
PHOTO BY Courtesy of Ai Leen and Yen Magi

Trending in Summit Network
;
Kung kailangan mo ng advice tungkol sa pagbubudget at pag-aayos ng bahay, numero unong dapat mong lapitan ay ang mga nanay—marami kasi silang alam na tipid tips at decluttering hacks.
Isa na nga riyan ang pagre-recycle ng mga bagay-bagay sa bahay. Sayang nga naman kung pwede pang gamitin pero itatapon lang.
Kabilang sa isang madalas i-recycle ng mga nanay ay ang mga ice cream containers. Ayon sa kanila, sa kabila ng napakaraming options para sa freezer-safe containers na mayroon online, paborito pa rin nila ang mga tubs ng ice cream dahil bukod sa mura ito, madali rin itong linisin at sigurado kang hindi ito basta-basta mabibitak sa loob ng freezer.
Nilalagyan lang ito ng mga nanay ng labels sa gilid o sa takip para hindi sila malito (at hindi mabiktima ang mga tao sa bahay LOL!) kung anong laman ng mga ice cream tubs.
Ayon kay mommy Ai Leen ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, dala na niya papuntang palengke ang mga ice cream tubs, ecobags, at iba pang mga containers para diretso na doon ilalagay ang kanyang mga pinamili—bawas sa consumption ng plastic!
Ganyan din ang gawain ni mommy Yen Magi. May dala na siyang mga bayong at ice cream containers kapag namamalengke siya. Nakilala na nga raw siya ng mga tindera sa palengke bilang 'bayong girl'.
Nagsisilbi namang lalagyan ng homemade kimchi ang ice cream tubs sa bahay nina mommy Kitel Reazon-Estolonio.
Minsan, nakakalungkot mang magbukas ng ice cream tub na walang lamang ice cream, nakakatuwa namang isiping sobrang wais talaga ng mga nanay pagdating sa pag-aalaga sa tahanan at pagtitipid sa budget na mayroon ang pamilya.
Bukod sa tipid na, nakakatulong din sa kalikasan ang ginagawang pagre-recycle ng mga nanay.
Ganito rin ba sa bahay ninyo? I-share mo na sa comments section ang photos ng mga ice cream tubs na gamit ninyo sa freezer.
Pwede mo ring i-share ang iyong mga organization at decluttering techniques sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Step 1:
Open the email in your inbox.
Step 2:
Click on the link in the email.
Step 3:
Continue to reset your password on Smartparenting.com.ph.