-
Kahit Simpleng Sinangag, Masarap! 10 Paborito Naming Luto Ni Daddy
Ang ending, taga-hugas lang ng plato si mommy!by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Hindi na uso ngayon sa tahanang Pilipino na si nanay lang ang nagluluto. Sa kantunayan, minsan nga, mas masarap pang magluto si tatay! (Sorry, Ma!)
Sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, laging ibinabahagi at fine-flex ng mga nanay ang mga niluluto ng mga partners nila. Narito ang ilan sa mga luto ni daddy na nakakatakam!
Mga nakakatakam na recipes ni daddy
Puto with Cheese
Laging sobrang proud si mommy Yvn Regis Cañete sa mga niluluto ng hubby niya, ngunit isa sa mga dishes na talaga namang nagustuhan niya—ang puto cheese. Sa katunayan, tinawag niya pa nga itong "Pretty Puto ni Francis."
Maniniwala ka bang first time lang ni daddy gumawa ng puto cheese kung ganito ang outcome?PHOTO BY Yvn Regis CañeteADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWItsura pa lang kasi, matatakam ka na! Ang verdict ni mommy? Masarap! At take note, first time ni daddy na gumawa ng puto.
Rapokki / Rabokki (Ramyon + Toppoki)
Sino namang K-Drama fan ang hindi kikiligin kung ipagluluto ka ni hubby ng Korean dish na ito? Para mo na ring nakasalo ang mga paborito mong Korean actors.
Ang sarap naman nito!PHOTO BY Gela SanchezCONTINUE READING BELOWwatch nowIbinahagi sa amin ni mommy Gela Sanchez ang nilutong Rapokki ng hubby niya. Wala na kaming nasabi kundi 'Sana all.'
Chicken Turbo
Ito naman daw ang specialty ng hubby ni mommy Antonette Garcia. Ang nakakabilib dito, wala raw turbo broiler sina mommy kaya naman mahabang pasensya ang kailangan para maluto ni daddy ang putaheng ito.
Partida, walang turbo broiler sina mommy at daddy pero achieve pa rin ang chicken turbo!PHOTO BY Antonette GarciaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHomemade Ramen
Bakit ka pa nga naman lalabas kung may masarap nang ramen sa bahay ninyo? Kwento ni mommy Jane Nathalie Hilario Picones, marami pang alam na recipes si daddy, pero ito talaga ang pinaka paborito niya.
Bakit ka pa lalabas kung may masarap nang ramen sa bahay?PHOTO BY Jane Nathalie Hilario PiconesADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBaby Back Ribs
Memorable naman para kina mommy Camille Chua ang baby back ribs recipe na master na master na ni daddy. Galing kasi ang recipe sa unang cookbook nila bilang isang couple.
Pahingi naman ng recipe mo nito, daddy! LOL!PHOTO BY Camille ChuaChicken Inasal
Taob naman daw lagi ang laman ng rice cooker nina mommy Dura Joy Dumilon Ramos dahil sa sarap ng chicken recipe ni daddy. Picture pa lang nakakagutom na. Paano pa kaya kapag naamoy mo ito habang niluluto?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNakakatakam naman!PHOTO BY Dura Joy Dumilon RamosSambal, Beef Rendang at iba pa
Tulad ng iba pang daddies sa aming online community, marami ring alam na recipes ang hubby ni mommy Karen Prado.
Balanced meal ba ang hanap mo? Try mo itong recipe ni daddy!PHOTO BY Karen PradoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPero ang pinaka paborito niya na niluluto ni daddy ay ang sambal, beef rendang, at nasi lemak. Marunong din daw magluto ng Italian food si daddy at alam din nitong gumawa ng fresh pasta.
Beef Pares
Kwento naman ni mommy Tayshaun Tyrish Trixie, the best daw talaga ang beef pares ni daddy. Kahit daw ito ang ihain ng padre de pamilya sa kanila araw-araw, hindi sila magrereklamo.
Matagal pinag-aralan ni daddy ang recipe na ito!PHOTO BY Tayshaun Tyrish TrixieADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaborito raw kasi talaga ni daddy ang beef pares kaya inaral niyang mabuti ang pagluluto nito.
Pansit Cabagan
Masarap, makulay, at maraming sahog! Iyan ang pancit cabagan ng hubby ni mommy Karen Mei Caro. Kwento ni mommy, tuwing off duty daw si daddy, lagi niyang niluluto itong sikat na pansit sa probinsya ng Isabela.
Kilala ang pansit na ito sa probinsya ng Isabela.PHOTO BY Karen Mei CaroADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLechon Kawali
Mahirap lutuin ang lechon kawali, kaya naman kahit paborito ito ni mommy Carla Reyes-Salenga, hindi niya ito niluluto. Buti na lang at nariyan si daddy. Sino namang hindi kikiligin kapag sinabi ni daddy na hindi na baleng siya na lang ang mapaso, huwag lang si mommy.
Sobrang sweet ng kwento sa likod ng lechon kawali recipe na ito ni daddy.PHOTO BY Carla Reyes-SalengaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKwento pa ni mommy, sinubukan niya daw gawin ang recipe ni daddy pero iba raw ang lasa kahit pareho ng ingredients. "May secret daw siya. 'Yun ang super extra niyang love and care," kwento ni mommy Carla. Ito ang dahilan kung bakit tinagurian si daddy sa bahay nila na lechon kawali at crispy pata king.
Maraming nakakakilig na kwento sa likod ng mga recipes ng mga haligi ng tahanan. Ilan lamang ang mga ito sa mga luto nila na talaga namang naa-appreciate ng kanilang mga asawa at anak.
Mahigit isang daan ang nagbahagi ng mga recipes ng mga asawa nila sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Flex na flex talaga ang mga daddies ngayong Father's Day. Hindi kasi matatawaran ang pagmamahal, pag-aalaga, at pag-aasikaso nila sa kanilang pamilya.
Kung gusto mo ring i-flex ang hubby mo, sumali ka lang sa aming Facebook group o ipadala ang iyong kwento sa smartparentingsubmissions@gmail.com.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

- Shares
- Comments