ang listahan ng mga pagkaing mayaman sa mga nabanggit:

    1. itlog
    2. gatas
    3. tuna
    4. oatmeal
    5. egg salad
    6. dark chocolate
    7. whole grain bread
    8. tokwa
    9. yogurt
    10. cheese
    11. beans tulad ng monggo
    12. saging
    13. suman
    14. patatas
    15. lean meat
    16. roast chicken
    17. salmon
    18. olive oil
    19. avocado

    Marami maihahalong gulay at healthy oils gaya ng olive oil sa paboritong mga pagkain ng mga bata (narito ang ilang kid-friendly recipes para sa pihikan sa pagkain). Pwedeng lagyan ng carrots ang spaghetti; repolyo sa sopa at carrots pa rin sa hamburger kasama ng mushroom at puso ng saging. Basahin ang masustansyang pagkain para sa mga mga bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makatutulong diumano ang laging pagbibigay ng healthy breakfast o almusal dahil kailangan ng mga bata ang enerhiya para sa buong araw ng paglalaro at pag-aaral.

    Ilan sa mga rekomendasyon para sa agahan ang sumusunod:

    • Prutas
    • Gatas
    • Bagel
    • Cheese toast
    • Cereal
    • Peanut butter sandwich 

    Pagkatapos ng klase, mainam din ang mga healthy snacks o meryendang tulad ng

    • Prutas 
    • Vegetables and dip 
    • Yogurt 
    • Chicken sandwich 
    • Cheese at crackers 
    • Gatas at cereal

    Sample meal plan batay sa Pinggang Pinoy

    Malaking tulong din ang simple at malinaw na visual aid na Pinggang Pinoy upang maunawaan ang angkop na nutrisyong kailangan nating mga Pilipino batay sa ating edad.  
     
    Ang Pinggang Pinoy ay binubuo ng mga pagkaing nasa kategoryang Go, Glow, at Grow. Hindi lamang uri ng pagkain ang mahalaga dito kundi ang angkop na proportion o dami sa bawat oras ng pagkain.

    Katulad ng nasa rekomendasyon, mahalagang may iba’t ibang uri ng pagkaing naihahain para sa iyong anak. Halimbawa, para sa mga bata, kailangang makakain sila ng sumusunod ayon sa sample meal plan para sa isang araw:

    Agahan (Breakfast)

    • Pritong itlog
    • Camote tops na may kamatis
    • Kanin at saging

    Pananghalian (Lunch)

    • Chicken Tinola na may malunggay at papaya
    • Kanin at mangga

    Meryenda (Snacks)

    • Suman sa umaga
    • Nilagang kamote sa hapon 

    Hapunan (Dinner)

    • Pritong galunggong
    • Pinakbet
    • Kanin at pakwan

    Mayroon ding bagong dietary guidelines mula sa Harvard Medical School.

    Tandaang mahalaga ang pagpapasuso o breastfeeding sa mga bata mula pagkapanganak hanggang lumaki. Kapag maaari nang kumain ng solid foods ang iyong anak, bigyan na siya ng mga iron-fortified cereals, prutas, gulay, karne, beans, at whole grains. Mahalaga rin ang vitamin D na nakukuha sa init ng araw at sa mga pagkaing tulad ng isda, itlog, at fortified milk.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa paglaki ng mga bata, tandaang magkakaroon ng sariling paboritong pagkain. Posibleng kahiligan nila ang matatamis, lalo na ang desserts, junk food, at snacks, ngunit iwasang maging permanenteng bahagi ito ng diet nila.

    Malaking tulong ang pagbabasa ng ingredient labels upang matukoy kung dapat bang isama ang isang sangkap o pagkain sa ihahanda para sa pamilya. Halimbawa rito ang asukal.

    Tandaang ang sugar ay karaniwang sangkap ng lahat ng mga pagkain na pampataba. Malaki rin ang papel na ginagampanan nito sa diet ng mga nagiging obese. Marami ding pangalan ang added sugars gaya ng corn sweetener, corn syrup, fructose at iba pa.

    Kung makikita mo ang mga ito sa labels ng iyong mga kinakain o ilulutong sangkap, siguradong nakapagpapataba rin ang mga ito ngunit hindi makabubuti sa kalusugan. Tandaang ang mga pagkaing pampataba ngunit hindi masustansya ay makapagpapalaki lamang ng bilbil.

    Imbes na may mga asukal na pagkain tulad ng candies at donuts, unti-unting ipakilala sa iyong anak ang iba’t ibang uri ng mga prutas.

    Tandaang dapat iwasang bigyan ng asukal ang anak bago ang edad na dalawa (2). Wala kasi itong nutritional value at mahirap kung makasanayan ito ng iyong anak.

    Ayon sa WHO, ang unang dalawang taon sa buhay ng mga bata ay napakahalaga. Kung mabibigyan sila ng optimal nutrition, nababawasan ang rate ng pagkakaroon ng sakit at pagkamatay sa murang edad dahil sa chronic disease.

    Mahalagang may kaalaman ang mga magulang tungkol sa tamang kain para sa kanilang mga anak. Mahalagang nakikita ng mga bata na kumakain ka rin ng masustansyang mga pagkain tulad ng mga gulay at prutas. Makatutulong kung habang maaga, ituro at ipaunawa na sa kaniya ang kahalagahan ng wastong nutrisyon at mabuting kalusugan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tandaang hindi lamang uri ng pagkaing pampataba ang mahalaga kundi ang dalas (frequency) at dami (portion) ng pagkain.

    Para mas maengganyo ka sa paghahanda ng pagkain ng pamilya, narito ang ilang artikulo na posibleng makatulong sa iyo:

    What other parents are reading

     

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles