-
5 Budgeting Hacks Na Madaling Intindihin At Hindi Imposibleng Sundan
Subok na ng mga nanay ang mga budgeting techniques na ito.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Hindi madaling mag-budget ng pera. Lalo na sa panahon ngayon na karamihan sa atin ay nawalan ng trabaho dahil sa banta ng COVID-19. Maraming mga budgeting hacks na makikita online, ngunit hindi lahat ay madaling intindihin at i-apply sa ating mga buhay.
Kaya naman nagtanong kami sa Smart Parenting community kung anu-ano ang mga pinakasimpleng budgeting hacks na alam nila. Narito ang ilan sa mga ibinahagi ng mga nanay:
Simpleng budgeting hacks na madaling sundan
1. Gumamit ng cashback at discount apps
Ayon sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, malaki ang maitutulong ng mga cashback apps tulad ng Shopback at Snapcart.
Kapag nagshopping ka kasi ng may cashback, may porsyento ng ibinayad mo na babalik sa iyo. Sabi ng mga nanay, gaano man kaliit ang cashback na nakukuha mo, kapag pinagsama-sama ito ay malaki na rin.
Gumagamit din ang mga nanay ng mga apps tulad ng Zomato. Sa pamamagitan ng mga apps na ito, makakakuha ka ng mga discounts at promos sa mga restaurants.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW2. Subukan ang auto debit
Isa sa mga pwedeng gawing paraan para hindi ma-overdue ang mga bills ninyo ay ang paggamit ng auto debit. Ayon sa mga nanay sa Village, isa ito sa mga pinakamadaling paraan para magbayad ng bills.
3. Gawin ang envelope method
Ito ang paboritong budgeting method ng mga nanay na nakausap namin. Bukod kasi sa napakasimple, wala ka pang kailangan kundi sobre o money organizers na mabibili mo online.
Sa isang nauna nang Smart Parenting article, ipinakita sa amin ni mommy Madz Ellado kung paano niyang hinahati-hati ang sahod ng asawa niya kada labinlimang araw. Mayroong nakatabi para sa rental, mayroong para sa mga utility bills at mayroon ding para sa pagkain at savings.
Kwento pa ni mommy, hindi niya ginagalaw ang savings. Diretso ito sa kanilang bank account.
4. Gumawa ng budget o finance tracker
Mas madaling siguraduhin na nasa budget ka kung makikita mo ang perang pumapasok at lumalabas sa inyong pamilya. At dahil digital na ngayon ang maraming bagay, pwede mo nang ilagay sa cellphone o computer mo ang tracker ng inyong finances.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMay ibinahaging Excel tutorial para riyan ang host at aktres na si Bianca Gonzalez-Intal. Tinulungan siya ng social entrepreneur at Excel expert na si Reese Fernandez-Ruiz kung paano gumawa ng pang monitor sa budget sa pamamagitan ng Excel sheet.
Pwede mo ring gawin ang tinatawag na Ledger-Style. Para rin itong Excel sheet pero gagawin mo ito ng mano-mano sa papel. Maganda ito para sa mga nanay na mahilig maglista.
Kung wala ka namang access sa computer, budgeting apps ang pwede mong gamitin.
5. Iplano ang inyong weekly meals
Alam niyo ba na malaki ang matitipid ninyo kung nakaplano na ang inyong kakainin sa buong linggo? Kung madalas kasi kayong pumunta sa grocery o sa palengke, mas malaki ang chance na gumastos kayo ng sobra sa inyong budget. Pero kung isang beses lang kayong mamimili sa isang linggo, kontrolado ninyo ang gastos.
Ilan lamang ang mga ito sa mga budgeting techniques na pwede mong gawin para maayos ang paggasta ninyo ng inyong pera.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSabi ng mga eksperto, hindi magiging matagumpay ang alin man sa mga budgeting techniques na ito kung wala kayong disiplina.
Importante rin daw na mamuhay at gumastos kayo nang pasok sa inyong buwanang budget. Ito 'yung tinatawag na 'living within your means'. Ibig sabihin, hindi kayo pwedeng bumilli nang bumili ng mga hindi naman kailangan o iyong mas malaki ang halaga kaysa sa inyong buwanang budget.
Anu-ano ang mga ginagawa ninyong budgeting techniques? I-share niyo lang iyan sa comments section.

- Shares
- Comments