-
News Isabelle Daza Gives Birth To Baby #2! ‘We Are So Happy You Exist’
-
Real Parenting Tama Na Ba Ang Isa? Paano Ba Malalaman Kung Handa Ka Na Sa Isa Pang Anak
-
Labor & Childbirth Mom Believed the Opinions on Her Facebook Group. She Gave Birth to a Stillborn Baby
-
Love & Relationships 'My Husband Went Through Online Counselling To Save Our Marriage'
-
Fruit And Veggie Storage Hacks! Alin Ang Dapat At Hindi Dapat Naka-Ref
Malaki ang matitipid ninyo kung maayos ang pag-iimbak ninyo ng mga prutas at gulay.by Ana Gonzales .

PHOTO BY Unsplash
Sa hirap ng buhay ngayon, kailangan talagang maging praktikal, lalo na pagdating sa pagbubudget ng pang-araw-araw na pagkain ng pamilya.
Kaya naman malaking sayang talaga sa pera kung nasisira lang ang mga prutas at gulay ninyo sa bahay. Malimit kasi, basta na lang natin itong ilalagay sa ating mga refrigerator sa pag-aakalang hindi masisira ang mga ito.
Ngunit alam mo bang mayroong tamang paraan ng pag-iimbak ng mga prutas at gulay para hindi agad masira ang mga ito? Narito ang ilang mga dapat mong tandaan.
Ayon sa mga eksperto, ang mga gulay ay mayroong tinatawag na 'storage preference'. May ilang mga gulay na mas tumatagal sa malamig at basang lalagyan, habang may ilan namang hindi na kailangan pang ilagay sa ano mang uri ng lalagyan.
Importanteng alam mo kung aling gulay at prutas ang inilalagay sa refrigerator at alin naman ang hindi na. Kailangang alam mo rin kung saang bahagi ng refrigerator ilalagay ang mga ito. Pati na rin kung anong lalagyan ang maganda.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Mga magagandang paglagyan ng prutas at gulay
Malinis na bimpo o maliit na twalya
Maganda itong gamitin para sa mga gulay na kailangan ng maraming tubig tulad ng mga carrots. Pwedeng gamitin ito kung maraming space sa refrigerator ninyo.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosReusable storage bags
May mga prutas at gulay naman na pwedeng-pwedeng ilagay sa mga sealable at reusable na storage bags. Pwede mo pang lagyan ang loob ng mga ito ng basa o tuyong paper towel para mas mapanatili pa ang pagiging sariwa ng prutas o gulay na ilalagay mo.
Cotton storage bags
Ang pinaka mabisang paglagyan ng mga prutas at gulay ay iyong mga cotton storage bags. Bukod sa pwede silang gamitin nang paulit-ulit, napapanatili din nilang fresh ang inyong prutas at gulay.
Aling prutas at gulay ang dapat ilagay sa loob ng refrigerator? At saan?
Sa loob ng crisper
- Bok Choy
- Talong
- Sitsaro (Chinese snow peas)
- Broccoli
- Celery
- Radish
- Cauliflower
- Lemons
- Limes
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa refrigerator shelf
- Asparagus
- Cilantro
- Grapes
- Green beans
- Mushrooms
- Okra
- Strawberries
- Cucumber
- Leafy greans
- Cabbage
Sa labas ng refrigerator
- Peaches
- Avocados
- Bananas
- Mangoes
- Pears
- Pineapples
- Tomatoes
Pwede mong ilipat sa loob ng refrigerator ang mga ito para tumagal ng hanggang limang araw. Maaari ring mas maging matagal ang buhay ng iyong mga prutas at gulay kung ilalagay mo sila sa freezer. I-blanch mo muna sila, ilagay sa ziplock bag, at saka ilagay sa freezer.
Para mas maging sulit ang prep mo, isama mo na rin ang karne at iba pang mga ingredients—may freezer meal ka na.
Bukod pa sa mga paraan at lalagyan, mahalaga rin na malinis ang refrigerator ninyo para umandar ito nang maayos at umikot nang mabuti ang lamig sa loob.
Kayo, paano ninyo sinisigurong mananatiling sariwa ang mga binibili ninyong gulay at prutas? I-share niyo lang sa comments section.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network