embed embed2
  • Lahat Ng Ulam Na Pwedeng Gawin Sa Lechon Manok (Sisig! Shawarma! Sinagang?)

    Narito ang mga recipes na ibinahagi sa amin ng mga nanay mula sa Smart Parenting Village.
    by Ana Gonzales .
Lahat Ng Ulam Na Pwedeng Gawin Sa Lechon Manok (Sisig! Shawarma! Sinagang?)
PHOTO BY E_W from Pixabay
  • Sa panahon ngayon, kailangang maging wais, matipid, at maparaan lalo na pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa budget at pagkain ng ating pamilya.

    Laging sinasabi ng mga nanay na masamang magsayang ng pagkain. Kaya naman madalas, wala talagang natatapon sa mga iniluluto nilang ulam—nasusulit nila ang bawat sangkap. Kung may matira man, nairerecycle nila ito para maging panibagong ulam.

    What other parents are reading

    Isa sa mga ulam na madalas at pwedeng-pwedeng i-recycle ay ang lechon manok. Marami ang nag-aakala na paksiw lang ang pwede mong gawin dito, pero ayon sa mga nanay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, marami pang ibang recipes na pwedeng paggamitan ng tirang lechon manok.

    Narito ang ilan sa kanila:

    Sinigang na Lechon Manok

    Ayon kay mommy Boado Panlaqui Dioquino, iginigisa muna ng asawa niya ang tirang lechon manok sa sibuyas, kamatis, at luya. Kapag nagmantika na ng bahagya, pwede na itong lagyan ng tubig para magsilbing sabaw.

    Kapag kumulo, ilalagay na ni mommy at daddy ang repolyo at pampaasim. Tinitimplahan din nila ito ng dagdag na alat kung kailangan. Kapag kumulo na ang sabaw at medyo naluto na ang repolyo, pwede na itong ihain. 

    "'Yung nagpasarap sa sinigang na manok e 'yung pinang-marinade na humalo sa sabaw ng sinigang," sabi ni mommy. Natakam tuloy kami!

    What other parents are reading

    Lechon Manok Samosa

    Ito naman ang ginagawang putahe ni mommy Kae Lin sa tuwing may matitira silang lechon manok. Kailangan mo lang ng leftover lechon manok, lumpia o samosa wrapper, cilantro o celery, at Indian spices. 

    Paghaluin mo lang lahat ng mga sangkap, ibalot sa lumpia o samosa wrapper, at saka i-deep fry.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Salted Egg Lechon Manok

    Kwento naman ni mommy Nemi Orti Despuez, kapag hindi siya masyadong sinisipag magluto, bumibili siya ng lechon manok at ina-upcycle niya ito. Isa sa mga putaheng ginagawa niya ang salted egg lechon manok. 

    May mga nabibili na ngayong ready-made salted egg sauce o powder na idadagdag mo na lang sa manok, okay na. Pwede ka ring gumawa ng sarili mong salted egg sauce kung wala kang mabili sa mga groceries. Kailangan mo lang ng itlog na maalat (red eggs), butter, at garlic.

    Para magawa ang sauce, i-mash mo lang ang red eggs sa isang maliit na mangkok. Itabi. Pagkatapos, initin mo ang butter sa isang pan hanggang malusaw. Ilagay mo ang bawang hanggang maging lumambot at lumabas ang bango. Saka mo ilagay ang itlog na maalat hanggang maging saucy na ang consistency nito.

    Pwede mo itong i-top sa iyong leftover lechon manok na pina-crispy nang ilang minuto.

    Ginagamit din ni mommy Nemi ang tirang lechon manok para sa paggawa ng chicken sandwich, sopas, at Caesar salad with chicken.

    What other parents are reading

    Lechon Manok Sotanghon Soup

    Chicken soup ang isa sa mga pinakasikat na comfort food ano man ang edad o lahi mo—sadya lang talagang nakakakalma ang sabaw nito. Kaya naman ito ang naiisip gawing ulam ni mommy Elisa Fuentes Benliro. Madali lang itong gawin. Kailangan mo lang ng sotanghon, patis, bawang, sibuyas, at green onion.

    Igisa muna ang iyong bawang, sibuyas, at manok. Kapag bahagya na itong nag mantika, pwede mo na itong lagyan ng kaunting patis. Pwede ka ring magdagdag ng iba pang ingredients tulad ng mushroom. Haluin ng isa hanggang dalawang minuto bago lagyan ng tubig.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kapag kumulo na ito, pwede mo nang ilagay ang iyong noodles. Pakuluan ang noodles nang hanggang limang minuto—may chicken soup ka na! Pwede rin itong lagyan ng gulay tulad ng green onions, repolyo, at carrots.

    What other parents are reading

    Lechon Manok Fried Rice

    Isa pa ito sa mga pinakamadaling putahe na pwede mong gawin gamit ang tirang lechon manok. Kailangan mo lang ng bawang, leftover lechon manok, at leftover rice. Igisa mo lang ang bawang sa kaunting mantika. Pwede ka ring gumamit ng butter.

    Kapag nag-brown na ang bawang, pwede mong idagdag ang leftover lechon manok. Igisa ng kaunti bago idagdag ang kanin. Haluing mabuti hanggang maging brown ang kanin at madistribute ng mabuti ang iginisa mong lechon manok.

    Pwede kang maglagay ng kaunting soy sauce o asin, depende sa gusto mong pampalasa. Pwede mo ring itong lagyan ng binating itlog, bellpeppers o 'di kaya ay gulay gaya ng peas o carrots.

    What other parents are reading

    Lechon Manok Sisig

    Matrabahong gawin ang pork sisig kaya naman isang magandang alternative ang chicken sisig. Sa recipe ni mommy Martezza Ezra Legaspi Atacador, gumamit siya ng tirang lechon manok. 

    Tulad ng regular na sisig, hihimayin mo lang ang laman ng manok at saka ito tatadtarin para maging pino. Haluan ito ng sibuyas at kaunting mayonnaise, black pepper, at asin—may sisig ka na! Magchop ka lang ng siling haba at siling labuyo para gawing topping.

    Pwede mo rin itong lagyan ng dinikdik na chicharon kung mayroon kayo nito sa bahay. Pigaan ng kalamansi o lemon para mas masarap.

    What other parents are reading

    Lechon Manok Shawarma

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahilig naman sa Arabic food ang asawa ni mommy Soliman Anne kaya naman naimbento niya ang lechon manok shawarman na ito. Kailangan mo lang ng leftover lechon manok, kamatis, lettuce, mayonnaise, plain yoghut, lemon, garlic powder, asin, paminta, at ang tortilla.

    Para magawa ang shawarma, himayin mo lang ang natira ninyong lechon manok. Initin o palutungin ito ng kaunti sa isang pan at saka itabi. Pagkatapos, ayusin mo lang sa tortilla ang lettuce, manok, at kamatis.

    Para magawa ang special sauce ni mommy, paghaluin ang lemon juice, yoghurt, mayonnaise, asin, at paminta. I-top ito sa iyong shawarma, may instant meryenda ka na. 

    Ayon naman kay mommy Lala Tellano-Viray, pwede ring gamiting pizza topping ang natira ninyong lechon manok. I-chop mo lang ang chicken, tustahin ng kaunti at pwede na itong topping kasama ang bell pepper, pineapple, ham, at cheese. Ayon pa kay mommy, ginagamit din daw niya ang lechon manok para sa arroz caldo, chicken meatballs, soy garlic chicken, at stir-fry chili chicken.

    What other parents are reading

    Patunay lamang ang mga recipes na ito na marami kang pwedeng gawing putahe gamit ang mga sangkap na mayroon ka sa bahay lalong-lalo na ang mga tinatawag na versatile ingredients tulad ng manok.

    Kayo, paano ninyo "nirerecycle" ang mga natira ninyong ulam? Anu-ano ang mga recipes na nagagawa ninyo gamit ang tirang lechon manok? I-share mo lang ang iyong recipes sa comments section.

    Para sa iba pang mga recipes at food hacks tulad nito, sundan mo lang ang aming social media pages o 'di kaya ay sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles