embed embed2
  • Dapat Bang I-Freezer? 5 Cooking And Kitchen Hacks Na Kailangan Mo Post-ECQ

    by Ana Gonzales .
Dapat Bang I-Freezer? 5 Cooking And Kitchen Hacks Na Kailangan Mo Post-ECQ
PHOTO BY iStock
  • Pahirapang makabili ng mga supplies ngayon dahil sa banta ng COVID-19.

    Kahit ibaba ng pamahalaan sa general community quarantine ang buong Metro Manila, mula sa enhanced community quarantine, hindi pa rin magiging madali ang pamamalengke, maging ang pagpasok sa paaralan at trabaho, dahil naman sa social distancing.

    Kaya mahalagang sulitin ang bawat pagpunta sa grocery. Mas kailangan ding maging wais ngayon sa paggastos, lalo na kung limitado ang income ng inyong pamilya.

    What other parents are reading

    Kaya naman lumapit kami sa mga nanay para magtanong kung anu-ano ang mga kitchen hacks na ginagawa nila para makatipid at masulit ang mga resources na mayroon sila.

    Narito ang ilan sa kanilang mga payo:

    Pumili ng mga ulam na pwedeng 2-in-1

    Halimbawa, ang isa't kahalating kilong manok ay pwede mo nang gawing isang recipe—pwede itong maging tinola at arroz caldo. Igisa mo lang ang manok sa bawang, sibuyas, luya, at patis. Kapag nagisa mo na itong mabuti at lumalabas na nang bahagya ang mantika sa manok, pwede mo nang hanguin ang ilang piraso at ilagay sa freezer para magamit bilang panahog sa arroz caldo para sa ibang araw.

    Pwede mo nang sabawan ang naiwang manok sa kawali para magsilbing ulam ninyo ngayong araw. Tipid ka na sa prep time, sulit pa ang bawat ingredients.

    Payo naman ni mommy Kriselle Lopez, pwede ka ring magluto ng dalawang kilong adobo. Itabi mo ang isang kilo para sa ibang araw. Lagyan mo lang ito ng tomato sauce, patatas, at bell pepper, may asado ka na!

    What other parents are reading

    I-freeze ang iyong peppers

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Alam mo ba na bukod sa mga karne, breastmilk, at iba pang pang-ulam, pwede mo ring i-freeze ang peppers? Sa tahanan nina mommy Chel Magno, inilalagay nila sa freezer ang mga siling labuyo, siling haba, at bell pepper para mas humaba ang buhay ng mga ito.

    Bukod sa bell peppers, pwede mo ring i-freeze ang iba pang mga sangkap sa mga ulam ninyo. Ganito ang ginagawa ni mommy Mimi Francisco.

    Bago pa man ang community quarantine, ginagamit na ni mommy Mimi ang paggawa ng freezer meals para mas mapadali ang buhay niya sa kusina. Iba-blanch na niya ang mga gulay at hinahati-hati ang mga karne sa iba't-ibang resealable bags bago pa niya ito ilagay sa freezer. Kapag oras na ng pagluluto, ilalabas niya lang ang bag—kalahati ng prep time niya ay tapos na!

    Pwede mo ring i-freeze ang soups. Sa katunayan, ginagawa ito ni Erwann Heussaff hindi lang para sa mga soups niya kundi pati na rin sa mga sauces nila sa bahay.

    Smart Parenting Tip! Para mas mapadali ang pagbabalat ng bawang, buhusan ito ng mainit na tubig. Hayaan sandali, itapon ang tubig, at kusa nang maaalis ang mga balat ng bawang!

    What other parents are reading

    Huwag matakot sa mga recipes na mahaba ang prep time

    Kung working mom ka at wala kang oras na mag-prep pa para sa mga kakainin ninyo, gagana sa iyo ang dalawang nauna nating tips. Ngunit kung marami kang oras para magluto, doon ka na sa mga ulam na mahaba ang prep time. Pwede mo kasing gamitin ito para hikayatin ang mga anak mo na tumulong sa kusina.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Isa sa mga recipes na iyan ang pizza. Mayroon nang mga ready-made crusts na nabibili sa grocery. Ang pagtutulungan niyo na lang ay ang paggawa ng mismong pizza. Ayon kasi sa mga eksperto, kapag nakikita ng mga bata kung ano ang mga ingredients sa ulam nila, mas malaki ang chance na kainin nila ito.

    What other parents are reading

    Gumamit ng 2-in-1 kitchen appliances

    Kung mayroon 2-in-1 ulam, mayroon ding 2-in-1 appliances. 'Yan ang ginagawa ni mommy Alyssa Regis. Isinasabay na niya sa pagluluto niya ng kanin ang pag-steam sa mga gulay na uulamin nila.

    May ilan ding nag-iinvest sa mga lutuang may higit pa sa isa na function. Isang magandang halimbawa nito ang oven. Pwede kang mag-bake ng maraming putahe sa isang salang lang.

    Laging gumawa ng meal plan

    Mas madaling maupo at gumawa ng meal plan para sa isang linggo kaysa mag-isip ng bibilhin mo kapag nasa grocery ka na. Ugaliing gumawa ng meal plan para hindi ka mahirapan sa pamimili.

    Magandang paraan din ang pagkakaroon ng meal plan para i-involve ang iyong mga anak at makapili sila ng mga ulam na gusto nilang kainin.

    Bukod pa riyan, kung may meal plan ka, mas madaling mag-stay sa isang budget. Kung nauubusan ka na ng mga recipes, pwede mong subukan ang mga tipid quarantine recipes ni mommy Lizlee Medina-Pascua.

    What other parents are reading

    Mayroon ka bang mga nakakabilib na kitchen tips na gusto mong ibahagi? I-share mo lang sa comments section.

    Para sa iba pang mga hacks, pwede mong puntahan ang aming website na smartparenting.com.ph. Para naman sa iba pang mga kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles