-
6 Mabisang Paraan Para Maiwasan Ang Mga Ipis, Lamok, Langaw, At Daga Sa Bahay
Problema niyo ba ito sa bahay ngayon?by Ana Gonzales . Published Jun 13, 2020
- Shares
- Comments

Marami ba kayong mga 'bisita' sa bahay na hindi niyo naman inimbita? Minsan kasi, kahit gaano natin kadalas linisin ang bahay natin, mayroon at mayroon pa ring makakapasok na mga insekto tulad ng lamok, langaw, at ipis o mas malala, house pests tulad ng daga.
What other parents are reading
Paano maiiwasan ang house pests
Huwag iiwang marumi ang kusina
Gustong-gusto ng mga langgam, ipis, at daga ang maruming kusina. Kaya naman iwasang mag-iwan ng mga pagkaing maaaring makaakit sa mga house pests na ito.
Ugaliing takpan ang mga pagkain sa lamesa o 'di kaya ay ilagay sa refrigerator. Mahalaga ring punasan ang mga lamesa, pati na rin ang lababo, at ang pinaghihiwaan mo ng mga kakainin ninyo.
Pwede kang gumamit ng mga homemade at natural na panlinis na gawa sa mga balat ng oranges, lemon, at iba pang prutas.
Maglagay ng mga natural insect repellents
Alam mo ba na may mga halamang mabisang panlaban sa mga insekto? Kabilang na riyan ang napakagandang bulaklak na Chrysanthemum. Mabisa itong panlaban sa mga langgam, ipis, garapata, at maging kuto.
Maganda rin na may maliit na paso ka ng mint sa bahay. Kaya nitong itaboy ang mga gagamba, langgam, at ipis. Panlaban naman sa mga langaw ang basil, habang mabisang panakot sa lamok ang citronella grass.
Magpakabit ng screens
Hindi ka magkakaproblema sa lamok at langaw kung magpapakabit ka ng screens sa inyong mga pintuan at bintana. May mga disenyo na ng screens ngayon na akma sa mainit na panahon dito sa ating bansa.
Panatilihing malinis ang bahay
Hindi kailangang palaging walang kalat ang bahay ninyo, pero ang mahalaga, napupunasan ang mga surfaces na natatalsikan ng pagkain at linggo-linggong nawawalis o natitignan ang mga sulok-sulok pati na rin ang mga cabinets.
Hindi mo rin kailangang mag-general cleaning araw-araw. Ang importante lang ay nasisilip mo ang mga lugar na pwedeng pamahayan ng mga daga, ipis, at maging anay.
What other parents are reading
Ayusin ang mga tagas sa bahay
Masayang-masaya ang mga pesteng tulad ng ipis sa mga masisikip, madidilim, at basang bahagi ng inyong bahay. Kaya naman para maiwasan ito, ipagawa mo na agad kung mayroong mga tumatagas na tubo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng mga naiipong tubig ay maaari ring pamahayan ng lamok kaya naman siguraduhing walang marumi at stagnant na tubig saan man sa loob at labas ng bahay ninyo.
Iwasan ang masukal na kapaligiran
Hindi lang dapat ang loob ng bahay ninyo ang nililinis mo. Dapat kahit ang bakuran, likod-bahay, at ang garden o dirty kitchen ay nalilinis din. Gaano mo man kasi kadalas i-disinfect ang loob ng bahay ninyo, kung sa labas naman ay marumi, mayroon pa ring makakapasok na mga insekto at peste sa loob.
Bukod pa sa mga nabanggit, naglista rin kami ng ilang DIY pest repellents na epektibo at madaling hanapin at gawin.
What other parents are reading
DIY pest repellents
Suka at asukal
Kumuha ka lang ng suka o apple cider vinegar. Ilagay mo ito sa isang mababaw na mangkok saka mo ito lagyan ng isang kutsarang asukal. Pagkatapos, lagyan mo ito ng fruit-scented na panghugas ng plato.
Hayaan mo lang ito sa kusina ninyo o kung saan mang bahagi ng bahay ninyo na maraming langaw. Ilang minuto lang ang nakakalipas, mapapansin mong pupuntahan ito ng langaw pero hindi na sila makakaalis.
CONTINUE READING BELOWwatch nowPwede ka ring magsabit sa mga pintuan at binatan ninyo ng mga tela o ribbon na pinahiran o pinatakan mo ng eucalyptus oil. Mabisa itong natural repellent sa mga langaw.
Chalk
Alam mo bang mabisang pantaboy ng langgam ang chalk? Mayroon kasi itong calcium carbonate na ayaw ng mga langgam. Ilagay mo lang ang chalk kung saan mo madalas makita ang mga langgam at makikita mong unti-unti silang mawawala o aalis.
Lemon juice
Kaya ring itaboy ng lemon juice ang mga langgam. Pwede mong ihalo ang isang cup ng lemon juice sa isang maliit na timba ng tubig at siya mo itong gamiting panlampaso.
Paminta
Ayaw din ng mga langgam ng paminta. Tulad ng chalk, pwede mo itong ilagay sa mga bahagi ng bahay na dinadaanan ng langgam.
Baking soda
Bukod sa panlinis sa mga gamit mo sa kusina, mabisa ring pantaboy ng ipis ang baking soda. Paghaluin mo lang ang magkapantay na bahagi ng asukal at baking soda sa isang platito o takip. Ilagay mo ito sa lugar kung saan ka madalas makakita ng ipis.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMagsisilbing pain ang asukal habang ang baking soda naman ang siyang papatay sa ipis.
Coffee grounds
Sa halip na itapon ninyo ang coffee grounds na ginamit ninyo sa paggawa ng brewed coffee, ilagay niyo na lang ito sa areas ng bahay kung saan madalas kayong makakita ng ipis. Ayaw kasi ng ipis ang acid sa kape.
Paalala lang, hindi ito nakakapatay ng ipis, ngunit mabisa itong paraan para paalisin sila sa bahay.
Ilan lamang ang mga ito sa mga pwede mong gawin para masiguro mong walang mga house pests sa inyo.
May techniques ka ba para maiwasan ang ipis, daga at iba pang peste sa bahay ninyo? I-share mo lang sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments