;
embed embed2
  • 'Adobo Forever,' 'Kahit Anong Luto Basta Egg,' At Iba Pang Easy Ulam Ideas Ng Mommies

    Madali at mabilis lutuin, at swak sa panlasa hindi lang ng mga bata pero pati na ang adults.
    by Jocelyn Valle .
'Adobo Forever,' 'Kahit Anong Luto Basta Egg,' At Iba Pang Easy Ulam Ideas Ng Mommies
PHOTO BY Shutterstock
  • Isa sa challenges ng pagiging nanay, lalo na kung hands-on sa bahay, ay ang pagi-isip ng ihahain na pagkain nang hindi bababa sa tatlong beses kada araw. Ang daing nga nila, nauubusan na sila ng easy ulam ideas.

    Kaya ang comedienne at mom of three na si Chariz Solomon ay gumawa ng Facebook chat group kasama ang kanyang mga kaibigan at kapwa mommy na may parehong problema. Tinawag niya ang kanilang chat group na "Anong Ulam?"

    Paliwanag ni Chariz sa Smart Parenting, "Kasi para mag-share naman kayo ng ulam. Nauubusan na 'ko. Puro ako Arroz a la Cubana. Kanina, Arroz a la Cubana na naman. Ang lakas sa itlog. Alam ninyo 'yun? 'Yung giniling na may itlog?

    "Pero favorite nila 'yun. Ang lakas sa itlog. Mahal din ang egg. 'Tapos ayaw nila 'yung mga sinigang. Kumakain silang sinigang pero mas hindi prefer 'yung gano'n."

    Easy ulam ideas

    Sa Facebook page ng Smart Parenting Village, ang online parenting community ng Smart Parenting, ibinahagi ng mommies ang mga putahe na kadalasan nilang niluluto nila kapag kapos sila sa oras, pero tiyak naman nilang magugustuhan ng buong pamilya.

    Pinoy classics

    Marami sa mga mommy ang nagsabing walang kupas at talagang maasahan ang mga nakalakihang pang-araw-araw na ulam. Ika nga ng isa sa kanila, "Adobo never fails." Boto naman ang iba pa sa tinola "forever." Komento ng isa sa kanila, taob ang kaldero sa dalawang maliit na anak ng isang mommy pag tinola ang niluto niya.

    Isa pa ang sinigang sa paboritong ulam na may sabaw. Puwede rito ang karne ng baboy (pork) at baka (beef), pati na isda at hipon, at kahit pa raw manok, giit ng isang miyembro ng Smart Parenting Village. Masarap nga naman ang sinigang, lalo na kung sakto ang asim at anghang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi rin nalalayo sa pagiging popular ang nilaga, na puwedeng pork o di kaya beef. Biro nga ng isa pang mommy, "Ang buhay namin ay umiikot lang sa sinigang, nilaga, tinola."

    Itlog lang, sapat na

    Kinagigiliwan ang itlog ng manok, lalo na aniya ng isang mommy, "tuwing petsa de peligro," o ilan pang mga araw bago dumating ang suweldo. Napakamura kasi ng itlog kumpara sa karne.

    Marami pang putahe na puwedeng gawin sa itlog, tulad ng nilaga (hard-boiled, soft-boiled) at prito (sunny side up, over easy). Nariyan pa ang scrambled at omelet (o omelette sa British English), kung may sahog na pinong kamatis, o di kaya patatas, bell pepper, at mushroom.

    Sabi ng isang mommy, paborito ng kanyang anak ang cheese omelette at ang kanyang asawa naman ay basil-tomato omelette. Komento namang ng isa pang mommy, kahit anong luto basta raw itlog, patok sa kanilang bahay. (Basahin dito para sa iba pang egg recipes.)

    Simpleng lutuin

    May mga nanay din na pabor sa pritong isda, pangat na sapsap, at paksiw na galunggong, pati na ginisang munggo, "okra with tubig bawang," "stir fry pechay," miswa na may sahog na patola, gisadong sayote at carrots, at ginataang gulay.

    Kung talagang nagmamadali, maaasahan ang ginisang sardinas, corned beef na may patatas, at iba pang de latang pang-ulam. Isama pa ang processed meat, gaya ng tocino, hotdog, at longganisa.

    Special recipes

    Kuwento ng isang mommy, paborito ng kanyang anak ang pasta dish na sarili niyang diskarte. Mainam daw kung may nakaantabay nang luto o boiled pasta noodles sa refrigerator, basta hindi lalampas sa dalawang araw na pagkakaimbak.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pagkatapos, painitin ang pasta noodles sa mantika at bawang. Puwede ring lagyan ng cherry tomatoes at fresh basil. Timplahan ito ng kaunting asin, paminta, at chili flakes. Makakadagdag din daw ng lasa ang oyster sauce at kaunting asukal.

    Menudillo naman ang kadalasang niluluto ng isa pang mommy dahil madali raw itong po nguyain kaya napaparami ang kain ng kanyang anak. Ang isa pang mommy, kampante sa spaghetti "na maraming spinach at carrots at cheese" na bahagi ng kanyang easy ulam ideas.

    Basahin dito para sa pagpaplano ng mga ulam na sapat sa pamilyang may apat na miyembro sa loob ng pitong araw (o isang linggo) kung Php1,500 ang budget.

    Basahin dito kung Php2,000 ang budget.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles